Dalawang araw ang nagdaan ngunit hindi pa rin ako pumunta sa bahay niya para magtrabaho. Hindi ko rin sinasagot ang mga tawag nila Cassandra dahil hindi ko rin alam kung ano ang idadahilan ko.
"Napabisita ka?" Inilapag ko ang tasa na may lamang tsaa sa harapan ni Scarlet nang magpunta siya kinaumagahan.
Umupo ako sa tabi niya habang sumisimsim sa tsaa ko.
Napatikhim siya. "Wala ka bang pupuntahan ngayon? Balak ko kasing magpasama sa'yo."
"Saan?"
Humarap siya sa akin kaya maigi ko naman siyang pinakatitigan.
"Birthday kasi ng friend ko, wala kasi akong kasama lalo na malayo-layo 'yon. Malay mo, meron kang makilala doon edi may pamalit ka na kay Silãs --" Mabilis siyang napalabi nang unti-unting nagtaas ang aking kilay.
Napabuntong hininga ako bago mag-iwas ng tingin sa kaniya.
Sabagay, nababagot na rin ako rito sa bahay dahil wala akong ibang magawa.
"Sumama ka na, hindi maganda sa mental health 'yong palaging nakakulong sa bahay dahil sa dami ng iniisip." Aniya pa. Naikwento ko na rin sa kaniya 'yong nangyari nung isang araw lamang.
Nagpakawala ako muli ng buntong hininga bago unti-unting tumango. "Sige, anong oras ba?"
"5 pm, sunduin kita mga 4:30."
Kaya nang dumating ang hapon ay agad na akong naghanda. Isinuot ko ang low cut hanging neck hip wrap dress ko na kulay black, na madalang ko lang din ma-isuot.
Pansin ko ang paninikip nito sa aking dibdib ngunit 'di ko na lamang 'yon pinagtuunan ng pansin dahil nagsimula na akong ayusin ang aking buhok. Kinulot ko pa muna dulo nito bago iwanang nakalugay bago tuluyang maglagay ng make-up sa mukha.
"Wow, parang 'di ka naman ready?" Sarkastikong salubong sa akin ni Scarlet nang sunduin niya ako.
Narinig ko ang tawa ni Lola. "Ano ka ba naman, alam mo naman si Felicity kahit hindi party ang pupuntahan palaging bihis na bihis." Sabay kaming natawa dahil doon.
Nagpaalam na kami kay Lola kaya mabilis na kaming pumanhik papunta sa kotse ni Scarlet. Pagkapasok sa loob ay mabilis na siyang nagmaneho.
Nakita ko ang paglingon niya sa akin. "Alam na ba ni Lola 'yung nangyari sa inyo ni Silãs?" Pambubukas niya ng usapan.
Bahagya akong umiling. "Hindi pa, ayoko na ring pag-usapan pa muna 'yon." Sagot ko sa kaniya. "Nabanggit din sa akin ni Silãs nung gabing 'yon na sinabi lahat ni Lola sa kaniya lahat ng plano ko." Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Ayokong sisihin si Lola dahil wala namang sikreto na 'di nabubunyag."
"Sabagay, malalaman at malalaman talaga ni Silãs ang lahat. Pasalamat ka nga at 'di ka niya kaagad nakilala, siguro sa tagal ng panahon nakalimutan na rin niya boses mo." Biro niya pa na tanging ngiti lang ang naisagot ko.
Patuloy lamang kami sa pagkekwentuhan hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa distenasyon namin.
Lumabas ako ng kotse niya habang nakatingin sa pamilyar na lugar, tinitigan ko ang bahay nang maigi ngunit nang mapagtanto 'to ay mabilis akong napalingon kay Scarlet na ngayon ay nakangisi na sa akin.
Shit!
"A-ano 'to? Bakit tayo nandito? Bakit tayo nandito sa bahay ni Ella?" Kabado kong tanong sa kaniya!
![](https://img.wattpad.com/cover/306440374-288-k497249.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love (Maid Series #2)
RomanceMaid series #2: COMPLETED How can you forgive? That's Felicity's question in the long time that has passed since her ex-husband treated her badly. It is difficult for her because like her, she is also a victim. She did everything to soften the man's...