Chapter 5

13.6K 258 5
                                    

"Grabe napakainit sa labas!"
Salubong sa 'min ni Louren habang pinapaypayan pa ang sarili.

Napailing na lang ako dahil maski ako sang-ayon sa kaniya. Mabuti na lang at may apat na aircon dito sa first floor, malas lang nila dahil nasaktong naglinis sila ng garden.

Muli kong itinuon ang atensyon sa pagpupunas ng mga platong kakatapos lang hugasan ni Nida habang ako isip ko naman ay naglalayag patungkol sa nasaksihan kaninang umaga.

Narinig ko ang sipol ni Cassandra. "Colleen, tikman mo nga." Aniya sa 'kin, tiningnan ko pa ang sandok na hawak niya na may lamang kauting sabaw bago ito tikman. "Masarap?"

Nilasahan ko muna ito bago tumingin sa kaniya nang may ngiti sa labi bago mag-thumbs up. "Oo, masarap."

"Naku! Kinakabahan ako, biglang nawala ang confidence ko sa pagluluto. Kinakabahan kasi ako kasi mamaya pupunta na rito yung girlfriend ni Sir Mateo." Aniya na nagpakunot sa noo ko.

Ibinaba ko ang paningin sa mga platong pinupunasan. "Talaga?"

So hindi pa pala nila alam na kanina pa nandito yung gf ni Mateo?

Inilagay niya ang kaliwang kamay sa kaniyang bewang. "Oo! Sana naman hindi masungit, ayokong magkaroon ng among masungit." Singhal niya. "Sige na punta na ulit ako sa kitchen Colleen, maya na lang."

Binigyan ko pa muna siya ng bahagyang ngiti bago siya tanguan kaya mabilis na siyang lumakad papunta ulit sa pwesto niya. Napailing na lang ako dahil sa narinig mula kay Cassandra.

Kahit pagod sa trabaho hindi naging hadlang 'yon para ayawan ko 'tong trabaho ko lalo pa at nagsisimula pa lang ako.

Napabuntong ako, saglit pa akong napahawak sa sariling mukha nang may maalala bago tumayo at ilagay isa-isa sa lagayan ang mga napunasang mga plato.

"Colleen," Napalingon ako kay Nida, isinara ko muna ang cabinet kung saan ko nilagay ang mga napunasang mga plato bago tumayo at harapin siya. "Bakit?"

"Puwede bang ikaw na muna ang maglinis mamaya sa second floor? May mahalaga kasi akong pupuntahan eh, ako kasi ang nakatoka mamaya roon.." Napakamot siya sa kaniyang sentido. "Kung ayos lang naman sa'yo."

Saglit akong nag-isip. Wala naman na akong masyadong gagawin mamaya dahil natapos ko na lahat ng gawain ko pero hindi naman kami close ni Nida para bigyan niya ako ng ganitong favor.

Napabuntong hininga na lang ako bago sumagot. "Sige, pero bukas ikaw ang sasalo sa trabaho ko sa garden." Taas kilay kong sagot kaya mabilis siyang ngumisi sa 'kin.

"Okay." Ngisi niya pa bago ako iwan doon. Napailing na lamang ako. Akma na sana akong lalakad papuntang kitchen para makipagkwentuhan kay Cassandra pero mabilis akong napahinto nang may marinig na malakas na halakhak ng babae.

"I know naman na namiss mo ako, don't worry I'm gonna do something for you later." Malambing na sabi ng boses ng babae na pamilyar sa 'kin.

Napalingon ako sa gawi ng sala ngunit agad akong napaismid nang makita si Mateo at ang girlfriend nito, nakita ko pa sa likuran nila sila Louren at Mika na halatang nakikichismis.

Humalakhak si Mateo. "Wait a minute, tatawagin ko lang si tita sa taas para makita ka." Aniya pa bago mapaupo ang babae sa sofa.

Akma na sanang maglalakad patungo sa itaas si Mateo ngunit mabilis siyang pinigilan ni Louren kaya mabilis din 'tong napahinto.

"A-ako na po Sir, ako na po ang tatawag kay Ma'am." Nahihiyang aniya kay Mateo kaya bahagya siyang binigyan ni Mateo ng ngiti.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon