Chapter 39

8.5K 154 5
                                    

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago mag-umpisang lumakad papasok sa loob ng gate nang makababa galing sa sinakyang taxi.

Nasa nakakuyom kong kamao ang pregnancy test na patunay na buntis ako.

"Colleen?" Napalinga ako nang may tumawag sa pangalan ko, agad akong huminto nang lumapit sa akin si Lolita na may hawak pang shovel.

Ngumiti ako sa kaniya ng bahagya. "Anong ginagawa mo rito? Akala ko..pinaalis ka na ni Ma'am Cora rito?" Aniya pa sabay punas sa pawis niya gamit ang kaniyang braso.

"Uh.." Tumikhim ako para pawiin ang nagbabarang lalamunan. "Nasa loob ba si Sir Mateo?" Tanong ko, inignora ang kaniyang sinabi.

"Oo, hindi siya pumasok ngayon kasi aalagaan niya si Ma'am Florence." Kunot noo pa rin niyang sagot ngunit dahil sa narinig ay awtomatikong kumunot din ang noo ko dala ng pagtataka.

Tuluyan ko na siyang hinarap. "Anong ibig mong sabihin? May..sakit ba si Florence?" Kinagat ko ang labi ko matapos sabihin 'yon ngunit ang pagtataka sa kaniyang mukha ay mas lalong sumilay.

"Akala ko sinabi na sa'yo nila Cassandra? Buntis si Ma'am Florence, magiging tatay na si Sir Mateo kaya nga permanenteng titira na rito si Ma'am Florence."

Mabilis kong naramdaman ang panghihina ng dalawang tuhod. Animo'y naramdaman ko rin kung paano bumagsak nang paulit-ulit ang puso ko dahil sa kaniyang sinabi!

Umiling ako sa kaniya. "T-totoo ba lahat ng..sinabi mo? Buntis si.. Florence at si..Silãs ang..ama?" Hindi makapaniwa kong turan ngunit imbes na sagutin ay pinag-kunutan niya lamang ako ng noo marahil ay hindi maintindihan ang sinabi ko.

Mariin akong napapikit, pilit kinakalma ang sarili.

Hindi, hindi ako maniniwala hanggat hindi ko 'to naririnig galing kay Silãs. Minsan na kaming nasira, hindi ko na papayagan na maulit pa ang bagyo sa relasyon naming dalawa ni Silãs.

"A-ayos ka lang ba Colleen?" Tanong sa akin ni Lolita ngunit awtomatiko akong napatingin sa pinto ng bahay nang bigla 'tong bumukas.

Nakita ko kung paano pagbuksan ni Silãs si Florence na ngayon ay malaki na ang ngiti sa kaniya habang nakahawak 'to sa nakaumbok niyang tiyan na ngayon ko lang din napansin.

Kumuyom ang kamao ko, bago pa magsi-unahan sa pagpatak ang mga luha sa mata ko ay 'di na ako nagdalawang isip na umalis sa lugar na 'yon.

"Colleen!" Tawag pa sa akin ni Lolita.

Tumakbo lamang ako nang tumakbo para makalabas sa gate ng kaniyang bahay.

"Felicity!" Tuluyan akong napahagulgol nang saktong paglabas ko sa gate ay namutawi ang kaniyang pag-sigaw.

Humahangos akong tumigil sa pagtakbo, ngayon ko lang din naalala ang kondisyon dahilan para wala sa sarili akong mapahawak sa aking sikmura.

"Sorry baby.." Mahina kong bulong hanggang sa maramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat.

"Felicity..why did you run?" Nag-aalala niyang tanong sa akin, nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay agad kong nasalubong ang gulat niyang mukha.

Bago pa man siya makapagsalita ay agad kong pinalipad ang palad ko papunta sa kaniyang pisngi.

"Totoo ba? T-totoo bang buntis si Florence at ikaw ang ama?" Halos pumiyok ako dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko, nang-gigigil ako at gusto kong magwala dahil sa galit.

Nangunot ang kaniyang noo. "What? What are you saying?" Naguguluhan niya pang kunwaring tanong sa akin!

Dahil doon awtomatikong pumasok sa isip ko ang nasaksihan dalawang buwan na ang lumipas, si Silãs at si Florence sa iisang kama dahilan para tuluyan ko na siyang hampa-hampasin sa kaniyang dibdib.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon