EPILOGUE

21 13 0
                                    

The saddest part of being an idol is he/she can't get married anymore because a lot of fans rely on him

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The saddest part of being an idol is he/she can't get married anymore because a lot of fans rely on him. He/she is afraid that all his fans will not support him/her if he/she has decided to marry a woman he/she wants for the rest of his/her life. :(

JORDAN POV'S

Maraming dahilan kung bakit nagbabasa ng wattpad ang mga tao. Maaaring pampalipas oras lang nila ito o kaya naman ay may ibang dulot ito sa kanila... Pero ako, i read wattpad books dahil gusto kong pasukin ang mundo ng kwento. Once you get interested there's no way to stop it.

Napansin kong napatulala si Doc Lowell at unti-unting humakbang palapit kay Syxine.

"P-pinilit niyang i-isulat ang huling k-kabanata habang tulog ako..." Pumipiyok na saad ko habang sabay-sabay na nag-aagusan ang mga luha ko.

"Gagawin ko ang lahat para magising siya!" Pangako niya sa akin at agad na binuhat si Syxine at lumabas sila.

Kahit na sumasakit ang buo kong katawan ay sumunod ako sa kanya pero hindi niya ako hinayaang pumasok sa emergency room kaya't palakad-lakad na lang ang ginawa ko upang hintayin siya!

Ano bang dapat kong gawin?

'Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko at halos naka isang daan na yata akong pabalik-balik upang tumingin sa emergency room.

"Hi... Magaling ka na ba?" Pagtatanong ni Alzina.

Paano ko sasabihin sa kanya pati na rin kay Najina?

Siguradong hindi sila maniniwala agad sa akin kapag sinabi ko ang totoo.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

Sana sa akin na lang sila magalit kapag nalaman nilang hindi kami nagsabi sa kanila kung ano ang totoong dahilan kung bakit kami magkasama ni Syxine.

"Si Zin... Nasa loob." Saad ko na halos ikagulat nilang dalawa.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Najina at bakas ang gulat sa reaksyon niya.

"Anong nangyari sa kanya?" Pagtatanong naman ni Alzina. "May sakit ba siya?"

Sunod-sunod na tanong nilang dalawa. Magsasalita na sana ako nang tawagin ako ni tita Danna.

"Sorry, kailangan ko lang siyang makausap." Saad ko sa dalawa na tulala pa rin.

Pumunta ako kay tita Danna at galit na tumingin sa kanya.

"Bakit niyo siya hinayaang magsulat? Bakit hindi niyo siya binantayan! Napakapabaya niyo!!!" Halos suntukin ko na ang pader dahil sa sobrang galit.

"Sorry Jordan pero pinigilan ko ang kapatid ko." Nagulat ako sa sinabi niya.

ANO???

"Anong sabi mo? Kapatid?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

REWRITE THE STARS OF DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon