Chapter 21

10.2K 180 2
                                    

WARNING: SPG

FELICITY'S PAST (2)

Naging maganda ang pakikitungo sa akin ni Silãs sa unang linggo naming mag-on.

"This is Felicity, my girlfriend." Napangiti ako sa mga kaibigan ni Silãs nang ipakilala at dalhin niya ako sa bar na unang beses kong mapuntahan.

Tinanggap ko ang kanilang mga kamay. "Nice to meet you."

Nang asta ko nang tatanggapin ang panghuling kamay na hahawakan ko ay bigla 'tong bumaba dahilan para mapatingin ako sa babaeng sarkastiko naman ang pagkakangiti sa akin.

Mabilis kong naibaba ang kamay ko at nagpatay malisya na lamang.

"Let's take a seat, love." Bulong sa akin ni Silãs, naramdaman ko rin ang kamay niyang nakahawak na sa bewang ko hanggang sa makaupo kami sa sofa.

"Your girl is so gorgeous, Mat. Saan kayo nagkakilala?" Intriga ng mga kaibigan niya dahilan para magkatinginan kaming dalawa ni Silãs, kaagad kong nasilayan ang ngiti sa kaniyang labi.

Tumikhim pa muna siya bago sumagot. "We met because of our parents, we're both victim of arrange marriage." Aniya na sinundan ng halakhak.

Napainom naman ako sa champagne na iniinom ko at wala sa sariling napatingin sa babaeng nagpakita ng kabastusan sa akin, kumunot ang noo ko nang marinig nanaman ang sarkastika niyang tawa.

"So..it means you don't love each other?" Bahagya siyang natawa ngunit 'di ko inaasahan na bigla siyang tatayo at mabilis na tumabi sa tabi ni Silãs. "Then can I borrow him, Felicity? I'm so horny right now." Lumambing ang boses niya dahilan nang pag-kainit ng ulo ko.

Bago pa ako makapag-react ay mabilis tumayo si Silãs, ramdam ko rin ang pagkainis niya sa babaeng 'to na ngayon ay nang-aasar pa ang tingin sa akin.

"God! Ang landi talaga, Florence." Isa sa mga komento ng mga kaibigan ni Silãs.

Mariin akong napapikit, pilit pinapakalma ang sarili na huwag hablutin ang straight at kulay itim niyang buhok.

Narinig ko ang pagtikhim ni Silãs at mabilis umupo sa kabilang tabi ko. Ang paningin ko ay nasa hawak kong baso, pilit ding iniiwasang 'wag mainis kay Silãs.

Shit, paano niya pa nagagawang makipagkaibigan sa babaeng gaya niya? Paano na lang kapag wala ako sa tabi niya?

"Pero seryoso nga Mat? Arrange marriage lang kayo?" Intriga ng lalaking kaibigan niya dahilan para mag-angat ang paningin ko sa kaniya.

Napatikhim ako at sumandal sa mga braso ni Silãs, pinagkrus ko rin ang mahaba at maputi kong binti dahilan para makita ko ang bahagya niyang pagbaba ng tingin doon.

"Yes, but it doesn't mean that we don't love each other. Because of our arrange marriage, we met and we fell in love. That's why Silãs will never be touch or flirt by anyone, no one." Mariin ang pagkakasabi ko, saktong pagkasabi ko sa huling linya ay mariin akong lumingon sa babaeng nakaismid na sa akin.

Umikot ang kaniyang mata at natatawa pang lumagok sa kaniyang inumin. Mabuti na lamang at tumayo na siya at lumakad papunta sa dance floor dahilan para umikot ng bahagya ang aking mata.

Napalingon ako ng bahagya kay Silãs nang bigla niyang ilapit ang kaniyang bibig sa aking tenga. "That's my girl." Humalakhak siya dahilan para mahawa ako dala ng kiliti dahil sa mainit niyang hininga.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng alak. Nagsisimula na ring maging wild ang mga tao rito, sobrang lakas ng party sound at amoy na amoy ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon