CHAPTER 11: FALCONET

20 21 0
                                    

The people you need in life are the ones you don't get to choose; they are the ones who will love you,
hate you, change you, hurt you,
and make you who you were
intended to be.

SYXINE POV'S

Tulala pa rin ako habang nakatitig kay Jordan. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya o nagbibiro lang. Kung playtime ito ay handa na akong tumawa anumang oras pero mukhang nagkakamali ako.

Ano bang buhay ang pinasok kong ito?

Malas na ba ako kung tutuusin?

"Anong sabi mo?" Sabay-sabay naming tanong kay Jordan.

Bahagya siyang nagulat sa amin.

"A-asawa ko siya kaya uuwi na kami." Paliwanag niya na hindi ko naman maintindihan kahit madali namang intindihin.

"Anong uuwi? Anong asawa? Ano bang pinagsasabi mo?" Sunod-sunod na tanong ko kay Jordan.

"Asawa kita di'ba?"

"Mag-asawa ba talaga kayo?" Pinanlakihan ako ng mata ni Alzina.

Hindi naman ako makasagot sa kanya dahil hindi ko kayang panindigan ang anumang salitang bibigkasin ko.

"Magpapaliwanag ako basta makinig ka lang." Pakiusap ko sa kanya.

Tumango naman siya kaya't nagsalita na ako.

"Ganito kasi... Aksidente kaming nakuhanan ng picture sa isang coffee shop. Nagkatabi lang kami noon sa upuan dahil sa dami ng tao. E di'ba artista siya? Kaya ayun, kumalat agad ang balita at ginawan nila ng marites version na mag-asawa raw kami at patago raw kaming nagde-date." Saad ko.

Tiningnan ko naman si Jordan na para bang sinasabi na mag-agree siya pero again, hindi na naman niya naintindihan.

Yaena na nga.

"So kaya nagpapanggap kayong mag-asawa?"

"Oo, sorry talaga. Hindi ko agad nasabi sa inyo ang issue na ito. Hayaan niyo, aayusin ko ito agad." Buong kompyansa na sabi ko.

"No need." Saad ni Alzina.

"Ha?"

"Hindi madaling mapaniwala ang mga tao. Mas maniniwala pa sila sa marites version kaysa sa totoo. Hayaan na lang natin na lumipas."

"What did you mean?"

"Hahayaan natin silang magkasama sizzy?" Tanong ni Najina.

"Why not, wala namang masama doon. Madaling kasuhan ang artista kapag may mali silang ginawa."

Ayy grabe! Iyon talaga ang iniisip niya ah? Nice. HAHA.

"Mas madaling kasuhan ang mga author dahil sanay na kayong gumawa ng storya. Walang maniniwala sa testimonya mo. Masasabi nilang gumagawa lang kayo ng alibi. " Palaban na saad ni Jordan.

REWRITE THE STARS OF DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon