Isang buwan ang lumipas naging maayos ang daloy ng bawat araw na lumipas para sa aming dalawa ni Freya. Unti-unti na rin siyang nasasanay rito, at ito ako ngayon nagmamaneho para sa unang pasukan niya sa school bilang kindergarten.
"Mommy..I'm scared.." Bahagya akong napaling sa akin na ngayon ay mahaba na ang ngusong nakatingin sa akin.
Bahagya akong natawa. "Don't be, anak. Marami kang makikilalang new friends doon, okay?" Pag-aalo ko sa kaniya.
Napangiti na lamang ako bago ituon ang paningin sa daan hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa distenasyon.
Bumaba ako bago pagbuksan si Freya, kita ko ang kaba sa kaniyang mukha kaya nang tuluyan siyang makalabas sa kaniyang kotse ay agad akong yumuko dahilan para magpantay ang paningin naming dalawa.
Ngumiti ako sabay ayos ng bahagya sa kulot niyang buhok. "5 hours lang kayo rito baby, susunduin ka agad ni Mommy so don't worry, okay?"
"I understand po." Aniya ngunit alam kong gusto na niyang mapangiwi.
Nasa tamang edad na ang anak ko para pumasok sa kindergarten, sobrang sarap pala talaga sa pakiramdam lalo na kapag ikaw mismo ang naghahatid sa kaniya sa school.
Hawak kamay kaming lumakad papasok sa loob ng gate. Private school at kindergarten to elementary ang meron sa school na 'to.
"Good morning, Mrs. Dominggo." Mabilis na bati sa akin ng magandang babae na ngayon ay malaki na rin ang ngiting nakatingin kay Freya.
Ngumiti ako bago iharap sa kaniya ang anak ko. "Her name is Freya Allaena, I'm gonna fetch her on time so please take care of her, don't worry masunurin siya." Pagpapakilala ko pa sa kaniya.
Kinurot pa niya ng bahagya ang pisngi nito bago ako tingnan at bahagyang tumango. "Don't worry, sinisigurado ko rin--" Naputol ang sasabihin niya nang biglang may makabunggo sa kaniyang likuran.
Napalingon naman ako agad sa batang lalaki na ngayon ay nakayuko nang kaharap si Ms. Alvi. "Thaddeus, I said that running is not allowed, right?" Mahinahon niya pang usal sa batang 'to, bahagya akong namangha nang saktong pag-angat ng kaniyang paningin sa kaniyang teacher ay agad kong namataan ang kulay asul nitong mga mata.
"Mom..h-hindi po ba full of bad kids ang nandito?" Bulol pang tanong sa akin ni Freya kaya mabilis ko siyang binalingan.
Asta na sana akong magsasalita ngunit naunahan ako ni Ms. Alvi na ngayon ay nasa harap na ang Thaddeus na nakabunggo sa kaniya.
"Hi!" Bibo pa nitong bati kay Freya, mabilis akong napangiti para tingnan ang reaksyon ni Freya.
Bahagya siyang ngumiwi. "Hi.." Bahagya siyang kumaway ngunit ramdam ko ang kaniyang pag-aalinlangan.
"Ako si Thaddeus, ikaw ba 'yung bago naming classmate?" Nakangiti pa ring tanong niya na mabilis tinaguan ni Freya. "..ang ganda mo ah! Tara ipapakilala kita sa friends kong sila Kenzo!"
Bahagya akong natawa nang hilahin na niya ang anak kong si Freya na hindi na rin nakaalma, may ngiti sa labi kong sinundan ng tingin si Freya na ngayon ay mabilis pinalibutan ng kaniyang mga classmate.
Tumikhim si Ms. Alvi para kunin ang atensyon ko. "Ako na po ang bahala sa anak niyo, Mrs. Dominggo. Mauna na po ako dahil mag-sstart na kami." Paalam niya sa akin dahilan para mabilis akong magpasalamat at magpaalam hanggang sa tuluyan na siyang lumakad papasok.
Mrs?
Napatikhim ako bago muling sulyapan si Freya nang pinapunta na sila ng kanilang teacher sa kanilang mga upuan, mabilis akong ngumiti at kumaway sa kaniya nang mapunta ang kaniyang paningin sa akin. Kinawayan niya rin ako at nginitian kaya kampante na akong umalis doon.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love (Maid Series #2)
RomanceMaid series #2: COMPLETED How can you forgive? That's Felicity's question in the long time that has passed since her ex-husband treated her badly. It is difficult for her because like her, she is also a victim. She did everything to soften the man's...