Ignore those who ignore you,
learn to unlove people.SYXINE POV'S
Maraming pagkakaibigan ang nauuwi sa pagmamahalan pero kagaya ni Skyler Florez sa kwento na pinamagatang Veracity in life ay nawasak iyon, kumbaga hindi talaga iyon ang nakalaan para sa kanya.
Sabi niya nga 'I know that you deserve to be loved... By someone else... At hindi ako 'yun'
Nakakalungkot na bigla na lang nawawala ang closeness kahit parehas naman ng feelings. Maaaring hindi pa handa pero sigurado naman sa kung ano ang nararamdaman para sa isat isa.
"Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba?" Humahangos na tanong ni Wesly habang chine-check ang nangyari sa akin.
Siguradong tumakbo na naman siya para alamin ang kalagayan ko, ganun siyang tao e.
"Bakit ka nandidito? Paano mo nalamang nari---"
"Mas mahalaga pa ba iyon? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na narito ka? E di sana ay nakapunta ako nang mas maaga."
"Okay lang ako. At saka, paano ako makakapagsabi sa'yo na narito ako kung masama ang pakiramdam ko. Hindi ko kayang mag-text sa'yo o mag-online para i-chat ka noh!"
"Okay, I'm sorry." Malambing niyang saad.
"Forgiven." Saad ko at saka ngumisi.
Bahagya niya namang ginulo ang buhok ko bago iyon hinalikan.
Sweet pa rin talaga siya hanggang ngayon.Makalipas ay ilang minuto ay lumabas muna siya para raw bumili ng makakain naming dalawa.
"Siguradong magseselos siya kapag nakita ka niyang nakiki---" pinutol ko na agad ang gustong sabihin ng doctor.
"Anong magseselos kayo d'yan? Kaibigan ko siya?" Pagtutukoy ko kay Wesly at tiningnan pa ang pinto kung saan siya lumabas.
"Okay sige."
"Nga pala, bakit po honey ang tawag niyo doon sa matandang iyon?" Pagtatanong ko na ang tinutukoy ay ang matandang babae na ngayon ay hindi ko na alam kung nasaan, umalis na siguro.
"I called her honey because she makes my life sweet. Ginawa niya ang buhay ko na isang magandang storya na tiyak na magugustuhan ng lahat." He give me a sweet smile.
"Nga pala, hindi mo pa ba siya kilala?"
"Hindi pa po e. Hindi nga po siya nagpakilala sa akin kung anong pangalan niya."
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...