Chapter 23

10.5K 171 11
                                    

FELICITY'S PAST (LAST PART)

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata nang magising ang aking diwa ngunit hindi ko pa man naididilat nang maayos ang aking mga mata ay agad kong naramdaman ang sakit sa buong katawan ko.

"F-felicity? Are y-you awake?" Sumalubong sa akin ang mukha ni Mommy ngunit hindi 'to masyadong malinaw sa akin.

Hindi ko rin magawang maka-pagsalita. Maging ang katawan ko ay hindi ko magalaw ngunit ramdam na ramdam ko ang kirot sa bawat parte ng aking katawan.

"Jesus! S-she's awake now! Dad, call a Doctor!' Sigaw ni Mommy, unti-unting naging malinaw sa akin ang kaniyang imahe, mabilis akong napaluha nang unti-unti kong naalala ang nangyari bago ang aksidente. "T-thank you for waking up, Anak..Thank you.." Paulit-ulit niyang bulong na sinundan ng hagulgol.

Tuluyang dumating ang doctor para i-check ako ngunit ang paningin ko ay naiwan sa kisame ng aking kwarto.

Lumipas ang ilang araw ay unti-unti nang bumalik ang aking lakas ngunit wala pa ring Silãs akong nakita. Tanging si Mommy at Daddy lang ang nasa tabi ko, ngunit minsan din namang bumibisita si ate at kuya sa akin.

"I'm sorry, Anak..I'm sorry.." Hagulgol ni Mommy bago ako mabilis na inalo ngunit animo'y gripo sa pag-agos ang aking luha dahil sa nakita.

Hindi ako naka-pagreact agad nang makita ko ang bakas sa aking mukha dahil sa aksidenteng kinasangkutan ko.

Marahan kong hinawakan ang aking mukha na ngayon ay nakabalot na ulit ng benda.

Lumuluha ko siyang tiningnan. "T-this is only a dream, r-right Mom? I-I'm just dreaming, t-this is not true.." Umiiling-iling kong untag sa kaniya ngunit mas lalong lumakas ang kaniyang hagulgol.

Nang hindi nakatanggap sa kaniya ng sagot ay doon unti-unting lumakas ang aking hagulgol. Umiiling-iling ako habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa aking pisngi.

"W-what happened to my face?! Wh--No! No!" Agad akong inawat nang aking ina nang magsimula na akong magwala.

Hindi ko matanggap! Hindi ko matanggap na ganito ang mangyayari sa aking mukha! Oh God! Gisingin niyo na ako sa bangungot na 'to!

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin ngunit patuloy ako sa pagpupumiglas. "Calm down Felicity!"

"How can I calm down?! Oh My God! Mommy! My face!" Sa lakas ng aking pagkakasigaw ay agad kong nakita ang naging pagpasok nila Daddy, ate, at kuya.

Parang dinadamba ang aking puso lalo na nang makita ang mga bigo nilang paningin sa akin. Wala akong magawa, kahit anong hiling ko na bumalik sa dati ang aking mukha ay walang nangyayaring himala!

"Gagawin namin ang lahat maayos lang ang mukha mo, Felicity..just shh.. everything's gonna be alright.."

"No! You're lying! I want my fucking face!"

Patuloy ako sa pag-iyak at pagwawala kaya napilitan na silang tumawag ng nurse na mabilis akong tinurukan ng pampatulog.

Unti-unti akong ihiniga ni Daddy ngunit buong lakas kong hinawakan ang kamay ni Mommy kahit pa unti-unti nang nanlalabo ang aking paningin.

"Mommy..I-I want my..f-face.." Tuluyan nang nandilim ang paningin ko at hindi ko na rin alam kung ano ang sunod na nangyari nung araw na 'yon.

"This is my fault, Dad. K-kung hindi lang ako naging selfish edi sana hindi nahihirapan ng ganito ang ating anak! God! Felicity!" Naalimpungatan ako sa narinig.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon