Never beg for assurance and reassurance because if someone truly loves you, you won't be even asking for it at the first place.
JORDAN POV'S
Maraming pagkakataon na masasabi mong iiwan mo na ang isang tao dahil marahil ay may mali siyang ginawa at na-realize mo ng hindi mo na siya mahal.
Sobrang hirap gawin ang isang desisyon na ayaw mo namang gawin pero kapag nagawa mo na iyon ay masaya at masarap sa pakiramdam. Lahat ng mga overthinking skill strategy mo ay mawawala na dahil nailabas mo na ang problema mo.
Kasalukuyan kaming naririto ngayon ni Syxine sa condo ko at matiwasay na nagkakaroon ng night talks drama habang nanonood ng kdrama na pinamagatang True Beauty.
"So, ilang beses mo na siyang niloko?" Nakangising tanong niya na ang tinutukoy ay ang fiancé ko.
"Anong niloko ka d'yan? Siya ang nanloko sa akin noh. Una 'yung sa ba---"
"Sa bar. Nakita mo siyang may kahalikang lalaki, ganun din sa pangalawang beses. Sa harap naman ng condo mo."
Wow ah! Alam na alam niya.
"Tss. Ganun ba kahaba ang panaginip mo para malaman mong dalawang beses na akong niloko."
"Ewan, siguro haha." Tumingin siya ng nakakaloko sa akin. "Kakaiba siya humalik ah."
"Ano ba Zin?! Bakit kailangan mo pang sabihin 'yan?" Bahagya ko siyang binatukan.
Sinamaan niya naman ako nang tingin at binato ng cheese popcorn kaya't naupo na lang ako ng naka-cross legs at nagkunwaring sinalo ang ibinato niya kahit na sala naman.
"Tigilan mo nga ako sa pagtawag ng Zin sa akin." Inis na saad niya pero umiling lang ako at binigkas na walang tunog ang salitang 'Ayoko'.
Hindi ko alam kung bakit sobrang komportable akong ikwento sa kanya ang mga problema pero masaya ako.
Hindi ako naiilang sa kanya o nahihiya man lang. Siguro dahil alam kong matagal pa kaming magsasama dahil hangga't hindi pa tapos ang kwentong ginagawa niya ay kailangan pa rin naming magsama.
KINABUKASAN
Nagising ako dahil sa malakas na tunog na pagta-type sa laptop na nanggaling mula sa salas. Bumangon ako at nadatnan ko roon si Syxine na galit na galit habang nagta-type.
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...