Even you try to hide your feelings, your eyes say it all.
SYXINE POV'S
Maraming sekreto sa mundo ang mahirap itago, mula sa maliliit na kasinungalingan hanggang sa malalaking katotohanan na maaaring makapagpabago ng takbo ng buhay. Ngunit sa lahat ng ito, may isa na tila ay pinakamahirap itago - ang iyong tunay na nararamdaman para sa isang tao.
Hindi madali ang magtago ng damdamin, lalo na kung ang damdamin na iyon ay para sa isang taong napakahalaga sa'yo. Ang bawat tingin, salita, at galaw mo ay maaaring maging isang malinaw na pahiwatig ng iyong tunay na nararamdaman. Sa tuwing nakikita mo siya, hindi mo maiwasan na magbigay ng special na atensyon, na sa kalaunan ay maaaring mapuna ng iba.
Hindi mo rin maiiwasan na magtanong sa iyong sarili - hanggang kailan ko ito itatago? Hanggang kailan ko kayang magpanggap? At hanggang kailan ko kayang ilihim ang sakit na dulot ng pagtatago ng iyong tunay na nararamdaman?
Madalas nangyayari na ang pinakamahirap na sekreto na itago ay ang iyong nararamdaman para sa isang tao. Dahil sa kabila ng lahat ng iyong pagsisikap na itago ito, ang puso mo pa rin ang magtatagumpay. Dahil hindi mo kayang itago ang iyong damdamin, lalo na kung ito'y para sa isang taong napakaimportante sa'yo.
Kahit pilitin mo, sasabihin parin ng mata mo kung ano ang totoo.
Sa tuwing makakaramdam ka ng inis, naniningkit ang mata mo, minsan pa nga ay nanlalaki dahil sa sobrang galit. Kapag kinikilig ka naman, parang kumikislap ang mga mata mo sa sobrang saya, at kapag malungkot ka naman, naluluha na ang mga mata mo.
Even you try to hide your feelings, your eyes say it all.
Katulad ngayon, hindi ko masabi ang nararamdaman ko sa kanya pero sinasabi ng mga mata ko kung ano ang totoo.
Narito parin ako ngayon sa room ni Wesly at kami na lang ang naiwan dito dahil nauna ng umalis sina Alzina at Najina dahil sa busy hours nila.
"Mukhang kailangan ko na ring umalis." Saad ko at sinadyang tumingin sa relo ko bago tumayo.
Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Mag-usap muna tayo." Malumanay na pakiusap niya.
Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin bago tumayo.
"5 minutes." Tumingin akong muli sa relo ko.
"5 minutes lang? Grabe naman!" Pagrereklamo niya.
"Gaano ba kahaba ang sasabihin mo? Ilang chapter ba?"
"Syxine naman. Mag-usap tayo nang maayos." Pakiusap niya ulit.
Huminga ako nang malalim. "Ok sige. Anong gusto mong pag-usapan natin?" Tiningnan ko siya sa mga mata niya.
"Gusto kong mag-sorry."
"Oh, tapos?"
"Tss." Naiinis siya bigla sa sinabi ko. "Sorry kasi tinupad ko 'yung isa sa mga pangarap mo." Inis ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya.
"Bakit mo ba 'yun ginawa? Alam kong CEO ka pero hindi mo naman kailangang gawin 'yun! May kukuha sa akin at sa gawa ko dahil magaling akong writer." Walang halong pagmamayabang na saad ko.
Hindi ko pa nga siya gaanong napapatawad sa una niyang ginawa tapos gumawa na naman siya ng panibagong dahilan para magalit ako sa kaniya.
Kung kayo ang nasa katayuan ko ay matutuwa kayo dahil natupad na ang mga pangarap niyo ngunit sa akin ay hindi. Naging libro nga ang nilikha kong kwento pero dahil iyon sa kanya. Kinuha niya ang gawa ko para maging isang libro ng company nila kahit na maraming tumututol na mga employee dahil hindi pa naman gaanong sikat ang story ko.
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...