Chapter 16

10.7K 233 11
                                    

"Hey!" Nagising ako ng bahagya nang bigla siyang pumitik sa harapan ko. "I'm asking you. What the hell are you doing here?"

"Ah.." Tanging nasabi ko sa mababang tono.

Hindi ko alam ang sasabihin ko! Blangko ang utak ko at hindi malaman kung ano ang isasagot. Hindi puwedeng sabihin ko na bahay ito ng Lola ko, besides..siya dapat ang tinatanong ko kung ano ang ginagawa niya sa pamamahay ng sarili kong Lola.

Mabilis kaming napalingon nang biglang bumukas ang pinto, mabilis gumana ang utak ko nang masilayan ko ang mukha ni Lola na mukhang hindi rin malaman ang gagawin.

You owe me an explanation, Grandmother.

"Madam! Tapos ko..na po ang pinapalinis niyo. Wala na po ba kayong ibang ipapalinis?" Masiglang tanong ko kay Lola na mukhang nabigla rin sa sinabi ko, nang makita ang paglingon ni Mateo sa kaniya ay kaagad kong binigyan si Lola ng makahulugang tingin.

Napakurap-kurap pa ang sarili kong Lola bago tuluyang magsalita. "A-ah, oo hija. Tara na sa baba, mag-almusal ka muna bago ka umuwi. Iaabot ko na lang mamaya ang bayad." Hilaw siyang ngumiti sa 'kin kaya agad akong lumingon kay Mateo, muntik pa akong mapaismid sa nanliliit niyang mga mata na tutok na tutok sa 'kin.

"Mauna na ako, Sir." Bago pa siya makapagsalita ay lumakad na ako palabas ng kwarto.

Palihim akong napahawak sa tapat ng dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.

Sana naman ay hindi siya makahalata dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na malaman niya kung sino talaga ako.

Hindi ko pa siya napapaluhod sa harapan ko!

"Good morning Fel--"

"Good morning, Manang." Mabilis kong putol sa kaniya na bahagya pang napapikit sa kaba.  Hindi naman na niya 'yon pinansin pa dahil pinaupo na niya ako, ang paningin ko ay mabilis napabaling sa masasarap na putahe na nasa harapan ko.

Umangat ang tingin ko kay Manang. "K-kayo po ba ang nagluto ng mga 'to, Manang?" Muli akong nagbaba ng tingin sa pagkain bago magsimulang magsandok na ng kanin ngunit muntik ko pang mabitawan ang hawak kong sandok nang makita nanaman ang seryosong mga mata ni Mateo na nakabaling sa 'kin katabi si lola na nakaalalay pa sa kaniya.

Agad akong nag-iwas ng tingin ngunit muntik pang lumayo ang kaluluwa ko sa katawan ko nang umupo siya sa tabi ko, agad akong tumingin kay Lola na mabilis ding nag-iwas ng tingin.

"Wow! Mukhang masarap ang mga ito, Silãs. Ilang linggo ka ring hindi nakadalaw sa 'kin, kaya namimiss ko ang luto mo, apo." Ani ni Lola na muntik pang magpareact sa 'kin!

The fudge! Sinasadya mo ba ang lahat, Lola? At ano raw? Ilang linggo? So..dinadalaw pa rin ni Mateo si Lola kahit ilang taon na kaming hiwalay?

Hindi ako kumibo habang kumukuha ng chicken curry na nakalagay sa mangkok. Mukhang masarap nga dahil amoy pa lang nakakatunog sikmura na.

Narinig ko ang tawa ni Mateo. "Busy lang po. Lalo na malapit-lapit ba ang..kasal namin ni Florence." Aniya na nagpatahimik sa lahat ngunit mabilis siyang bumawi. "Kung ayos lang po sa inyo, puwede po ba kayong dumalo sa araw na 'yon?"

Shit!

Palihim akong tumingin kay Lola ngunit nang maabutan ang nalilito niyang paningin ay mabilis akong nag-iwas kahit pa ramdam ko rin ang pasimpleng tingin ni Mateo.

"Of course! I would love to, hijo." Tanging naisagot ni Lola ngunit ramdam ko ang ilang sa tinig niya. Akala ko pa'y 'di na magsasalita si Mateo ngunit muli akong nabigla sa sunod niyang sinabi.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon