Chapter 17

11.4K 200 9
                                    

"Anong regalo niyo kay Sir Mateo bukas?" Intriga sa 'min ni Louren kinaumagahan, ilang linggo na ang lumipas pero sariwa pa rin ang naging pag-uusap namin ni Mateo sa loob ng kotse niya.

Napabuntong hininga ako habang nagpupunas ng mga plato, habang si mika naman ang nagbabalik ng mga pinunasan ko. "Wala, panigurado namang maraming magbibigay kay Sir, mamahalin pa. Baka i-display lang 'yong atin kung magreregalo pa." Walang emosyon kong isinagot.

Isa pa, hindi naman namin siya masyadong close para bigyan siya ng regalo.

"Ang kj mo naman, Colleen! Isasama na nga tayo sa outing mamaya." Tumawa si Louren. "Excited na ako! Ihahanda ko na agad ang two piece ko." Napailing na lang kami sa inusal niya bago tuluyang tapusin ang trabaho.

Nang magkaroon ng libreng oras ay ginugol ko na lang ang oras sa loob ng kwarto, nakatingin sa maliit na maleta na dadalhin, iniisip kung itutuloy pa ba ang pagsama.

Bukas na kasi ang birthday ni Mateo, hindi ko inasahan na pati kaming mga katulong ay isasama niya sa outing ng kaniyang pamilya, kung nalalaman lang 'to ngayon ni Lola ay paniguradong uulanin niya ako ng pang-aasar.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto nang biglang may pumasok dito, iniluwa non sila Louren at Mika na ngayon ay handa nang mag-impake ng mga damit.

Tiningnan ako ni Mika. "Oh? 'Di ka pa mag-iimpake? Bilisan mo, Colleen. Baka mamaya tarayan ka nanaman ni Ma'am Florence niyan, nung nalaman na isasama tayo ni Sir Mateo, tinarayan kami kaninang umaga. Ang ugali talaga non!" Mahabang utas niya pa habang naglalagay na ng mga damit sa kulay pink niyang maleta.

Ako naman ang napabuntong hininga. "Eh ano pa nga bang aasahan mo sa kaniya?" Napahiga ako sa kama, ang paningin ay nasa kisame. "Nasaan si Cassandra? Sasama siya 'di ba? Bakit 'di pa nag-iimpake eh siya 'tong mas excited." Ibinaling ko ang ulo ko papunta sa gawi nila.

"Nasa kusina pa, nagpapaluto kasi Ma'am Melanie ng calamares." Si Louren ang sumagot habang pinagkukumpara ang dalawang dress na hawak.

"'Yung kulay pula, mas bagay sa'yo." Sagot ko dahilan para mapatingin silang dalawa sa 'kin, nang matukoy ni Louren ang sinabi ko ay agad siyang napangiti at napatingin sa kulay pulang dress na hawak. "Maputi ka, bagay sa'yo ang pulang dress." Napapikit ako sabay hilot sa sentido.

Inaantok pa ako, hindi ako masyadong nakatulog kagabi sa hindi malamang dahilan.

Napahikab ako bago umupo sa kama, laylay ang dalawang balikat kong tumayo papunta sa closet para makapamili na rin ng dadalhing damit. Minsan lang din naman 'to, bakit ko pa sasayangin. Isa pa, namimiss ko na rin ang alon at sariwang hangin, palagi akong na-sstress dito sa bahay, makabawi man lang.

Baka ikamatay ko na ang palaging pagpipigil ng inis.

Tumayo na ako para makapamili ng mga damit na dadalhin. Dalawang araw lang naman kami roon kaya siguro ilang pares lang ng damit ang dadalhin ko.

"Hmm.." Napanguso ako ng bahagya habang nakatingin sa hawak kong two piece na kulay pula. Napakagat ako sa labi ko habang iniisip na naglalaway sa 'kin si Mateo kapag nakita niyang suot ko ito, natawa tuloy ako sa sariling naisip.

Napalingon ako kay Mika nang bigla niyang ilapit ang kaniyang mukha para silipin ang mukha ko, agad kong inalis ang ngiti sa labi sabay tikhim.

"Uy, ikaw ha? Anong pangiti-ngiti 'yan, Colleen?" Tawa niya pa, napabuntong hininga naman ako at wala sa sariling ipinasok ang hawak na two piece sa loob ng maleta na dadalhin.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon