CHAPTER 7: REQUISITE

25 26 0
                                    

We don't just happen to run across folks. They are placed in
our path for a purpose.

JORDAN POV'S

Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng kaharap ko ngayon dito sa coffee shop pero naiirita ako sa kanya dahil kung ano-ano ang isinusulat niya tungkol sa akin.

Isa siyang wattpad author kaya't nagagawa niyang magsulat ng kung anong gusto niya pero hindi man lang niya naisip ang maaaring maramdaman ko.

Kahit na may nakalagay na disclaimer na may nakasulat na... This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Eme-eme lang naman niya iyan e hindi dapat siya nagsusulat ng basta-basta lang. Ni hindi man lang niya naisip na, what if totoo pala ang isinusulat niya? Sikat nga siyang wattpad author pero hindi naman siya nag-iisip nang maayos.

Tss!

Nang mabalitaan ko sa isang fan ko na ginawa raw akong bida sa story ay agad kong binasa iyon at ang nakakagulat pa ay halos totoo ang lahat ng isinulat niya mula Prolouge hanggang Chapter 1.

Kung ano ang nangyari sa akin ng simula ng araw ng book signing event niya ay nakasulat rin. Even my meals, the places I've visited, and even the way I shower!

Nakakainis!

Nahihiya na tuloy akong magpakita sa mga fan ko at sa fiancé ko dahil nabulgar ang personal information na dapat ay sa akin lang. Tss.

Paano ba niya nalalaman ang ganoong bagay tungkol sa akin? May hidden camera ba siyang inilagay sa bawat parte ng bahay ko? Nakapasok na ba siya dati sa bahay ko? Hysst! Nakakainis talaga!

Ilang araw rin akong nagpaimbestiga para malaman ang mga information sa kanya at maswerte ako dahil nalaman ko ang dapat kong malaman.

Ang age niya, birthday, family names, work, friends, at ang lugar kung saan siya nakatira ngayon.

Sobra pa akong sinuwerte dahil nakasabay ko siya sa bus. Actually, papunta sana ako sa kanila upang kausapin siya pero dahil nga maswerte ako ay siya pa ang lumapit sa akin dahil kakausapin niya raw ako.

Ako ang dakilang swerte sa lahat!

Ngunit, nakakapagtaka dahil napansin ko ang pangalan ko sa draft niya sa wattpad app.

"Here's your order newly wed. Enjoy!" Magandang saad ng babaeng waitress pero hindi naman kami natuwa sa sinabi niya.

Nagkatinginan muna kami ng author bago umiwas sa isa't isa.

Bahagya kong ibinaba ang aking sunglasses upang tingnan ang waitress. "Thanks for the coffee but i want to clarify that we are not newly wed. Actually were not friends, were having have some... fun." Malumanay na paalala ko sa waitress.

Nahihiya naman siyang napatingin sa amin.

"Naku, p-pasensya po." Malungkot na saad niya.

"It's okay. Just do your job with a proper etiquette."

Ganda ng english ko ah! HAHA.

"Opo. Pasensya na po ulit." Paghingi niya ng paumanhin habang nakayuko pa.

REWRITE THE STARS OF DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon