Dumating ang gabi ng biyernes, naghahanda na kami para sa night out namin ngayong gabi katulad ng sinabi ni Cassandra. Nagsuot lang ako ng red fitted dress at heels. Inilugay ko lang din ang curly kong buhok at kaunting lagay ng make-up sa mukha bago ko mapagpasyahang bumaba na dahil baka nag-iintay na sila Cassandra sa baba.
Tapos naman na ang oras ng trabaho namin, at isa pa'y nakausap na ni Cassandra si Tita Melanie na ayon sa kaniya ay ayos lang din dahil araw naman ng biyernes ngayon.
Hindi pa ako tuluyang nakakababa sa hagdan ay narinig ko na ang boses ni Mika.
"Ayos lang ba 'tong suot ko? Matagal-tagal na akong hindi nakakahanap ng ka-fling kaya sigurado akong oras ko na ulit ngayon." Tawa niya pa.
Hindi pa tuluyang nakakasagot si Louren ay agad namang napunta ang atensyon nilang tatlo sa akin.
"Wow, mukhang lahat ng gusto ko maka-fling ngayong gabi ay mapupunta agad sa'yo, Colleen." Pabirong ani ni Mika dahilan para matawa ako. Palihim ko namang iginala ang paningin ko, sakto namang napatingin ako kay Lucy na siyang nakasibangot nanaman.
Napailing ako sa ere bago bumaling muli sa tatlo. "Hindi naman lalaki ang gusto ko roon, matagal-tagal na akong hindi nakakatikim ulit ng matapang na alak kaya let's go."
Hindi ko na sila hinintay pang sumagot dahil nagpauna na akong maglakad palabas.
Hindi kaya ay bumalik na ulit siya sa ibang bansa?
Hindi ko mapigilang mapaisip patungkol sa kaniya lalo pa at ang huling kita ko sa kaniya ay nung gabing pumasok ako sa kwarto niya.
Wala sa sarili tuloy akong napatingin sa palad ko bago ngumiwi sabay baba nito.
"Taxi na lang tayo."
Katulad ng sinabi ni Cassandra ay nag-abang na kaagad kami ng masasakyan patungo sa cherry bar na nitong nakaraang linggo lang naging sikat dahil kabubukas lang din daw nito.
Nang tuluyang makasakay ay tanging sa labas lang ng taxi ang paningin ko habang nakikinig sa usapan ng dalawa na nasa tabi ko lang din.
"Sa susunod na taon magreresign na ako." Doon lang ako napalingon nang magsalita si Louren. "Ipapadala ako ni mama sa new york, pag-aaralin daw kasi ako ng tita ko doon kapalit ng pagtulong sa bakery niya."
Halos hindi kami nakapagsalita dahil sa sinabi niya dahilan para matawa siya ng bahagya. "Ano? 'Di ba kayo masaya para sa 'kin? Tsaka kung malungkot kayo, 'wag na muna ngayon, sa susunod na taon pa naman." Aniya ngunit nanatili silang tikom kaya ako na ang nagsalita.
"Masaya kami para sa'yo, Louren. Masaya kami dahil makakapag-aral ka na ulit basta ba pagbutihin mo dahil iilan lang ang nabibigyan ng pagkakataon na katulad ng sa'yo." Usal ko dahilan para lumitaw nanaman ang dalawang dimple niya sa magkabilang pisngi.
Hindi na siya nagsalita pa noon hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa destinasyon namin. Una akong bumaba, pagkababa ni Cassandra sa passenger seat ay agad ko na ring iniabot ang bayad.
"Ikaw na ang taya ngayon, hindi naman ako poor." Pabiro kong singhal kay Cassandra na napailing na lang din. Mabilis din naman na kaming pumasok sa loob hanggang sa harangin ng bouncer si Mika na litong tumingin sa kaniya.
"Sigurado ka bang nasa legal age ka na? Baka mamaya tumakas ka lang para maka-pagwalwal." Masungit pang sinabi ng matangkad at malaking mama na ito na siyang nagpasalubong sa kilay ni Mika.
![](https://img.wattpad.com/cover/306440374-288-k497249.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love (Maid Series #2)
Roman d'amourMaid series #2: COMPLETED How can you forgive? That's Felicity's question in the long time that has passed since her ex-husband treated her badly. It is difficult for her because like her, she is also a victim. She did everything to soften the man's...