Chapter 27

11.2K 197 16
                                    

Tanghali na ako nagising dala ng puyat kagabi. Hindi kasi ako nakatulog dahil sa text message na nabasa kagabi na alam ko naman kung kanino galing.

"Hmm.." Napadaing ako habang nag-uunat unat pa. Napahikab ako habang umaalis sa kama pero bago 'yon ay tiningnan ko pa muna ang wall clock na nasa harapan ko at nakitang 10 am na.

Mabilis akong pumunta sa cr para maka-paghilamos at maka-pagtoothbrush. Pagkatapos non ay bumaba na ako pero hindi ko sila lola nakita roon.

"La?" Tawag ko nang makarating ako sa kusina pero walang sumagot o sumalubong man lang sa akin.

Saan naman kaya si Lola nagpunta?

Napabuntong hininga ako sabay kuha sa pandesal na nasa lamesa bago ulit magsimulang lumakad paalis doon sa kusina.

Asta na sana akong aakyat sa itaas pero natigilan ako nang makarinig ng kalabog sa labas. Nangunot ang noo ko sa pagtataka kaya dali-dali akong lumakad para silipin kung ano ang nasa labas.

"Ang matcho mo Silãs, ha? Sinadya mo bang magpa-matcho para magpa-impress kay insan?" Rinig kong sabi ni Scarlet na sinundan ng nakakalokong tawa.

"Scarlet! Nahihiya si Silãs sa mga sinasabi mo diyan!" Rinig ko rin ang kunwaring pananaway ni Lola. "Pero apo ko, igihan mo ang panliligaw ulit kay Felicity para tanggapin ka niya ulit." Halos mapatampal ako sa sinabi ni Lola.

Panliligaw? That will never happen la.

Tuluyan na akong lumakad palapit doon, mabilis kong nasilayan si Silãs na busy sa pagpupunas ng pawis sa kaniyang hulmang-hulmang abs. Nakita ko rin ang ilang mga sibak ng kahoy at palakol na nasa lupa pa.

"Anong ginagawa mo rito?" Inis kong tanong kay Silãs dahilan para sabay-sabay silang mapatingin sa akin.

Agad akong nilapitan ni Lola sabay hawak sa braso ko ngunit ang sama ng aking paningin ay nakatutok kay Silãs.

"Apo! Gising ka na pala." Tumikhim si Lola at animo'y handa nang ipagtanggol si Silãs. "Si Roberto kasi, nanghihingi ng sibak ng kahoy, e..wala kasi si Edward pero saktong binisita ako ni Silãs." Hinagod niya ang aking likuran dahilan para mapabuntong hininga ako.

Si Scarlet naman ang gumatong. "Aga ng manliligaw mo insan, balik sa pagiging dalaga ha." Tawa niya pa dahilan para makita ko ang pagngiti ni Silãs na animo'y 'di na naitago ngunit nang makita ang paningin ko sa kaniya ay mabilis siyang napayuko at napakagat labi.

Umikot ang aking mata. "Salamat sa pagtulong pero makakauwi ka na pagkatapos mo diyan." Pagtatapos ko sa usapan bago sila talikuran at mabilis na pumasok sa loob.

Ito ba 'yung sinasabi niyang i-pupursue niya ako? Kahibangan.

Napahinto ako saktong pagsara ko sa pinto at doon napasandal. Humahangos akong napalunok habang pilit pinapakalma ang aking dibdib na hindi ko malaman kung bakit nagwawala.

"Pasok ka apo, sabayan mo na si Felicity kumain." Nang marinig 'yon ay mabilis akong napatakbo ngunit 'di ko alam kung bakit sa kusina pa.

Huli na para tumakbo papunta sa second floor dahil tuluyan na silang nakapasok kaya napatikhim ako at nagpanggap na tinitingnan ang ulam sa kasirola.

"Oh? Gutom ka na Felicity?" Tanong sa akin ni Lola, kahit hindi ko siya lingunin ay kaagad kong naramdaman ang bigat ng kaniyang titig.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon