Chapter 2

18.8K 379 7
                                    

Sa mundong 'to, lahat naman tayo may pinagdadaanan. Lahat tayo nagkakaproblema at lahat naman siguro ay nareresolba. Pero, ilang ulit ko nang itinanong sa sarili ko kung bakit parang wala namang mga kasagutan ang lahat ng problema ko? Bakit parang nakakulong pa rin ako sa nakaraan ko na pilit kong tinatakasan pero hindi ko magawa.

At bakit din ba hindi ko magawang mapatawad ang lalaking minsan ko nang pinakasalan?

"Ang saya talaga ng pamilya ni Sir Mateo 'no? Ano kaya ang pakiramdam kapag napasama ka sa pamilya nila?" Inosenteng tanong sa 'min ni Louren habang nakatanaw sa pamilyang nangingibabaw ang tawanan.

Ano ang pakiramdam? Oh girl, kung ako sa'yo 'wag mo nang pangarapin.

Binasa ko ang sariling labi gamit ang dila habang hinahawi ang sariling buhok, pilit pinapakalma ang sarili sa kadahilanang hindi ko pa rin masink-in ang lahat ng nakikita.

Ang makita ulit siya.

"Bakit hindi mo i-try? Try to seduce him if you want to know." Biro ko dahilan para mapalingon din silang lahat sa akin.

Pabiro akong tinampal ni nida sa balikat. "Ano ka ba? Tingin mo magagawa ni Louren 'yon? Nako." Tumawa siya na ikinaangat ng isang kilay ko. "Isa pa, ang dinig ko may girlfriend na 'yang si Sir Mateo kaya 'wag niyo nang hilingin uy!"

Tss, hindi pa rin pala sila hiwalay, huh?

"Who's his girlfriend?" Tanong ko sabay sulyap saglit kay Sir Mateo na halatang busy kakapindot sa kaniyang phone ngunit panay rin naman ang sulyap sa pamilya.

"'Di ko alam eh, pero 'yon yata 'yung dinala niya rito tatlong taon na ang nakakalipas."

"Eh three years ago pa pala eh, loka malay mo break na sila." Buwelta naman sa kaniya ni Cassandra.

Napabuntong hininga ako habang napapaisip sa kaniyang sinabi. Posible kayang matagal na siyang may girlfriend habang kami pa noon?

Fuck, of course not. Of course not! Ang kapal naman niya kung ganoon. Nagawa niyang mag cheat sa 'kin gayung mag-asawa kaming dalawa? That's completely bullshit!

Tumawa ako nang bahagya. "Right, you're right Nida. 'Wag niyo nang pangarapin ang isang Sir Mateo." Ngisi ko. Dahil sisiguraduhin kong sa 'kin ulit ang bagsak niya sa huli. "Pumasok na nga tayo, mukhang hindi naman na tayo kailangan dito sa labas."

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na pakinggan sila dahil mabilis na akong lumakad papasok muli sa loob. Pagod akong dumiretsyo sa kusina.

May mga tao akong namataan doon ngunit hindi din naman nagtatagal kaya minabuti kong linisin na lang muna ang kalat sa lamesa ng counter.

"Oh my gosh! Look what have you done to my dress!" Napukaw ang atensyon ko sa sumigaw.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa babaeng masama na ang paningin sa kaharap.

Tsk, ano 'to? Away high school?

"Hindi ko naman sinasadya, kung 'di ka kasi nakaharang at kung hindi ka tatanga-tanga edi sana hindi ka nabuhusan." Sagot naman ng isa na lalong nagpaawang sa labi ng nabuhusan.

Napailing ako sa ere bago pumasok sa pinaka loob ng kusina kung saan nagluluto si Cassandra, dahil nasa labas siya walang ibang tao rito kundi ako.

Napapabuntong hininga akong umupo sa kaninang inupuan ko kanina habang minamasahe ang kabilang braso.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon