Chapter 37

9.4K 172 12
                                    

"Bongga ah? Kulang na lang ipaalam kila manang amy na may relasyon kayo ni Sir Mateo para ikaw na ang hirangin naming second amo." Biro ni Cassandra nang magpunta silang tatlo rito sa kwarto ni Silãs dahil gusto nila akong kamustahin.

Humalukipkip si Louren. "Alam mo bang kahapon ka pa hinahanap nila Lucy? Sabi niya pa na magtatrabaho ka lang kung kailan gusto mo, chosera." Ismid niya pa sa kawalan dahilan para matawa ako nang bahagya.

Sabay-sabay naman kaming napatingin kay Mika na busy sa pagkilatis sa kwarto ni Silãs na animo'y first time niya lang mapasok.

Nakangiti siyang tumingin sa amin. "Ang laki pala ng kwarto ni Sir Mateo 'no?" Namamangha niyang saad bago tingnan ang mga picture frame na nakapatong sa cabinet.

"Oo malaki talaga, at 'wag kang mangielam diyan babaita ka at baka makabasag ka pa diyan, si Colleen lang ang kaya mong ipambayad kay Sir Mateo." Biro pa ni Cassandra dahilan para humaba ang nguso ni Mika.

Natawa naman si Louren dahil sa sinabi niya. "Makabugaw ah?" Sarkastiko niya pang untag dito.

Napailing na lamang ako dahil sa mga sinasabi nila bago tumayo sa kama. Nag-iinat-inat naman akong tingnan sila.

"Maliligo na ako, hahatiran ko pa si Silãs ng lunch." Ngisi ko sa kanila.

"Silãs? 'Yan ba ang second name ni Sir Mateo?" Takang tanong naman sa akin ni Cassandra kaya mabilis akong tumango.

Nangunot ang noo ni Mika sabay lapit sa amin. "Ang weird naman, parang 'yung sa nakukulong..'yung Silãs Pedro, silãs Peter." Kamot batok niya pang saad dahilan para muntik pa akong matawa.

"Gaga, alyas 'yon. Pinagsasabi mo teh?" Natatawang saad sa kaniya ni Cassandra dahilan para tuluyan kaming matawa.

Si Mika naman ang napakamakot sa sentido, animo'y nalinawan na ngayon. "Oo nga 'no? Sorry." Natawa na lang din siya sa kaniyang sinabi.

Nagpasya naman na kaming lumabas sa kwarto ni Silãs, syempre bago kami umalis doon ay nilinis na muna namin 'yon.

"Mag-ingat ka, Colleen. May mga mala agila ang matang nakabantay sa'yo, naku 'yang grupo talaga nila Lucy, masyadong insekyora." Usal ni Louren habang pababa kami ng hagdan.

'Di nga sila nagkamali dahil saktong pagtapak namin sa sala ay nandoon si Lucy, agad kaming napahinto nang mabilis siyang humarang sa dadaanan namin.

Nagtama ang paningin naming dalawa bago siya ngingisi-ngising nagbaba ng tingin sa suot ko. "Kinarir mo na talaga ang pagiging malandi, Colleen?" Sarkastikong anas niya dahilan para awtomatikong magsalubong ang dalawang kilay ko.

"Lucy, mag-ingat ka sa mga pinagsasasabi mo ah? 'Di mo kilala ang kausap mo." Makahulugang sambit ni Louren dahilan para mapunta sa kaniya ang paningin ni Lucy.

Mas lalo siyang ngumisi. "Wow ah? Porket kinarir ni Colleen ang panglalandi kay Sir Mateo todo kampi na kayo rito? Bakit? May pinangako ba sa inyo kaya kayo nagkakaganiyan?" Duro niya pa sa akin bago muling ibalik ang paningin sa akin.

Mabilis nag-ngitngit ang ngipin ko dahil sa inis. Naikuyom ko rin ang dalawang kamao, pilit pinipigilan ang sariling 'wag siyang masampal dahil ayoko rin ng gulo.

Napabuntong hininga ako. "Tigilan mo na ako Lucy, kung may galit ka man sa akin puwede mo naman sabihin sa akin ang dahilan hindi 'yong magsasalita ka nang hindi maganda laban sa akin, nakakabastos kasi." Pigil inis kong banta sa kaniya.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon