Don't easily judge someone without reading/knowing their point of view.
SYXINE POV'S
Sa mga nakalipas na buwan ay naging mas totoo pa ako sa sarili ko lalong-lalo na sa feelings ko. Hindi lang puro gawa-gawang kwento kundi totoo na talaga.
Mas naging totoo din ako sa kung paano ko ipinaparamdam kay Jordan ang pagmamahal ko sa kanya. Palagi ko siyang sinasamahan sa mga taping niya at nag-uumpisa na rin kaming bumuo ng youtube channel namin na kung saan ay doon namin inilalagay ang vlog namin. Ipinagpatuloy ko rin ang pagiging art teacher ko dahil nagresign na pala 'yung dating art teacher ng mga bata.
"Zin, mukhang kailangan nating pumunta sa probinsya ninyo." Kabado siyang tumingin sa akin at sa cellphone sa hawak niya.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko.
"E kasi..." Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya at ipinakita ang comment ng mama ko.
Sasha Wright
Anak ko ba 'yan? Bakit mo siya kasama? Nasaan siya?
2 mins • Like • ReplyLagot na!
Hindi alam ng family ko ang relationship naming dalawa kaya naman hindi pa ako handang sabihin iyon sa kanila at ngayon pa lamang ay kinakabahan na ako.
"P-pupunta na ba tayo ngayon? Kailangan ko kasing pumunta sa s-school e." Halata sa boses ko ang kaba.
"Magpaalam ka muna sa mga student's mo then pupunta na tayo."
"Sigurado ka ba?"
"Oo naman, wala naman akong nakaschedule na gagawin ngayon."
"Hindi 'yun... Ang tinatanong ko ay kung sigurado ka ng magpakilala ka sa family ko?" Ako ang mas kinakabahan sa kanya.
"Oo naman. Malalaman rin naman nila e."
"Hindi ka kinakabahan?"
"Medyo lang."
Natatawa ko na lang siyang nilingon.
Makalipas ang ilang oras ay nandito na kami ngayon sa school. Kailangan ko munang umattend ng isang klase para sa araw na ito para kukuha na lang ako ng estudyante sa kanila na maaaring magturo ng lesson ko sa kanila.
"Ma'am mahal ko, ano nga po ulit ang fauvism art? Hindi ko po masyadong narinig e." Pagtatanong ni Austin sa gitna ng klase ko.
Nakita ko namang napatayo si Jordan dahil sa inis. Nasa bandang likod ko kasi siya pinapwesto dahil ayaw niyang maghintay sa labas lalo pa't naririto ang estudyanteng crush na crush ako.
Sinenyasan ko naman si Jordan na maupo at huwag intindihin ang sinabi ng estudyante.
"Okay, for those student na hindi masyadong naintindihan of what i discussed... Fauvism art emphasized painterly qualities, strong color, uses bright, wild, vividly intense color, and it look very childish." Nag-drawing ako ng concept map at doon isinulat ang mga sinabi ko.
"Parang kayo lang po pala ma'am mahal ko, so bright." Saad ni Austin.
"Yieeeeee."
"Galing bumanat ah."
Saad ng ibang estudyante na animo'y kinikilig.
"Parang ikaw rin, childish!" Pagpaparinig naman ni Jordan.
"Yown! First blood!"
"An enemy has been slain!"
"Enemy double kill!"
BINABASA MO ANG
REWRITE THE STARS OF DREAM
RomanceSi Syxine Wright na isang baguhang writer ay paulit- ulit na mananaginip sa isang tao lamang. Isang panaginip ang lilikha sa bago niyang libro na puno ng napakaraming ideya. Panaginip na tungkol sa buhay ng isang tao na inaakala niyang fictional cha...