"What did you do to may daughter? I'm asking you, Colleen." Ulit niya sa kaniyang sinabi ngunit nanatili ang paninitig ko sa kaniya.
Kahit pa nasa gilid ko sila Cassandra, nararamdaman ko ang pagpupumilit nilang sagutin ko na si Mateo.
"Are you deaf woman?! God! I can't believe you!" Sigaw ni Florence dahilan para mapunta saglit ang paningin ni Mateo sa kaniya. "Just..just fire her Mat! She already hurt our daughter! Baka mamaya ay maulit-ulit 'to sa tuwing wala tayo rito sa bahay!" Dagdag niya sabay tingin sa 'kin nang masama.
Asta na sana akong magsasalita ngunit mabilis nangibabaw ang tinig ni Cassandra, mabilis niya rin akong tinabihan. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking likuran.
Tumikhim siya. "Uh, Sir..hindi naman po sinaktan ni Colleen si Eunice, kinuha lang po ni Colleen 'yung manika niya dahil..ginupit ng anak niyo ang damit ni..Colleen." Sagot niya gamit ang pahina nang pahinang boses. Nakita ko ang pagbabasa sa mukha ni Mateo dahilan para mapabuntong hininga ako.
Nakita ko rin kung paano magbaba ng tingin si Mateo sa kaniyang anak na ngayon ay tahimik na lang na humihikbi.
Suminghal si Florence. "Am I asking you? Shut up, Cassandra." Pagtataray nanaman sa kaniya ni Florence dahilan para doon ko salubungin ang nanlilisik niyang mga mata.
Gusto kong hablutin ang kulot niyang buhok, sampalin ang namumula niyang pisngi dala ng inis.
Hindi man lang marunong magtanong, inuna ang pagiging matabil ang dila.
Nagsalubong ang kilay ko. "Puwede bang ugaliin mo munang magtanong? Hindi 'yong magbubunganga ka na lang diyan dahil ikaw lang din naman ang nagmumukhang tanga." Walang preno ang bibig ko, dala na rin siguro ng inis.
"Colleen.." Dinig kong pigil sa 'kin ni Cassandra ngunit 'di ko siya binalingan at pinakinggan.
Nakita ko ang mabilis pagbilog ng mata ni Florence, maging ang pagtingin sa 'kin muli ni Mateo.
Dinuro ako ni Florence. "What?! Are you crazy?! How dare you to say that infront of my face?!" Nang-gagalaiti niyang sigaw. "You better pack your things! You're fired!" Inis niyang saad, nakita ko ang paghawak ni Mateo sa kaniyang braso upang pigilan ngunit 'di ako nagpatinag.
"You're not my boss, Florence. At 'wag mong ipagmalaki na fiancee mo si Sil--si Sir Mateo dahil hindi pa naman kayo kasal." Muntik pa akong mapaismid dahil muntik pa akong madulas na mukhang hindi rin naman yata nila napansin.
Mas lalong bumakas ang galit sa kaniyang mukha. Mukhang 'di rin nagustuhan ni Mateo ang sinabi ko dahil sa pagsalubong ng kaniyang dalawang kilay.
Akala ko ay sisigawan niya ako ngunit tumikhim siya sabay hawak sa braso ni Florence. Humahangos itong tumingin sa kaniya gamit ang madilim na ekspresyon.
Tumikhim si Mateo. "Dalhin mo muna si Eunice sa labas, ako na ang bahala rito." Aniya.
Nakita ko ang pag-alma ni Florence sa kaniyang mukha ngunit wala na rin namang nagawa nang bigyan siya ng seryosong mukha ni Mateo.
"I want you to throw her away, mat." Mariin niyang usad. Binigyan lamang siya ng tipid na tango ni Mateo, bago pa lumakad paalis si Florence ay nilingon niya muna ako at bigyan ng masamang tingin, matapos non ay hinila na niya ang kaniyang anak paalis sa kwarto.
Muling nagtama ang paningin naming dalawa, kitang-kita ko ang pagkadismaya roon.
"Let's talk outside, Colleen." Mariin at maawtoridad niyang saad bago lumakad palabas ng kwarto namin.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love (Maid Series #2)
RomanceMaid series #2: COMPLETED How can you forgive? That's Felicity's question in the long time that has passed since her ex-husband treated her badly. It is difficult for her because like her, she is also a victim. She did everything to soften the man's...