Chapter 8

11.6K 234 7
                                    

Tahimik lang kami habang naglalakad patungong room na pinareserve niya para sa 'ming dalawa. Pinauna niya akong makapasok sa loob ng elevator bago siya tumabi sa 'kin.

"Are you sure ayos lang sa'yo na nasa iisang kwarto tayo?" Tanong niya pa sa 'kin, nanatili ang paningin ko sa harapan kung saan kita ang repleksyon naming dalawa, nakatingin siya sa 'kin.

"Wala naman po tayong choice." Walang ganang sagot ko ngunit nagwawala na ang sistema ko sa loob loob ko.

Hindi na siya nagsalita pa matapos non, nasa 5th floor ang kwarto naming dalawa. Pagkabukas ng elevator ay nauna na siya, sumunod lamang ako hanggang sa tuluyan na kaming nasa harap ng kwarto namin.

Tumikhim pa siya bago 'to buksan, nauna siyang muli at kasunod lamang ako. Malaki na rin naman pala para sa 'min ang kwarto, malaki rin ang kama. May sofa rin sa gilid, parang normal na kwarto lang sa mansyon namin noon.

"Maliligo ka ba?" Tanong niya habang ginugulo-gulo ang basang buhok.

Tumango ako. "Oo, may dryer ba rito?" Tanong ko sa kaniya pabalik. Sinundan ko siya ng tingin nang pumunta siya papasok sa loob ng cr, siguro para i-check ang sinabi ko.

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan muli ang kabuuan ng kwarto. Puro puti at maaliwalas tingnan, may flat screen tv din at may dalawang aircon.

Alam kong awkward na makita ang maid at boss sa loob ng isang kwarto, na silang dalawa lang. Pero dahil may past ako kay Mateo, hindi na bago sa 'kin 'to. Ang nakakapanibago lang siguro ay ang pakikitungo niya.

Nakita ko ang paglabas niya sa cr. "Meron." Sagot niya kaya mabilis na akong tumango.

Asta na sana akong papasok sa loob ng cr nang pigilan niya ako.

"Wala ka ba munang tatawagan?" Aniya, kumunot ang noo ko dala ng pagtataka.

Umiling ako. "Wala naman akong dalang cellphone." Sagot ko dahilan para mabilis niyang iabot sa 'kin ang phone niya, tiningnan ko pa muna 'to bago muling iangat ang paningin sa mga mata niya. "Wala naman akong tatawagan, Sir."

Nanliit ang kaniyang mata. "Your boyfriend?"

Gusto kong matawa sa kaniyang sinabi ngunit hindi ako nagpatinag dahil nanatiling blanko ang aking mukha.

"I don't have a boyfriend, Sir."
Mukhang nakuha na rin naman niya 'yon kaya wala na siyang ibang nagawa kundi ang tumango. Napabuntong hininga na lamang ako bago tuluyang pumasok sa loob ng cr.

Umihi muna ako na dapat kanina ko pa pala ginawa pero mabilis ko 'yong nalimutan dala ng nangyari. Matapos ay nagsimula na akong maghubad para na rin makaligo. Ginugol ko ang kalahating oras sa paliligo habang iniisip kung anong mangyayari mamaya.

Hindi ba siya nag-aalala sa sasabihin ni Florence?

Pinilig ko ang ulo ko bago tuluyang tapusin ang paliligo. Nagpahid din ako ng nagustuhan kong lotion na nakadisplay rito bago balutin ang sarili ng white robe. Tinutuyo ko rin ang basang buhok gamit ang twalya. Matapos non ay nilabanan ko na muna ang damit na suot kanina bago 'to patuyuin sa dryer, lumilipad ang isip ko kung ano ang ginagawa ni Mateo sa labas.

Napabuntong hininga ako habang nakatunganga sa loob, paniguradong naiinip na rin siya.

Mainipin pa naman ang isang 'yon.

Habang naghihintay sa pinapatuyong damit ay siya ring pagpapatuyo ko sa basang buhok. Nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan ang buong mukha.

Tatlong taon na rin ang nakakalipas.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon