Chapter 31

10.2K 202 9
                                    

Isang linggo ang lumipas, naging maayos ang takbo nang pananatili ko rito sa bahay ni Silãs. Kung minsan ay kinakabahan ako dahil sa mga kilos niya, takot na baka mahuli o mahalata nila Cassandra.

"Anong klaseng emergency naman ba 'yan at bakit biglaan ang naging pag-alis mo? Aba'y pagdating namin sa kwarto natin sa resort wala na 'yung maleta mo, akala ko nga tinabi mo lang pero pag-gising namin wala ka na." Talak ni Cassandra, muling binabalikan ang nangyari sa akin.

Kasalukuyan kaming nakahiga na sa aming mga kama dahil anong oras na rin.

Lumingon ako sa gawi niya. "Uh..kinailangan nga kasi ng bantay ng pinsan ko. Malayo kasi ang parents niya, ako lang ang maaasahan niya kaya..ayon." Sagot ko sa kaniya ngunit nakita ko ang bahagyang paghaba ng kaniyang nguso.

Si Louren naman ang bumaling sa akin. "Eh bakit 'di mo sinasagot 'yung mga tawag namin?"

"Baliw, nasira nga raw phone niya." Si Mika ang sumagot dahilan para magsagutan nanaman ang dalawa.

Nagkatinginan kami ni Cassandra at napailing na lang dahil sa inasta ng dalawa.

Maya-maya pa ay tumigil na silang dalawa dahilan para muling magsalita si Cassandra.

"Pero..nung araw na umalis ka pansin ko 'yung pagiging matamlay ni Sir Mateo. Kawawa eh 'no? Tulala lang sa dagat, akalain mo 'yon? Simula umaga hanggang abutan siya ng sunset nandoon pa rin nakatanaw sa dalampasigan." Natigilan ako sa sinabi ni Cassandra.

"Akala ko nga naaning na si Sir, pero baka dahil 'yon sa pag-aaway nila Ma'am Florence." Si Mika naman ang sumagot ngunit naiwan ang paningin ko sa kisame ng kwarto naming apat.

Muli kong inalala ang nangyari nung gabing 'yon dahilan para makaramdam ako ng konsenya.

Tumikhim si Louren. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or malulungkot dahil naghiwalay silang dalawa, ano kayang dahilan 'no?" Kuryosong tanong niya pa sa amin ngunit hindi ko siya nilingon.

"Who knows, silang dalawa na lang ang nakakaalam non." Walang ganang sagot ni Cassandra.

Hindi na ako sumabat pa sa usapan nila hanggang sa makita kong tulog na sila. Napabuntong hininga ako bago dahan-dahang umupo sa kama, hindi ako dinadalaw ng antok sa hindi malamang dahilan.

Asta na sana akong aalis sa kama ngunit napabaling ako sa pintuan ng kwarto namin nang makita kong dahan-dahan 'tong bumukas hanggang sa iniluwa nito si Silãs na mabilis napatingin sa akin.

Namilog ang mata ko sa gulat bago lumingon kila Cassandra sa takot na baka magising sila!

"Anong ginagawa mo rito?" Mariin ngunit pabulong kong tanong sa kaniya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.

Ngumisi siya hanggang sa itapon niya ang kaniyang sarili sa tabi ko dahilan para mapausod ako ng bahagya. Muntik pa akong mapaiktad nang hapitin niya ang katawan ko palapit sa kaniya hanggang sa ihiga niya rin ako.

"Are you crazy? Baka makita ka nila Cass--" Naputol bigla ang sasabihin ko sana nang mabilis niya akong siilin ng halik.

Napahawak ako sa malapad niyang dibdib upang subukan siyang itulak ngunit mabilis niya 'tong hinuli. Tuluyan na akong nanghina dahilan para tugunin ko na rin ang nanunuya niyang mga halik.

Humahangos kaming humiwalay sa isa't isa, halos isang daliri na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa dahilan para maramdaman ko ang init ng kaniyang hininga.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon