You should trust your
next chapter of your life and
you will be happy at the end of it.SYXINE POV'S
Ang buhay ay punong-puno ng kakaibang tadhana na nakalaan para sa atin. Iba-iba rin ang desisyon na ginagawa natin upang ibahin ang tadhanang ito ngunit ang tadhana ko mismo ang hindi ko dapat baguhin.
Mahirap tanggapin na ganito ang nakalaan para sa akin at wala na akong kakayahang baguhin iyon kaya't gagawin ko ang lahat para matapos na ito agad at hindi na muling mangyari sa akin ang ganitong senaryo.
"Hoy babae ka! Kung nasaan mang lupalop ka naroroon ay umuwi ka na dito! Ang gusto ko lang noong isang araw na mangyari ay basahin ang draft ng chapter 2 mo pero hindi ko sinabing lumayas ka na." Galit na saad ni Najina, siguradong umuusok na ang ilong niya ngayon dahil sa galit sa akin.
Kasalukuyan ako ngayong nakikipag-usap kayna Najina at Alzina sa telepono. Kanina pa sila nangbubunganga dahil hindi nila ako makita at hindi ma-contact ang cellphone number ko.
"Oo, uuwi rin ako maya-maya. Pasensya na kayo." Paghingi ko ng tawad sa kanila.
Hindi ko naman akalain na dalawang araw pala akong mawawala e.
"Anong pasensya ka d'yan! Bilisan mo na! Nag-iinit na ang ulo ko sa'yo!" Inis na saad niya.
"Opo. Sorry mga sizzy."
"Umuwi ka na!"
"Ingat pag-uwi ah... Ako na bibili ng bagong cellphone mo." Pagpresenta ni Alzina.
"Okay sige. Salamat."
Pagkatapos ng pag-uusap naming magkakaibigan ay ibinigay ko na ang cellphone sa matanda.
"Salamat po at pasensya na rin po." Paghingi ko ng tawad.
"Ayos lang 'yun basta huwag mo ng uulitin ah. Wala ako palagi sa tabi mo para bantayan ka." Paalala niya na parang magulang ko.
"Opo. Pero paano po kapag nangyari ulit iyon? May posibilidad po bang magising ako?"
"Hindi ako sigurado hija. Pero mas mabuti na kapag gusto mong baguhin ang takbo ng storya mo ay hawa---" napatigil siya nang magsalita ako.
"So, pwede ko pa rin pong baguhin ang story? 'Yun po ang sabi niyo di'ba po?" Tuwang-tuwang tanong ko at tumango naman siya bilang sagot.
Para akong bata na nakalimot ng isang daang piso sa daan, haha.
"Pero dapat hawakan mo ang kamay ng bida sa storya mo." Nabigla ako.
Animo'y ang isang daang piso ko ay bigla na lang nawala dahil nadala ng hangin.
"Ano?" Gulat na tanong ko. "Seryoso po ba kayo d'yan?" Tinitigan ko siya sa mga mata niya upang alamin ang sagot.
"Kung ayaw mong baguhin ay ayos lang naman. Basta't wala kang pagsisihan sa huli. Once you published it, you cannot revise it." Napaisip ako sa sinabi niya.
Maya-maya lang ay kumain na kami at pagkatapos noon ay nagbihis na ako ng binili niyang damit para sa akin. Nagpaalam na rin ako sa kanya na aalis ng bahay.
Habang naglalakad pabalik sa boarding house ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang posibleng mangyari kapag binago ko ang story.
Pwede ko naman siyang baguhin pero bakit kailangan pang hawakan ang kamay ng bida?
Tapos sinabi pa niya na mas effective daw kung intimate physical touch.
Ayy grabe ah!
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...