CHAPTER 24: VALIDITY

14 14 0
                                    

If life is a book‚ meeting youwas my favorite chapter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

If life is a book‚ meeting you
was my favorite chapter.

SYXINE POV'S

Maraming masasayang araw ang dumarating sa atin at ang isa sa mga pinakamasayang araw ay kapag pinalaya natin ang taong nagbigay sa atin ng sobrang sakit pero mas masaya kapag nagawa mong ikulong ang taong sobrang nanakit sa'yo na halos hindi ka na respetuhin.

Pagkatapos ng nangyari sa police station na pagbibigay ng testimony ay agad na kaming umuwi. Medyo nalulungkot ako dahil hindi ko man lang nagawang kausapin ang mga kaibigan ko kahit alam kong nandoon sila para suportahan ako.

Parang ang sama ko namang kaibigan sa kanila.

Matutulog na sana ako nang biglang may pumasok sa condo. Akala ko si Renzo iyon dahil kadalasan ay maingay siyang pumapasok rito para hanapin ang artista niya pero tahimik lang.

Hindi ko na sana iyon papansinin ng sunod-sunod kong narinig ang pangalan ko at para bang may nag-aaway sa kanila.

Basher ba ni Jordan ang naririto o basher ko?

"Ate Sy!"

"S-syxine!"

"Sizzy!"

Sunod-sunod na sabi nila.

Naluluhang lumapit sa akin si Owen at agad akong yumakap.

"Ate Sy! Are you okay?" Pagtatanong nito na sobrang higpit pa rin ng yakap.

Niyakap ko siya pabalik.

"Oo naman." Humiwalay ako yakap niya at napatingin sa mga taong nandito sa condo.

Bakit nandidito ang lalaking barista?

"Bakit ka nga pala nandidito?" Pagtatanong ko kay Owen.

"E kasi gusto kitang makita ate Sy... At may gusto rin pala akong itanong sa'yo, hehe." Nahihiyang saad niya.

"Sige. Ano 'yun?"

"Totoo bang may asawa ka na kaya't dito ka nakatira?" Nagulat ako sa tanong niya.

"That's fake." Sagot ng lalaking barista.

"Hindi... Totoo 'yun. Asawa ko siya!" Saad naman ni Jordan at umakbay pa sa akin.

Bakit siya umakbay?!

"Alisin mo 'yang kamay mo, kung ayaw mong antukin tayo." Bulong ko sa kanya at iginalaw-galaw pa ang balikat ko.

Agad naman niya itong inalis pero hindi pa rin siya lumalayo sa akin.

Ano bang nangyayari sa kanya?

Pinoprotektahan ba niya ako?

Hindi naman siguro.

REWRITE THE STARS OF DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon