Chapter 33

9.7K 185 2
                                    

Pagod akong bumalik sa kwarto namin matapos gawin ang trabaho, nagpahinga muna ako saglit bago maghalf bath.

"Umarangkada nanaman ang pagiging papansit ni Lucy, porket makikitira si Sir Marcus dito nagpabida na." Untag ni Louren habang nagpupunas ng basang buhok.

Nagsimula na akong magpahid ng lotion sa braso ngunit nang may maalala ay agad akong pinanginitan ng dalawang pisngi dahilan para mapatikhim ako ng bahagya at pilit inalis 'yon sa aking isipan.

"Wala sila diyan 'no? Umalis sila eh." Sagot naman ni Cassandra dahilan para mapabaling ako saglit sa kanila.

Tumango si Louren. "Oo, nakita ko sila Sir Mateo kanina eh, may dalang kotse." Nagkibit balikat siya.

Kaya naman pala kanina ko pa siya 'di nakikita. Itinabi ko naman na ang hawak na bote ng lotion bago kunin sa side drawer ang phone.

Kaagad ko 'tong binuksan dahilan para sumalubong sa akin ang iilang mensahe galing kay Silãs.

We're going to cherry bar, gonna miss you a lot. :)

Mabilis akong napangiti nang makita ang emoticon na sinama niya. Bago pa man ako makapagtipa ay mabilis akong napalingon kay Cassandra nang mapansin ang dahan-dahan niyang pagsilip sa phone ko na kaagad kong pinatay.

Sinundot niya ang pisngi ko. "May dapat pala tayong pag-usapan ngayon, ineng," Umayos siya ng upo sa tabi ko. "So sino nga? Ano name?" Taas kilay niyang tanong dahilan ng pagbaba ng aking paningin.

"Loka, ayaw yata sabihin sa iyo, Cass." Natatawang sabi ni Louren habang nag-aayos ng kama.

Humalukipkip naman si cassandra. "Hoy, malandi ako oo pero 'di ako sulutera ano. Sige na! Para namang kilala namin 'yan." Humalakhak siya sabay sanggi ng bahagya sa balikat ko.

Kilala mo naman talaga.

"A-ah, ano..nasa states siya ngayon, ipapakilala ko siya sa inyo..kapag nakauwi na siya rito." Muntik pa akong masamid sa sariling laway dahil sa sinabi.

Tiningnan ko si Cassandra ngunit ang nanunuksong tingin niya lamang ang nakita ko. Nakahukipkip siyang tumayo bago ako harapin.

"Palusot ka pa, tseh! Sige na nga, pakilala mo sa amin ah? 'Wag kang others." Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyan na niya akong lubayan bago lapitan si Mika. "Napaano ka ba sis? Kanina ka pa tahimik diyan ah?" Maging ako ay napatingin sa kaniya sa pagkakataong 'to.

Pansin ko nga ang pagiging tahimik niya, taliwas sa ugali niya. Kumunot ng bahagya ang noo ko nang saglit siyang mapatingin sa akin na mabilis din namang iniwas bago humiga sa kama.

"Baka naman may masakit sa'yo, Mika at 'di ka lang nagsasabi?" Maging si Louren ay napalapit na rin sa kaniya ngunit mabilis umiling si Mika.

"Ayos lang ako, pagod lang ako. Mawawala rin 'to bukas kapag pinatulog niyo na ako." Masungit niyang sagot sa kanila. May mga tinanong pa sila Cassandra sa kaniya ngunit hindi ko na pinansin pa 'yon nang makita ang pag-ilaw ng phone.

Saglit pa muna akong lumingon kila Cassandra bago kunin 'to, humiga na ako sa kama habang binubuksan ang mensahe na galing kay Silãs.

From: Silãs

Are you already asleep? I'm not going to drink much.

Kinagat ko ang labi bago palihim na magtipa.

To: Silãs

Hindi ka nga iinom ng marami, pero baka may inaatupag ka nang ibang babae diyan.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon