"Hindi ka pa ba tapos?" Pigil inis kong tanong sa kaniya. Halos mamanhid na ang buong binti ko dahil sa pabalik-balik niyang paglalakad! Hindi ko inaasahan na ganito siya katagal mag-grocery!
Tumikhim siya. "Like what I've said, you can go home." Halos pabulong na niyang aniya habang tumitingin sa mga junk food na dinadaanan. Saglit siyang lumingon sa 'kin dahilan para madatnan ang masamang tingin. "Roller coaster or Cheese Rings?" Tanong niya, isini-walang bahala ang nakita.
"Cheese Rings." Pigil inis kong sagot upang huwag na magtagal. Nakita ko kung paano tumaas ang kanang kilay niya.
"Probably not, I prefer roller coaster. Cheese Rings is too cheesy, cheesy foods is often high in saturated fat and salt. This means eating too much could lead to high cholesterol and high blood pressure, increasing your risk of cardiovascular disease." Mahaba at seryoso niya pang paliwanang habang tumatango-tango pa!
Sinubukan kong 'wag mapairap dahil doon lalo na nang kuhanin niya ang roller coaster na chichirya kaysa sa chichirya na sinabi ko!
Nang-aasar ba siya? Hay, doctor ka ngang talaga.
Paulit-ulit lamang ang nangyari, tuwing papipiliin niya ako sa dalawa at kapag pinili ko ang isa, ang isa namang 'di ko pinili ang kukunin niya! Halos sumabog na ako sa inis ngunit wala akong magawa kundi ang magtimpi!
"Fuck! Natapos din." Pabulong kong asik habang nakapila na kami sa counter, nakita ko ang pagbaling niya sa 'kin ngunit hindi ko 'yon sinalubong dala ng inis sa kaniya.
Punong-puno ang pushing cart. Tumingin ako sa wrist watch na suot, tansya ko pa'y halos apat na oras mahigit kaming naglibot-libot sa grocery store na 'to!
Dama ko ang pinaghalong init at pawis, at talagang pagod na pagod ako sa ginawa ngunit ang kasama ko ay animo'y sanay na sa ginagawa niya! Pasipol-sipol pa habang prenteng naghihintay na matapos ang babae sa harapan namin, pinagigitnaan naming dalawa ang pushing cart.
Tumikhim ang babae, nakita ko ang paglagay niya ng takas na buhok sa likuran ng kaniyang tainga. "Pakilagay na lang dito, Sir." May halong landi 'yon na siyang kinairap ko
Tumulong na lang din ako sa paglalatag ng mga pinamili niya sa harap ng cashier, kahit pa ramdam ko ang pagpapacute niya sa katabi kong lalaki.
"Wala na po bang ibibilis 'yan?" Matabang kong tanong sa cashier na babae dahilan para malipat sa 'kin ang kaniyang paningin.
Nakita ko pa ang pagsulyap niya kay Mateo na siyang nakatuon na rin sa 'kin bago ako muling sulyapan.
Nang ibaba ang kaniyang paningin ay doon lamang ako napairap ng palihim! Pagod na pagod na ako, ramdam ko ang pagkirot ng mga daliri ko sa paa dahil sa tagal namin dito.
Nang tuluyang matapos ay doon lamang ako nakapagpasalamat! Bitbit bitbit na niya ang dalawang karton, isang paper bag naman ang akin.
Kusa na akong sumakay roon sa loob habang inilalagay naman niya sa backseat ang mga pinamili namin. Hinintay ko lang siyang matapos bago siya tuluyang pumasok at umupo sa driver seat.
"What do you want?" Tanong niya habang nakahawak na manibela.
Ang paningin ko ay nasa labas lang ng bintana. "Wala, gusto ko lang umuwi." Bumuntong hininga ako.
Siya naman ang napatikhim. "That's not fair, you look really tired so I should treat you back. Okay, may alam akong restaurant na makakapagwala ng pagod mo." Doon ako napalingon sa kaniya ngunit nagsimula na siyang magmaneho habang may kaunting ngiti sa kaniyang labi.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love (Maid Series #2)
RomantizmMaid series #2: COMPLETED How can you forgive? That's Felicity's question in the long time that has passed since her ex-husband treated her badly. It is difficult for her because like her, she is also a victim. She did everything to soften the man's...