Anything less than your utmost effort is a gift that must be sacrificed.
JORDAN POV'S
Masasabi kong ang araw na ito ang isa sa pinakamahalagang araw para sa akin. Hindi lang dahil nailigtas ako, kundi may taong nagsakripisyo para gawin iyon.
Si Syxine, ang babaeng nagbigay halaga sa buhay ko!
Noon, palagi kong iniisip ang dahilan kung bakit ko siya nakasama? Kung bakit kami nagkakilala? Kung bakit kailangan na maging ganoon ang panaginip? Kung bakit ko siya sasamahan sa pagtatapos ng storya niya pero ngayon alam ko na ang sagot.
Kahapon ay sobrang nagalit ako sa kanya dahil ginawa niya akong utusan. Pagkatapos, umalis na lang siya bigla at balak pa yatang umuwi ng may kasamang lalaki. Kaya ayun, nasapak ko 'yung lalaki at inuwi si Syxine.
Nakakainis lang dahil sa ganoong usapan namin ay nagalit siya at nag-inom agad.
Nababaliw na ba siya?
Kasalukuyan akong naririto ngayon sa classroom na katabi ng faculty upang mag-ayos at magpahinga. Napapangiti akong napatingin kay Syxine habang pumapasok siya rito sa loob. Pasimple kong tinanggal ang band aid na nasa noo at braso ko nang makita kong may dala siyang gamot.
Nalinis na kanina ng nurse rito sa school ang naging sugat ko pero sigurado akong gagamutin pa rin ito ni Syxine. Hindi naman nasugatan si Syxine sa nangyari kanina dahil agad kaming nakaiwas pero nagkagalos ako dahil sa pagsadsad ng aking mukha at braso sa sahig.
Gaya ng inaasahan ay lumapit nga ito sa akin at ginamot ang sugat ko.
"Medyo masakit ito ah." Paalala niya bago lagyan ng alcohol ang sugat ko.
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Thank you." Biglaang saad ko sa kanya.
"Ha? Hindi pa naman kita tapos gamutin."
"Tss. Hindi iyon."
"E para saan ba?"
"Sa pagligtas mo sa akin."
"Hehe dapat magpasalamat ka rin kasi napanaginipan kita."
"So magpapasalamat ako sa'yo dahil napanaginipan mo akong mamatay."
"Hindi ganun."
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...