"Bitawan mo nga ako!"
Humahangos akong nagpupumiglas dahil sa pagkakahatak ni Silãs sa akin, hindi niya ako binitawan hanggang sa makarating kami sa loob ng madilim na kwarto.
Muli akong nagpumiglas. "Ano ba! Sabing bitawan mo ako!" Bulyaw ko, mabilis akong umatras palayo sa kaniya nang tuluyan na niya akong bitawan ngunit agad kong namataan ang nag-aalab niyang mga mata.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya, nang magtanong ang kaniyang Mommy tungkol sa akin ay dali-dali na lamang niya akong hinila papunta rito!
"Is that my..daughter?" Mabibigat ang kaniyang paghinga habang nakaturo sa labas ng pintuan.
Mariin akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. "She's not your daughter." Sagot ko, asta na sana akong maglalakad palabas muli ng pinto ngunit muntik pa akong mapatili nang mabilis niyang higitin ang braso ko bago isandal sa pader.
"I'm not done talking, Ms. Dominggo." Mariin niyang untag dahilan para samaan ko siya ng tingin.
Hindi ko magawang kumawala dahil sa mahaba niyang brasong nakaharang sa magkabilaan ko. Sinubukan ko siyang hawakan sa kaniyang dibdib para sana itulak ngunit napatingin ako sa madilim niyang mga mata na ngayon ay titig na titig sa akin.
"Pakawalan mo na ako Silãs, stop pestering me. Stop what you're doing cause this is not right!" Inis kong sambit sa kaniya ngunit mas nanaig ang sarkastikong ngisi sa kaniyang labi.
"Tell me the truth first, Felicity."
Ramdam ko ang panghihina ng dalawang tuhod ko dahil sa lapit ng kaniyang mukha, ramdam na ramdam ko rin ang init ng kaniyang hininga na tumatama sa aking bibig.
Mariin akong napapikit nang mas ilapit niya pa ang katawan sa akin!
"Silãs!" Pakiusap ko ngunit nanatili siyang walang narinig.
Kung sinong-sinong mga santo na ang natawag ko sa aking isip para lang pahintuin si Silãs sa nakakapanghina niyang ginagawa. Gusto kong magmakaawa ngunit masyado akong nalalasing sa lapit ng kaniyang katawan sa akin.
Halos mapahigop ako sa hangin nang nanunuya niyang idikit ang kaniyang pisngi sa akin hanggang sa marinig ko ang mabibigat niyang paghinga. "I'm so damn mad right now, Felicity..I knew it from the very start that you're pregnant to my child," Muli akong napapikit nang muli siyang huminga nang malalim. Halos mapahawak din ako sa kaniyang braso nang haplusin niya ang aking bewang. "..how can you do this to me? Hmm?" Ramdam ko ang pait sa kaniyang boses.
"She's not your daughter Silãs, so please let go!" Napipika kong bwelta sabay tulak sa kaniyang matigas na katawan ngunit nabigo ako!
Humalakhak siya sa aking tenga dahilan ng pagsitindigan ng aking mga balahibo sa aking katawan. "Ano 'yon? Nagbuntis ka dahil trip mo lang? Nagbuntis ka para ipamukha sa akin na..naka-move on ka na? Ganoon ba, Felicity? Hmm?" Malambing niyang tanong. Halos pigilan ko ang sarili kong 'wag mapaliyad dahil sa walang pakundangang paghaplos ng kaniyang kamay sa aking bewang.
Please.. Silãs. Don't do this to me, asshole!
Sinubukan kong lumunok para pawiin ang nagbabara at nanunuyong lalamunan. "Hindi b-ba puwedeng nagkaroon ako..ng karelasyon kaya--"
"Stop. Stop lying infront of me, Felicity." Tuluyan na akong napamura nang tuluyan na niyang dampian ng halik ang aking pisngi.
Sinubukan ko muli siyang itulak palayo sa akin ngunit nagresulta lamang 'yon ng lalong pagdiin ng katawan sa akin. Gusto kong maiyak dala ng frustration dahil sa kaniyang ginagawa!
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love (Maid Series #2)
RomanceMaid series #2: COMPLETED How can you forgive? That's Felicity's question in the long time that has passed since her ex-husband treated her badly. It is difficult for her because like her, she is also a victim. She did everything to soften the man's...