Chapter 43

9.4K 153 6
                                    

"Felicity! My daughter!" Agad akong sinalubong ni mommy ng yakap, saglit lang 'yon dahil mabilis siyang lumipat kay freya na agad ding dinumog ng mga pinsan niya.

Masaya akong tumingin kay ate na ngayon ay malaki na rin ang tuwa sa kaniyang mukha. "I miss you, felicity colleen. Kung alam ko lang na masyado tayong mapapahiwalay sa pagtanda natin, sinulit ko na dapat ang oras natin nung mga bata pa tayo." Emosyonal na sambit naman ni ate nang hagkan niya ako.

Napangiti ako habang hinahaplos-haplos ang kaniyang likod. "I miss you too, ate. I'm glad that we saw each other again."

Humiwalay ako sa kaniya, lumakad naman ako palapit kay kuya na may nakapaskil ding ngiti sa labi habang nakatingin sa akin.

"We miss you, fel. Kuya is happy to see you again." Aniya pa sabay tapik din sa aking likuran.

Matapos non ay nagpasya kaming lumakad papuntang dining table, maraming pagkain na ang nakahain doon. Nakita ko ang pag-alalay ni travis kay freya para makaupo sa tabi ko bago rin siya umupo.

"Finally, na-kompleto rin tayo!" Masayang untag ni mommy habang pinagmamasdan kami ng tingin, pare-pareho naman kaming nagkatinginan magkakapatid dahil doon.

Tumikhim si dad. "We're finally growing as a family, sana ay bago ako mawala ay masaksihan ko muna ang pangalawang anak ni felicity." Mabilis akong napatingin kay dad dahil doon bago nahihiyang mapalingon kay travis na siyang nakangiti na rin.

"Dad!" Nahihiya kong saway sa kaniya na mabilis sinundan ng tawa ng pamilya ko. Wala sa sarili napakamot na lang din ako sa sentido dahil sa nakakailang niyang sinabi.

Humalakhak si dad. "Why? Wala naman akong sinabing pangalan para mailang ka, anak." Nakakalokong aniya pa na muntik pang magpaismid sa akin.

He's right.

"Dad is right, unless..may ibang lalaki sa isip mo." Dugtong pa ni ate habang inaasikaso ang bunso niyang anak na si Ashley na mas matanda ng isang taon kay freya.

Napaismid ako. "Wala ah, nakakahiya lang dahil nandito si travis, naririnig nila ang mga kalokohan niyo," Iling ko pa sa kanila. "..nandito rin ang mga pamangkin ko, baka kung ano pa ang isipin nila."

Bahagya akong napatingin kay kendrick na ngayon ay seryosong kumakain lang sa tabi ng kapatid niyang si kaycee.

"Tama na 'yan, kumain na tayo." Natatawang saway sa amin ni mommy. Cake lang ang nilantakan ko, habang pasta naman ang kay freya lalo pa at kakakain lang din naman namin.

Sa gitna ng pagsasalo-salo namin ay 'di maiwasang makaramdam ng tuwa. Minsan lang mangyari ang ganito lalo pa't may sari-sarili na kaming pamilya. Busy sila mom sa pagpapatakbo ng company niya, pero naisip kong magreretire na silang dalawa ni dad dahil ako na ang tatayong CEO sa kompanyang hinahawakan ni mommy.

Sa kabila pa non, hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit habang nakatingin kay ate na siyang asikaso ng kaniyang asawa, kay ate keren na siyang asikaso ni kuya.

"Here.." Saglit akong napalingon kay travis nang lagyan niya ng cupcake ang plato ko.

Nagtama ang paningin naming dalawa. "Kain lang nang kain, colleen." Ngumiti siya sa akin dahilan para mabilis akong mahawa. Nanatili ang paningin ko sa kaniya nang punasan naman niya ang madungis na bibig ng anak ko.

"Do you want more, freya?" Tanong ni travis sa anak ko na mabilis tumango kaya agad niya itong pinagsilbihan.

Travis..

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon