Prologue

48K 557 41
                                    

They said..love is really painful. But why do I keep hurting even though I don't love him anymore?

Umawang ang bibig ko sa gulat nang bigla niyang itapon ang hawak kong tray na may lamang pagkain sa sahig.

"I said I don't want your fucking food!"

Naiwan ang kamay ko sa ere habang gulat pa ring nakatingin sa pagkaing niluto ko na para sana sa kaniya. Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko sa kaniya dahilan para magtama ang paningin naming dalawa.

Kitang-kita ko ang nag-uumapaw na galit doon na hindi ko malaman kung saan nagmumula.

"S-silãs.." Ang tanging naiusal ko dala ng takot, ang dalawang mata ko ay nagsisimula nang pangiliran ng luha.

Umigting ang panga niya. "You know what? How I wish you were never been born." Ang sakit na ibinato niya sa 'kin ay mas lalong dumurog sa puso ko. "Kung sana hindi ka pinanganak edi sana wala ako sa pesteng relasyon na 'to!"

Hindi ko na napigilan ang pagdapo ng palad ko sa pisngi niya dahilan para matigilan din siya, ang ulo niya ay nanatiling nakatagilid.

"Bakit ba ganiyan na lang ang galit mo sa 'kin?! Bakit Silãs?! Maayos pa tayo noon pero bakit nag-iba ka?! Dahil sa ginagawa mo unti-unti nang nawawala lahat ng pagmamahal ko para sa'yo!" Isinigaw ko dala na rin ng nag-uumapaw kong damdamin na kanina ko pa gustong pigilan ngunit nabigo ako.

Mariin niyang hinarap sa 'kin ang kaniyang mukha, mas lalo kong namataan ang nag-aalab niyang mga mata.

Agad akong napapikit nang bigla niyang dakmain ang panga ko dahilan para mapahawak ako sa kaniyang kamay para pigilan 'to.

Nasasaktan ako..

Gusto kong isigaw 'yon ngunit ayaw makisama ng lakas ko.

"Bago pa tuluyang magdilim ang paningin ko sa'yo, Felicity..lumayas ka na sa pamamahay ko!" Sigaw niya rin bago ako pabatong binitawan, dahil na rin sa nanghihina kong tuhod ay natagpuan ko na lamang na nakaupo na ako sa sahig ng aming kwarto.

Humikbi ako dahil sa sakit na dumagdag sa nararamdaman ko. Lumuluha akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang bigat ng kaniyang paghinga.

Pinawi ko ang luha ko ngunit patuloy pa rin ako sa paghikbi. "B-bakit..ganoon na lang kadali para sa'yo na saktan ako?" Mariin akong napapikit ng bahagya bago muling dumilat. "S-silãs..hindi mo alam kung gaano kahirap eh. Alam kong ayaw mo na sa 'kin..pero sana..sana bigyan mo rin ako ng halaga kahit kakilala mo na lang."

Humagulgol ako sa harapan niya, hindi siya sumagot ngunit naririnig ko ang malulutong niyang mura na hindi nakaligtas sa pandinig ko.

Suminghap ako bago marahang tumayo, walang emosyon ko siyang tiningnan dahilan para mag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Sige..kung 'yan ang gusto mo aalis ako..aalis ako pero nasisiguro kong hahanap-hanapin mo rin ako.." Lumambing ang boses ko sa huli dahilan para mapatingin siya sa 'kin gamit ang galit na reaksyon, ngumisi ako bago iangat ang palad at haplusin ang kaniyang pisngi dahilan para maitulak niya ako ng bahagya.

Dinuro niya ako. "Get out!"

Binigyan ko lang siya ng isang ngisi bago tumalikod at lumakad palabas ng kaniyang kwarto. Inayos ko ang sarili ko bago dumiretsyo sa kwarto para kunin ang mga gamit ko.

I will make sure that you will kneel and beg to come back in front of me..Silãs.

--------------
Don't forget to vote!

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon