CHAPTER 13: USERNAME

17 21 0
                                    

Remember the person who PLANTED the tree when you EAT fruit.

WELSY POV'S

Maaga akong pumasok ngayon sa office kaya't dumaan muna ako sa coffee shop para bumili ng paborito kong Latte Macchiato. Masarap kasi iyon at nakakagaan sa pakiramdam kapag iniinom ko iyon. Para akong dinadala sa mga ulap kasabay ng pagsulyap ng aking minamahal, eme haha.

Habang naglalakad papasok sa office ay nakasalubong ko si Najina na busy sa pagta-type sa cellphone niya.

Mukhang hindi niya ako napansin kaya't naglakad na lang ulit ako.

Maya-maya lang ay bumalik ito. "Aga mo ngayon ah." Saad niya sa akin.

Akala ko e parang bula na lang ako sa kanya dahil galit sila sa akin sa nangyari kay Syxine.

"Kailangan e."

"Boss ka na naman ah. Bakit kailangan mo pang pumasok ng maaga?"

Sinabayan niya ako sa paglalakad.

"Hindi naman porke' boss ka na ay wala ka nang ginagawa. Mas madami pa nga 'yung paper works ko kaysa sa mga employees ko."

"Ows, Ilang libro ba 'yan? Sandamakmak na ba?"

"Haha oo... Nga pala, may kilala ka bang Kou waiwai? Author din siya sa wattpad."

"Oh tapos?" Siga niyang pagtatanong.

"Nag-sign kasi siya sa amin ng contract via online. Ayaw magpakilala ng personal e ang pangit naman ng username." Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

"A-anong pangit ka d'yan?"

"Bakit? Pangit naman talaga e. Parang hindi pinag-isipan. Nasa ibang lugar ba siya kaya ganun ang naisip niya?"

"Ang sakit mo na magsalita ah. Kaya ka siguro iniwan ni Zin dahil sa ugali mo!" Mariing saad niya.

Napakatotoo naman nito!

"A-ano? Anong masakit doon sa sinabi ko?" Seyosong tanong ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

Ano bang masakit doon?

Totoo naman ang sinabi ko ah.

Pangit naman sadya parang hin---

"Ayy t*ngina ka! Ikaw 'yun?" Gulat na tanong ko.

"Ayy t*ngina ka rin. Ako nga iyon!"

"Bakit kasi ganun ang username mo?... D-dapat 'yung mas u-unique." Nahihiyang saad ko.

Siguro kapag ikinuwento ito ni Najina kay Syxine ay magagalit na naman iyon sa akin dahil hinusgahan ko ang kaibigan niya, nagsasabi lang naman ako ng totoo e.

"Unique 'yun noh! Porke hindi mo kilala si Maxim Knight"

Sino naman iyon?

"Ano namang kinalaman niya?"

"Taga Hawaii kasi siya."

"Oh tapos?"

"Ahh basta, search mo na lang." Nauna na siyang maglakad sa akin habang nagsusuot ng facemask.

___

"Your possessive" translate in Hawaiian is "Kou waiwai"
___

Pagkarating sa office ay napapailing na lang akong pumasok dahil na-search ko na ang meaning ng username na gamit niya.

Grabe talaga siya. Ako pa talaga ang possessive ah.

REWRITE THE STARS OF DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon