CHARAAANNNN!
Thanks again for reaching this chapter! I promise that i give my best to write your unexpectedly DREAMS!
Smile ^_^Enjoy reading!
MysCarlime ( ˘ ³˘)

Bago ka pumasok sa isang relasyon, pumasok ka muna sa school. HAHA
JORDAN POV'S
Marami ng eksena at role ang ginampanan ko. Nagsimula ako sa pagiging palakad-lakad sa eksena, tambay, tindero, driver, ka-double ng ilang sikat na artista, then nakuha akong main artist. Naging bad boy rin ako tapos ay biglang bumait dahil sa babae, fiancee pagkatapos i-arrange marriage, naging mafia boss rin ako, CEO ng sampung kompanya, naging robot na rin, at ngayon naman ay isang estudyante.
Ibang-iba ito sa ginagawa ko dahil maayos naman ang trato sa akin ng pamilya ko at hindi nila ako tinatrato na parang isang alipin na kailangang sundin ang lahat ng utos ng magulang.
Actually, noong nag-aaral palang ako ay basagulero talaga ako, mas madalas pa nga akong absent kaysa sa pumasok e. Palagi rin akong nagcu-cutting classes upang sumama sa barkada na manigarilyo at mag-inom.... Pero ngayon, isa na akong sikat na artista.
Sinong mag-aakala na ang isang estudyanteng katulad ko noon ay magiging ako na ngayon?
Astig ko di'ba?
Sobrang hirap kasi ng buhay namin at late ko na na-realize iyon kaya't gumawa ako ng paraan para magkapera. Nag-trabaho ako bilang isang waiter hanggang sa naging bartender.
Sikat ang lugar na pinagtatrabahuhan ko at naging espesyal raw iyon para sa sikat na couple kaya't doon sila nag-shooting at naging cast ako bilang isang magaling na bartender. Dahil doon ay na-discover ako hanggang sa narating ko ang lugar kung nasaan ako ngayon.
"Anong ginagawa mo rito?" Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang magtanong si Syxine.
Kasalukuyan pa rin itong nakatingin sa akin kasama ang batang estudyante.
"Ikaw ang sumagot sa tanong mo!"
Hinablot ko ang kamay niya at ipinunta siya sa likod ko. Animo'y pinoprotektahan ko siya sa bata.
"Hoy, ano ba? Teacher ako rito 'noh." Hinablot niya ang kamay niya.
"Teacher ka?"
"Oo, bakit?"
"Akala ko ba author ka."
"So kapag author ay hindi na pwedeng maging teacher?"
Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil tama naman siya. Ang trabaho niya ay pwedeng pagsabayin.
"Umalis ka na rito, nagugulo mo ang school."
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...