Mabilis akong pumayag sa alok ng tita ni Silãs na makipagkita kahit pa hindi ko alam kung anong gusto niyang pag-usapan. Nagpaalam ako saglit kila Cassandra, sabi ko pa'y babalik din ako kaagad ngunit pinili nilang mauna dahil sa kadahilanang nakakahiya rin kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang ipauwi na lang sa kanila ang mga pagkaing pagsasaluhan sana namin.
"Baka naman may gawin siya sa'yo Fel? 'Wag ka na kayang tumuloy? Baka mapaano ka pa, tandaan mo na buntis ka." Pananaway sa akin ni Ella mula kabilang linya.
Napabuntong hininga naman ako habang nasa daan ang paningin dahil kasalukuyan na akong nagmamaneho ng sasakyan. "Don't worry Ella, I can handle myself. Tsaka..hindi ko naman hahayaan na may gawin siyang masama sa akin." Paniniguro ko pa sa kaniya.
Iniliko ko ang kotse papunta sa coffee shop na sinasabi niya. Dahil naninibago pa ulit sa pagmamaneho, mas nag-doble ingat ako.
"Oh siya, basta kapag may nangyaring masama tawagan mo na agad ako, okay? Tawagan mo ako pagkatapos." Bilin niya, nagpaalam naman na kami sa isa't isa matapos non kaya pinatay ko agad ang linya.
Ilang minuto pa ang nagdaan ay tuluyan na akong nakarating sa tapat ng coffee shop na sinabi niya. Mabilis akong bumaba sa kotse bago lumakad papasok sa loob.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang phone number ko pero dahil isa siyang maimpluwensyang tao, paniguradong marami siyang galamay at paraan. Paniguradong alam na rin niya kung sino talaga ako, simula nang sampalin niya ako ramdam ko na agad na kilala na niya ako.
"Don't panic, ipamukha mo sa kaniya na you're still standing after what she did to you, Felicity." Pagpapakalma ko sa sarili bago tuluyang pumasok sa loob.
Agad kong nakita ang kaniyang likuran dahilan para mabilis akong lumakad palapit sa kaniya.
"What do you want from me?" Salubong ko dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin na ngayon ay saglit pang sumimsim sa kaniyang inumin.
Inilapag niya ang kaniyang hawak sa table bago ako ngisihan. "We finally met again, Felicity.." Sopistikada pa rin niyang saad. "Sit down, please." Walang emosyon ko namang sinunod ang kaniyang sinabi dahilan para tuluyang magpantay ang paningin naming dalawa.
Kumuyom ang kamao ko dahil sa paraan niya ng pagkilatis sa kabuuan ng aking mukha.
"Coffee? Cake?" Alok niya pa na mabilis kong inilingan.
Nagpakawala ako ng buntong hininga bago siya matiim na tingnan. "Hindi ako nakipagkita sa'yo para makipagkamustahan, sabihin mo na sa akin kung anong gusto mong sabihin."
Siguro ay pinapunta niya ako rito para pag-usapan ang tungkol kay Silãs. Sa ngayon ay pilit ko na siyang tinatanggal sa sistema ko at alam kong unti-unti rin akong masasanay na wala siya.
Bahagya akong napalinga sa paligid dahil baka nasa paligid ko lang si Silãs at tahimik na nagmamasid sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang kilabutan dahil sa naisip.
Nakahalukipkip siyang sumandal sa kaniyang upuan. "I'm literally surprise, akalain mong ang isang Colleen na akala ko ay normal na katulong sa bahay ng pamangkin ko ay siyang ex-wife pala nito? How clever huh.." Puno ng sarkasmo ang kaniyang tinig ngunit nanatili akong walang imik. "Sinasabi ko na nga bang pamilyar ang boses mo, but well..after a few weeks of investigating, napatunayan kong totoo nga ang sinasabi ng instinct ko." Humalakhak siya sabay simsim muli sa kaniyang kape.
"Just tell me what exactly you want, Mrs Sandoval."
Umayos siya nang upo, mabilis ding naglaho ang sarkastikong ngiti sa kaniyang mukha habang matiim ang paningin diretsyo sa aking mukha.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love (Maid Series #2)
RomanceMaid series #2: COMPLETED How can you forgive? That's Felicity's question in the long time that has passed since her ex-husband treated her badly. It is difficult for her because like her, she is also a victim. She did everything to soften the man's...