CHAPTER 28: CELEBRANT

15 13 0
                                    

Gusto ko ng 'mercury' pero
may "U" sa gitna.

JORDAN POV'S

Ang pagkakaroon ng simpleng pamilya at pamumuhay ang mayroon ako noon pero ngayon, hindi ko na sila kasama dahil may sari-sarili na silang pamilya.

Ang mommy ko ay nasa France kasama ang ate ko at ang asawa niya, si daddy naman ay wala na dahil namatay siya dahil sa isang car accident, at ang bunso ko namang kapatid na si Chelster ay busy rin sa trabaho niya.

Hindi kami magkasundong dalawa dahil nag-away kami sa iisang babae noon na parehas naming crush, halos isang taon lang ang agwat niya sa akin kaya't maaari niya ring maligawan ang babaeng crush ko noon... Pero ngayon, hindi na ako makakapayag na agawin niya sa akin si Zin kaya't gagawin ko ang lahat para mahalin niya ako.

"Magandang araw po." Pagbati ko sa pamilya ni Syxine.

Kanina pa sila nakatingin sa akin kaya't nangangawit na ako sa hawak kong pasalubong para sa kanila pero kahit ganun ay kailangan kong tiisin. Kailangan kong ipakita sa kanilang malakas ako, 'yung tipong kaya kong ipaglaban ang anak nila sa kahit na sino.

Kumaway sa akin ang maliit na bata, siya iyong hindi nakakapagsalita kaya't gumagamit lang siya ng hand gesture or sign language upang maunawaan ang gusto niyang sabihin.

Kaya pala palaging nagha-hand sign sa akin si Zin dahil nakasanayan na niya.

Kumaway rin ako sa kanya at nag-hand gesture na 'ang ganda mo'. Napangiti siya at nabigla ako nang yakapin niya ako.

Ang cuteeeee! Parang little Syxine lang.

"Pumasok na kayo." Saad ng papa nila.

Sumunod na ako at pumasok sa hindi kalakihang bahay nila. May dalawa silang kwarto, maliit na sala, at kusina na may mahabang lamesa.

Masasabi kong ito na ang isa sa pinakamasayang araw sa akin dahil parang pakiramdam ko ay nagbalik ako sa dati naming bahay na may buong pamilya na masayang nagkukwentuhan at nagkakasama.

Dito sa bahay nila ay hindi nila ako itinuring na artista dahil hinayaan nila akong magpakilala at magkwento sa kanila sa kung ano ang buhay ko. Nakipaglaro rin sila sa akin ng checkers at nagpunta sa bukid nila upang manguha ng mangga.

Sobrang saya talagang pumunta rito sa pamilya ni Syxine. Kapag magpapakasal at titira kami sa iisang bahay kasama ang mapapangasawa kong si Syxine ay dito na ako titira dahil mararamdaman mo talagang hindi ka iba sa maraming tao.

SYXINE POV'S

Lumipas ang dalawang buwan na wala kaming ginawa ni Jordan kundi ang magpabalik-balik sa probinsiya namin. Tuwing linggo ay doon kami pumupunta at kinabukasan ay umuuwi.

"Happy birthday, Zin." Pagbati sa akin ni Jordan paggising ko.

April 25

Ngayong araw na ito ang birthday ko at siya ang pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong umaga.

"Thank you." Niyakap ko siya ng ilang segundo bago hinalikan sa labi.

"Nga pala, nasaan ka kagabi? Hindi kita napansin na umuwi." Malungkot na saad ko sa kanya.

Hindi kasi siya umuwi kagabi tapos makikita ko siya na kasama ko na ngayon, tss.

"Umuwi ako kaso naabutan kitang tulog kaya hindi na kita ginising." Saad niya pero hindi ko siya pinansin. Pumihit ako nang higa upang talikuran siya. "Galit ka ba?" Naramdaman ko siyang yumakap sa akin.

REWRITE THE STARS OF DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon