CHAPTER 12: ALIMENTATION

19 21 0
                                    

Every day is the best day of the year, so etch that into your heart.

SYXINE POV'S

KINABUKASAN

Ang ganda ng gising ko dahil napasarap ang tulog ko sa malambot at malaking kama na ibinigay sa akin ni Jordan para tulugan ko. May care din naman pala siya sa akin kahit konti lang e.

Nagpunta na ako sa malaking cr at doon naghilamos. Napatigil ako sa aking ginagawa ng maalala ko ang panaginip ko na ayokong i-share kay falconet na iyon.

DREAMS CHAPTER 2

Pagkasakay ko sa bus ay nag-facebook ako at nakinig ng ilang music video. Naantig ako sa boses ng isa sa mga Ppop group na Skies19nth na kung saan ay kasali si Jordan Hanwill kaya't nag-search ako ng main account niya at doon nag-stalk.

Napakaganda ng boses niya at napakagwapo rin. Siguradong marami akong kaagaw sa kanya kapag nagkataong nainlove talaga ako.

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na ako at naglakad papunta sa isang coffee shop. Sikat kasi ito dahil dito nag-shoot ng music video ang grupo nila kaya't naisipan kong pumunta rito para tingnan ang lugar na ito.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay napakarami ng tao. Paalis na sana ako nang mapansin kong nag-aayos na ang ilang customer para umalis. Sakto naman na doon sila nakapwesto sa dulo na favorite spot ko. Nag-order na ako ng Dark Chocolate Mocha at doon naupo.

May bumalik na isang lalaki kaya't nag-adjust ako ng mga gamit ko na kapapatong lang. Magrereview kasi ako ng mga lesson ko e.

Pagkalipas lang ng ilang oras ay umalis na rin ako. Muli kong isinuot ang earphone ko at nakinig na sa music. Ngunit, napatigil ako sa paglalakad nang biglang hawakan ng isang matipunong lalaki ang kamay ko at mabilis na isinakay sa kotse.

Nang nasa loob na ng kotse ay nagsisigaw ako pero bigla na lang akong napatigil nang magsalita ang lalaking hindi ko namamalayan na katabi ko pala. Siya iyong napanood ko kanina sa music video, 'yung isa sa mga Skies19nth Ppop group na may napakagwapong mukha, 'yung sikat na artista!

Hindi pa ako nakakapag-move on sa pangyayari nang bigla niyang sabihin sa akin na aksidente kaming nakuhanan ng picture sa isang coffee shop.

Nagkatabi lang kami noon sa upuan dahil sa dami ng tao. E di'ba artista siya? Kaya ayun, kumalat agad ang balita at ginawan nila ng marites version na mag-asawa raw kami. Patago raw kaming nagde-date para walang makaalam.

END


Itinuloy ko na lang ang morning routine skin care ko bago lumabas ng banyo at nagpunta sa kusina. Napapailing akong napatingin kay Jordan na ngayon ay nagluluto ng almusal para sa amin.

Ayy, hindi... baka pala para sa kanya lang iyon. E kasi naman, isa lang na jumbo hotdog ang niluluto niya tapos konting fried rice na nilahukan ng itlog.

REWRITE THE STARS OF DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon