WARNING: SPG
Dumating ang kinagabihan ay nagpasya kaming pumunta sa bar na nandito. Hindi kalakihan ang bar pero buhay ba buhay naman.
"Kainis! Akala ko pa naman makakasabay ko nang kumain si kuyang blue eyes!" Reklamo naman ni Mika sabay lagok sa alak na nasa baso niya.
Natawa ako. "Nagpapapansin ka pa eh ikaw na ngang nagsabi na inlove 'yon sa katulong niya." Saad ko pa bago lagukin ang akin.
"Talaga? Woah, totoo?" Gulat na ani ni Cassandra. "'Yung kulay blue 'yung mata?"
Tumango ako bago imasahe ng bahagya ang batok. "Oo, si Mika lang din nagsabi sa 'kin."
"Uy! Edi may chance pa pala kayo. Baka katulong talaga ang type ng mga kaibigan ni Sir Mateo." Tumawa si Cassandra.
Inilapag ko naman ang hawak na baso sa mesa na nasa harapan namin. Bahagya akong sumulyap sa pwesto nila mateo kung saan panay ang paglingkis ni Florence sa kaniya, agad akong nag-iwas nang magtama ang paningin naming dalawa.
Tumingin kami kay Mika nang bigla 'tong tumayo, sinundan lang namin 'to ng tingin ngunit nakita naming kumuha 'to ng wireless mic, may sinabi pa siya sa bartender bago magplay ng song na mukhang kakantahin niya.
"Shit, lasing na 'to." Bulong ni Cassandra.
Tumawa si Mika sa mic bago humarap sa mga tao. "Advance happy birthday, Serrr!" Aniya pa niya dahilan para mapatingin kami sa gawi nila Sir Mateo na siyang patawa-tawa na.
"Nakikita mo ba yan? (Alen?) Yung nasa harapan (san?) Ah basta lumingon ka na lang
(Anong meron dyan?) Ewan ko sobrang mahiwaga..Sobrang kinis niya kaya and daming humahanga!" Muntik pa akong mapalubog sa inuupuan ko nang ituro niya ako.Sabay-sabay kaming napamura nila Cassandra dala ng kahihiyan, sabay-sabay rin kaming napayuko ngunit sumasayaw-sayaw si Mika na lumapit sa gawi namin habang nagpapatuloy sa pagkanta.
"Mika!" Pabulong kong saway nang hatakin niya ako patayo.
Shit, humanda ka talaga sa 'king babaita ka.
"Miss flawless, kung ako'y tawagin..mga lalaking nanggigil sa akin..ayaw paawat, pa'no mo pipigilin..ang damdamin nila para sa akin..miss flawless, hayop sa kagandahan..sa sobrang kinis, hindi mo mahawakan..sa katunayan walang pinagawa diyan..kung gusto mo titigan mo na lang~" Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko nang paikutin niya ako, napapasabay rin sa pag-indak ang ilan! Rinig ko rin ang tawanan at pagsabay nila sa kanta nila Mika!
Ang ilan ay sumasayaw na rin! Mabuti na lang at hindi sintunado ang isang 'to.
Napailing na lang ako at sumabay sa beat ng kanta. Maging sila Cassandra ay napatayo na rin at tatawa-tawang umindak-indak sa dance floor, mabuti na lang at merong party lights.
"Simple lang naman daw na maging katulad niya..Kaso 'di lahat naniniwala sa kaniya, na
frontrow ang dahilan kung bakit (bakit) Luxxe white ang kaniyang ginagamit..kaya pala iba ang datingan niya..sa kinis ng balat ay masisilaw ka~" Pagpapatuloy niya sa kanta.Kinuha ko ang baso na may lamang alak bago muling sumayaw. Sabay-sabay kaming tumawa nila Cassandra, bahagya kong ipinikit ang mga mata ko habang dinadama ang kinakanta ni Mika.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love (Maid Series #2)
RomanceMaid series #2: COMPLETED How can you forgive? That's Felicity's question in the long time that has passed since her ex-husband treated her badly. It is difficult for her because like her, she is also a victim. She did everything to soften the man's...