CHARAAANNNN!
Thanks again for reaching this chapter!.. Sorry for the late update, nagkasakit kasi ako e.
Smile ^_^
Enjoy reading!
MysCarlime ( ˘ ³˘)
The more stories I read, the more husbands I got, eme HAHA.
SYXINE POV'S
Ang paggawa ng isang storya ay parang puzzle na kailangan mong buuin kung kailan mo gusto at hindi ito matatapos kung hindi mo uumpisahan. Kailangan mo ring buuin at kabisaduhin ang mahahalagang detalye na mayroon sa storya mo. Sira-sira man ito ng tinanggap mo, binuo mo naman ito at tinapos mo.
Kagaya na lamang ng nangyayari sa akin ngayon. Pinipilit kong tapusin ang mahahalagang detalye na mayroon sa storya ko upang unti-unting mabuo. Marami man akong naging katanungan noon ay naging masaya naman ako habang binubuo ito.
Sa mga oras na ito ay busy ako sa pagsusulat habang umiinom ng kape. Tinanggap ko ang kamay ni Jordan at nagpipigil na huwag matulog.
"Yabang naman ni Aaron." Saad ni Jordan habang nagbabasa ng wattpad book.
Binabasa niya ngayon ang ginawa kong story na nakapublished as a book. Nakakawala raw kasi ng antok kapag nagbabasa siya.
"Anong mayabang sa kanya? Kasi siya raw ang the cutiest man in the world?"
"Oo, ako dapat 'yun e."
"Tss, hindi ba magagalit ang manager mo dahil mas inuuna mong basahin ang wattpad kesa sa script mo?"
"Hindi noh! Dapat nga ay ako pa ang magalit dahil hindi nila chini-check ng mabuti ang lugar. Muntik na kaya akong mamatay."
"Alam ko naman ah." Pabirong saad ko.
"Hyst, thank you kasi niligtas mo ako." Saad niya na para bang binasa lang sa kung saan.
"Lagyan mo naman ng sincere. Wala akong ma-feel e." Saad ko bago niyakap ang sarili.
"Thank you kasi niligtas mo ako, sincere."
"Tss, galing talaga!" Pumalakpak pa ako dahil sa paghanga sa sinabi niya bago ipinagpatuloy na ang pagta-type sa laptop.
Maya-maya ay naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Thank you." Sinserong saad niya habang nakatingin sa mga kamay namin.
Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang mukha ko.
"Wala 'yun."
"Thank you pa rin kasi hindi mo ako pinabayaan kahit na may nangyari na pala sa'yo," saad niya at nagulat ako ng bigla niyang halikan ang kamay ko. "Thank you for being with me, Zin."
Tumango-tango na lang ako sa kanya at napayuko upang hindi ipakita sa kanya ang reaksyon ko. Ayokong makita niya akong naguguluhan sa nararamdaman ko.
"Bilisin mo na, inaantok na ako." Utos niya at ipinagpatuloy na ang pagbabasa.
Ayy grabe! Pagkatapos gawin iyon ay uutusan ako, tss!
Ipinagpatuloy ko na ang pagta-type habang nilalabanan ang antok.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ko na rin ang paggawa ng chapter at agad itong ipinublished.
"Okay na falconet, pwede ka ng matulo---" napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong tulog na ito.
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...