AN: Dreamer, sorry for the late updates! Madami kasi akong ginawa na school activities. Naghahanda na rin kami for being a 3rd year BSED SOCIAL STUDIES college students kaya't gumagawa na kami ng Lesson Plan (LP) at nagdedemo na rin.
THANKS for waiting!
MysCarlime ^_^
***

Life is a game, play it well.
JORDAN POV'SMarami talagang tao sa panahon ngayon ang hindi mo maintindihan kung bakit ganoon ang ugali nila. Maaaring may pinagbago o talagang nagbago na sila.
Katulad na lang ng babaeng kausap ko ngayon ay hindi ko talaga maintindihan kung anong pinagsasabi niya. Ni hindi nga ako makarelate kaya't marami akong naging tanong sa kanya. Nakakainis dahil ganito pala kausap ang mga author na katulad niya.
Paano ko aayusin at sasabihin ang pakay ko sa kanya?
Maaari pa ba iyong maayos?
"Hindi ko alam kung paano iiwasan. Hindi ko alam kung paano pipigilan na mangyari talaga ang nangyayari sa panaginip ko."
"Teka nga lang!" Nag-hand sign pa ako sa kanya ng stop dahil talagang naguguluhan na ako. "Isa kang wattpad author na nanaginip tungkol sa akin na akala mo ay isa akong fictional character mo?" Paglilinaw ko.
"Oo. Halos lahat alam ko sa'yo pero sigurado akong marami pa akong matutuklasan sa'yo dahil nagsisimula pa lang ang kwento at hindi ko gusto iyon." Tumingin pa siya sa akin na animo'y sinisipat ang itsura ko at saka umiling.
T*nginang 'toh! Banatan ko siya!
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Ilang beses ko nang sinubukan na baguhin ang ibang scene na napanaginipan ko pero nakakatulog lang ako."
"A-ano? H-hindi ko maintindihan." Naguguluhang saad ko.
Ano ba 'tong pinagsasabi niya? Mas malabo pa sa labo e.
Napapahawak pa ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay magkaka-migraine ako dahil sa sobrang stress at biglaang pangyayari.
"Sa tuwing binabago ko ang scene na dapat kong isulat sa story ko ay nakakatulog ako. Ilang beses ko nang sinubukan iyon at kanina lang... Ayy hindi.... noong isang araw pala... binago ko ang scene kaya't dalawang araw akong walang malay."
"So w-wala kang choice na baguhin ang story mo? Ganun ba?"
"Oo, tama ka! Kung ano ang napapanaginipan ko, iyon ang nangyayari sa'yo in real life. Pwede ko naman siyang baguhin pero kailangan ko ng tulong mo."
"Papaano?"
Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita.
"Kailangan ko ng physical touch mo. Kahit hawak lang ng kamay!"
"A-ano? Physical touch?... S-sa'yo?... No way!"
Ayyy baliw na nga siyaaaaa!
"Baguhin mo na lang ang story mo!" Inis na saad ko.
Lintek na toh!
Chachansingan pa ako dahil sa walang kwentang storya na yun!
Siguradong kapag nalaman ito ng fiancée ko ay iiwanan na naman niya ako kagaya ng ginawa niya noon sa akin.
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...