Chapter 42

10K 180 8
                                    

"God! I miss you so much!" Tili ni Ella nang salubungin niya ako, mabilis ko namang ginantihan ang mahigpit niyang yakap.

Napangiti ako. "Finally, we met again, Ella." Tinapik-tapik ko ang kaniyang likuran bago balingan si Scarlet na siyang yakap-yakap na rin si Freya.

Humiwalay ako kay Ella na ngayon ay mabilis ding yumuko para halikan si Freya sa pisngi.

"Big girl ka na talaga Freya, ang ganda-ganda mo!" Pang-gigigil ni Ella sa pisngi ng anak ko dahilan para matawa ako ng bahagya. "Naku! Pinaglilihian ko yata 'tong junakis mo." Untag niya pa sabay baling sa akin.

"Mamaya na 'yan, nagugutom na ako. Kain muna tayo." Anyaya sa amin ni Scarlet na ngayon ay hawak-hawak na ang kamay ni Freya.

Nagsimula na rin kaming maglakad habang ang bibig ni Ella ay hindi tumigil sa kakasalita dahilan para palihim akong matawa.

Limang taon na rin ang lumipas simula nang lumipad kami papuntang France. Isang taon na ang anak ko bago kami lumipat sa ibang bansa. Ang daming nagbago sa loob ng limang taong pamamalagi namin sa France.

"Porket buwan-buwan mong nabibisita sila Felicity sa France ay pinag-kakait mo na sa akin ang moment na salubungin sila." Maktol ni Ella habang nakahawak sa malaki na niyang tyan.

Natatawa siyang nilingon ni Scarlet. "Ang lakas kasi ng boses mo, sa restaurant mo na lang ipagpatuloy 'yan para 'di nakakahiya sa amin." Aniya habang naglalakad kami palabas ng airport.

Binalingan ko naman ang anak kong tahimik lang na sumasabay sa lakad namin dahilan para palihim akong mapangiti bago mapabuntong hininga.

Kamusta na kaya siya?

Pinilig ko ang sariling ulo hanggang sa makita na namin si Travis na siyang prenteng nakasandal na sa kaniyang kotse.

Mabilis lumawak ang ngiti ko nang kawayan niya ako.

"Gosh! 'Di bagay sa'yo ang mag-feeling cool!" Pang-aasar sa kaniya ni Ella bago buksan ang pinto sa backseat, nakita ko ang mabilis nilang pag-alalay kay Freya para makapasok sa loob na pinangunahan ni Scarlet.

Ngumiti ako bago gantihan ang yakap ni Travis. "I miss you Trav, it's been a long time." Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking likuran bago kami humiwalay sa isa't isa.

Nasa loob na ng kotse sila Scarlet.

"Grabe, mas lalo yata akong na-inlove sa'yo, Colleen. Sobrang ganda mo lalo." Namamangha niya pang usal dahilan para bahagya ko siyang masapak sa kaniyang dibdib.

Ngumiti ako. "Tara na, nagugutom na rin ako."

Mabilis niya akong pinagbuksan ng pinto kaya agad na rin akong pumasok doon, habang siya naman ang naglagay ng dala kong maleta sa trunk ng kaniyang kotse.

Saglit kong nilingon si Freya na ngayon ay pina-gigitnaan ni Ella at Scarlet.

Ngumiti ako sa kaniya dahilan para makita ko nanaman ang pag-ngiti ng kulay berde niyang mga mata. "Are you okay there, baby?"

"Yes Mommy." Sagot niya pa sa akin. Muli ko siyang nginitian habang inaayos na ni Scarlet ang bahagyang gulo sa kaniyang buhok.

"Let's go." Pasok ni Travis sa loob ng kotse, maya-maya pa ay nagsimula na siyang magmaneho paalis sa parking lot ng airport.

Nasa labas lamang ang paningin ko. Hindi ko maitatangging excited na ulit ako makita lahat ng naiwan ko rito, simula rin sa susunod na araw ay magsisimula na ako sa trabaho bilang CEO sa kompanya ni Mommy.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon