Huwag na huwag niyong sasaktan ang mga babae dahil kapag 'yan gumanti, sampung beses
na mas masakit.WESLY POV'S
Maraming masasakit na pangyayari sa akin pero ang hindi ko inaasahan ay tuluyan na akong lalayuan ng pinakamamahal kong babae, si Syxine.
Ginawa ko ang lahat to make her stay, kahit noon pa man. Hindi ko siya hinayaang mawala sa akin pero sa tingin ko ay mali ang mga ginawa ko. Maling-mali rin ang nagawa kong manligaw sa kanya kahit na mahal ko pa rin si Akie, ang ex ko.
Hindi ko alam kung bakit ako dumating sa puntong niligawan ko si Syxine kahit may mahal akong iba pero ang masisigurado ko lang ay talagang nagkagusto ako sa kanya, minahal ko siya!... Pero ang t*ngang kagaya ko! Tama lang na iwan niya, tama lang na iparamdam niya sa akin ang sakit na naramdaman niya, at tama lang na iwasan niya ako at layuan... Mali ako e!... Maling-mali!
"Alam mo, kung isa-summary lahat ng ginawa ko sa kanya ay matatawag akong TAN-GO-KO. " Saad ko kay Najina.
Kasalukuyan kaming nag-iinom ngayon sa bar at ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Syxine simula noong una pa lang. Alam kong nabigla rin siya sa sinabi ko kaya naparami na rin ang nainom niyang alak. Nasabi niya rin sa akin na napagkamalan niya kaming magpinsan dahil wala raw spark sa amin kung titingnan.
Kapag pumikit kaya sila e makikita nila? HAHA.
"Anong tawag sa'yo?" Tanong niya.
"TAN-GO-KO, t*nga, g*go, at manloloko."
"Tss, hindi ka lang pala CEO, inventor ka rin."
"Oo, marami akong trabaho." Pabiro kong saad sa kanya at uminom ng alak.
Uminom pa kami nang uminom at marami na ring napagkwentuhan na mga bagay-bagay tungkol sa pusa niyang si Mitsky na ipina-ampon na raw niya sa iba, at ang mga dahilan ng pagsusulat niya ng wattpad story.
"Maraming dahilan kung bakit nagsusulat ang mga author... Unang-una ay hobby nila, pangalawa ay masaya sila kapag nakakapagsulat, pangatlo ay gusto nilang sumikat, pang apat ay gusto niyang makilala ng maraming tao ang nilikha niya, pang lima ay may inspirasyon sila at idinadaan ito sa pagsusulat, at ang pang anim ay gusto nilang kumita kagaya ko." May pabilang-bilang pa siya sa daliri niya. "Pero nagkamali ako HAHA." Dugtong pa niya at saka tumawa. "Akala ko ay kikita ako pero hindi pala ganoon kadali iyon... hanggang sa naging hobby ko na."
"Ayos 'yun, at least positive pa rin ang outcome." Tumango-tango siya sa sinabi ko bago uminom ng alak.
"Mukhang type ka ng mga 'yun ah." Saad ko sa kanya na ang tinutukoy ay ang dalawang lalaki na nasa bandang dulo na kanina pa nakatingin kay Najina.
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...