Every milestone hits
different in us.
It's either they make us
happy or only those
around us are delighted.SYXINE POV'S
Maraming scenario ng buhay ko ang nagdulot sa akin ng sobrang saya ngunit ang panaginip ko ang isang scenario na hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin at kung bakit kailangang mangyari pero tinanggap ko na lang. No choice e!
Wala na rin naman akong magagawa e kaya after ng nangyari sa book signing ay inaasahan ko ng marami pang mangyayari sa panaginip at sa totoong buhay.
Kasalukuyan akong naglilinis ng kwarto ko ngayon dito sa boarding house nang biglang pumasok si Najina.
"Ayy grabe! Ang gabok naman!" Reklamo niya at umubo-ubo pa.
Siya si Najina Valdez, isa sa mga kaibigan ko. Sikat siyang wattpad author pero ayaw niyang magpakilala in person. Hindi dahil nahihiya siya kundi para raw unique at interesting ang pagkatao niya.
Sa tuwing umaattend siya ng book signing ay nakasuot ito ng facemask at sunglasses upang hindi makilala.
Kasama ko siya rito sa boarding house dahil pinalayas siya sa kanilang bahay dahil iniisip ng parents niya na wala siyang trabaho pero sa wattpad world ay sobrang sikat niya... kaso nga lang, kokonti lang din naman ang kita niya doon.
"Bakit ka kasi nandidito?" Tanong ko sa kanya habang nagwawalis.
"Itatanong ko lang kasi kung dadalawin mo ba ang CEO ngayon?" Pagtatanong niya pero hindi ko siya pinansin.
"Ako na lang ang pupunta." Presenta ni Alzina na kapapasok lang sa kwarto.
Tumango lang ako sa kanya bago pinagpag ang mga unan sa harap nila.
"Lint*k naman oh!" Reklamo niya habang umuubo-ubo rin at saka lumabas.
Siya si Alzina Ferrer, isa rin siya sa mga kaibigan ko at kasama ko rin siya rito sa boarding house. Actually, family nila ang may-ari ng boarding house na ito kaya't nakakadiscount kaming dalawa ni Najina.
Her family is very supportive when it comes to writing, so she joins us here and she is with us, writing her story too.
Supportive din naman ang family ko lalo na sina mama at ang dalawa kong kapatid na sina Keeshalyn at Cozelle pero tutol parin si papa kaya lumuwas na lang ako dito sa Batangas para maghanap kunwari ng trabaho pero ang totoo ay ipinagpapatuloy ko pa rin ang pagiging isang wattpad author at gagawin ko ang gusto ko.
Isa akong art teacher sa umaga at wattpad author naman tuwing gabi kaya't kahit papaano ay nakakapagpadala pa rin ako ng pera sa pamilya ko at nakakabayad ng utang ko rito.
Hindi ito ang plano kong mangyari sa buhay ko. Ang gusto ko talaga ay maging isang sikat na actress, director, reporter, at writer na mamahalin ng lahat pero sa ngayon ay pagiging wattpad author pa lang ang nakakamit ko. Makukuha ko rin ang iba ko pang pangarap, sa ibang panahon at sa ibang pagkakataon.
"Sobrang lalim ba ng iniisip mo?" Seryosong tanong ni Najina at hinawakan pa ako sa balikat kaya't mapahinto ako sa pagliligpit ng mga gamit sa kwarto ko.
Kadalasan, kapag may malalim akong iniisip, natatagpuan ko ang aking sarili na naglalakad patungo sa aming munting kusina o kahit sa kwarto na may gawaing naghihintay. Sa mga sandaling iyon, tila ba ang mga gawaing bahay ay nagsisilbing aking lugar ng katahimikan at pagmumuni-muni.
Ang paghuhugas ng mga pinggan, ang pagwawalis ng sahig, ang paglalaba ng mga damit, o kahit ang simpleng pagpapalit ng mga kurtina - ang mga gawaing ito ay nagbibigay sa akin ng oras para makapag-isip ng malalim. Sa bawat galaw ng aking mga kamay, sa bawat indayog ng tela, sa bawat tunog ng tubig, natatagpuan ko ang aking sarili na unti-unting nalulunod sa aking mga iniisip. Hindi man ito ang karaniwang paraan ng ibang tao para makapag-isip ng maayos, ngunit ito ang aking paraan.
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...