Chapter 32

9.9K 185 2
                                    

"Ako na sa garden, kayo na lang dito sa kusina." Inilapag ko ang hawak na gamit na plato sa lababo kung saan si Nida ang naghuhugas.

Tinanguan ako nila Louren kaya minabuti kong lumakad na palabas ng bahay. Bahagya akong napasinghap nang mapadaan sa sala kung nasaan nakapwesto sila Silãs, sinadya kong 'wag siyang balingan hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng bahay.

Kagat labi akong nagpunta sa garden para doon magwalis ng mga tuyong dahon na nalalaglag sa palibot ng mga halaman.

Kalmado ang panahon ngayon, asul na asul ang kalangitan, senyales na maganda ang panahon. Sariwa rin ang hangin na nalalanghap ko dahilan para mawala ang kaninang kalabog sa dibdib ko.

"Hi.." Sa kalagitnaan ng paglilinis ay mabilis akong napalingon nang may marinig na nagsalita sa likuran ko.

Awtomatikong tumaas ang aking kilay nang makita ang lalaking tinutukoy ni Silãs.

Nakalagay ang magkabila niyang kamay sa kaniyang bulsa ngunit 'di inaasahan na bigla siyang maglalahad ng kamay sa harapan ko dahilan para bahagya akong magbaba ng tingin doon.

"Marcus Carter.." Pagpapakilala niya pa bago ako muling tumingin sa kaniyang mga mata.

Napabuntong hininga ako. "I'm not interested." Pinal kong sagot dahilan para umawang ang kaniyang bibig.

Pilit akong ngumiti sa kaniya bago siya talikuran at ipagpatuloy ang ginagawa.

Please, stay away from me if you don't want a fight.

"Ang sungit mo naman, pero ayos lang maganda ka naman." Halakhak niya na mas lalong nagpakunot sa noo ko.

"Please Mister, baka magalit si Sir Mateo sa ginagawa niyo kaya bumalik na ulit kayo sa loob." Makahulugan kong sambit sa kaniya, sakto namang natapos na ako sa pagwawalis kaya minabuti ko na 'tong isauli sa lagayan.

Bahagya akong napalingon nang makita pa rin ang pagsunod niya.

"Bakit naman siya magagalit? I'm just being friendly, you know." Rinig kong tugon niya, natigilan naman ako sa paglalakad nang bigla siyang humarang sa dinadaanan ko habang may nakapaskil na ngiti sa kaniyang labi. "Nakakapagtaka lang, lahat naman ng babaeng pinopormahan ko bumibigay agad, you're interesting, huh." Dagdag niya pa, tuluyan nang nilamon ng inis ang sistema ko.

Sa inis ay gusto ko na siyang bugahan ng apoy at kaladkarin paalis sa harapan ko.

Umikot ang mata ko bago inis siyang tingnan nang maigi. "Pwes ibahin mo ako, you're not my type Mister. At isa pa, may boyfriend na ako so stay away from me, will you?" Mariin kong usal bago muling lumakad papunta sa basement para ibalik ang walis at dustpan na ginamit ngunit kahit ganoon ay naramdaman ko pa rin ang pagsunod niya.

"Woah, a maid can speak an English? I think I found the one." Napailing na lang ako sa kawalan, mabilis kong ibinalik ang hawak nang makarating sa basement kaya nang matapos ay nagpasya na akong bumalik sa loob ng bahay, umaasa na layuan na niya ako.

"Ano bang gusto mo? I said, I already have a boyfriend, Mister. Kapag hindi ka pa tumigil, isusumbong na talaga kita sa kaniya." Hindi ko na napigilan na harapin siyang muli, nakahalukipkip akong hinarap siya dahilan para lalong dumagdag ang ngisi sa mapula niyang labi.

Humakbang siya palapit sa akin. "I just want to know your name, is it hard to say?"

"Fine, Colleen. Colleen is my name so please, stop talking to me." Sumusuko kong sagot, hindi ko na siya hinayaan na sumagot dahil muli na akong lumakad paalis sa kaniyang harapan.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon