Chapter 50

11.9K 180 6
                                    

Halos mangalay na kami kakatayo ni Freya rito sa tapat ng gate ng mansyon. Bahagya kong inayos ang suot na silk dress bago ayusin ang flower crown ni Freya na nakapatong sa kaniyang ulo.

"Where is Daddy, Mom? I'm so hungry!" Maktol ng aking anak, animo'y 'di na rin mapakali sa kinatatayuan.

"Malapit na raw siya, just wait a few minute anak."

Napabuntong hininga na lamang ako bago tingnan ang phone. Kanina pa kasi kami naghihintay rito ni Freya dahil susunduin kami ni Silãs papunta sa simbahan, dadalo kasi kami ngayong araw sa kasal ni Theodore.

Asta ko na sanang i-dadial ang number ni Silãs ngunit sakto ko ring namataan ang kaniyang kotse. Dali-dali kong pinatay ang phone hanggang sa humahangos pang lumabas si Silãs, mabilis siyang lumakad palapit sa amin.

"Daddy! You're so tagal! Mommy and I are already tired." Ngumuso ang aking anak dahilan para kurutin ni Silãs ang kaniyang pisngi.

Tumingin siya sa akin. "I'm sorry love, tinulungan ko pa si Lawrence na hanapin 'yung singsing dahil nakalimutan niya raw kung saan niya nilagay." Bumuntong hininga siya bago humalik sa aking pisngi.

Tumango na lamang din ako bago kami magpasyang lumakad papasok sa loob ng kaniyang kotse. Naupo na ako sa passenger seat sabay lingon sa likuran kung saan kinakabitan ni Silãs si Freya ng seat belt, mabilis din siyang lumakad papasok sa loob nang matapos.

"Nasa simbahan na ba 'yung bride?" Tanong ko sa kaniya nang magsimula na siyang magmaneho.

Saglit siyang lumingon sa akin bago sumagot. "Not yet, maaga-aga pa naman pero si Theo 'di na mapakali dahil nag-ooverthink na baka takbuhan nanaman siya ni Chantria." Tawa niya pa.

Chantria? Hmm, I bet she's pretty too like her name.

"You already knew his girl?" Pang-iintriga ko pa dahilan para muli siyang lumingon sa akin.

"Yeah, alam mo naman din ang ugali ni Theo. I'm happy na tuluyan na siyang tumino, hindi ko rin i-nexpect na magiging tatay ang isang 'yon dahil sabi niya sa amin na hinding-hindi siya mag-aasawa, lalo na dahil sakit sa ulo lang daw ang magkaroon ng anak."

Maging ako ay natawa. "Akala ko ay mamatay siyang playboy pa rin, that woman literally change him into a good man."

Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa makarating na kami sa mismong simbahan. Sa entrance pa lang engrande na ang datingan.

Ilang minuto pa ang lumipas nang tuluyan nang dumating ang bride. Hindi nga ako nabigo nang makita ang mala-anghel na mukha ng babaeng ikakasal kay Theo.

"Tumigil ka nga Luna, wala pa nga sa kalahati tumutulo na pati uhog mo diyan." Bahagya akong napalingon sa gilid ko dahil sa narinig.

"Paki mo ba Celestia? Eh gusto ko lang mag-emote ba't ba? Huhu practice lang para sa kasal namin ni kasirola." Gusto kong matawa dahil sa sagot ng babaeng 'to na mabilis humagikgik na animo'y kinikilig kahit pa may luha pa rin sa pisngi.

Tumikhim ang babaeng nasa tabi ko dahilan para sa kaniya naman tumama ang paningin ko. "I'm sorry Miss, hindi lang nakainom ng gamot 'tong kaibigan namin." Aniya pa na tuluyan kong kinatawa.

"Hoy Kristel naririnig kita ah." Singhal pa ng babaeng sinabihan ng katabi ko.

Napapailing na lamang akong nag-iwas ng tingin ngunit tumama 'yon sa mga mata ni Silãs, mabilis ko siyang nginitian na agad niya ring ginantihan bago ko muling ibaling ang paningin sa bride and groom.

Hindi ko mapigilang matuwa habang nakatingin sa kanilang dalawa, kitang-kita mo talaga sa mga mata ni Theodore na mahal na mahal niya ang babaeng kaharap.

"Mommy, it's Thad!" Hawak sa akin ni Freya sabay turo sa batang lalaking nag-abot ng singsing sa dalawa.

Agad kong napagtanto na anak 'to nila Theodore nang halikan niya 'to sa pisngi, ganoon din ang ginawa ni Chantria.

"Oh..he has blue eyes too, kaya naman pala..anak din pala siya ng Tito Theo mo." Nakangiting usal ko sabay tingin kay Freya na masayang nakatingin kay Thad na siyang kaibigan niya.

Nang matapos ang ceremony ay mabilis nangibabaw ang palakpakan naming lahat lalo na nang siilin ni Theodore ang kaniyang asawa ng halik na mabilis kong kinangiti.

Sa susunod na buwan, kami naman ni Silãs ang ikakasal.

Tumayo na kaming lahat sa iuupuan namin para lumakad palabas. Mabilis ding umalis ang ilan para pumunta na sa reception.

"Are you hungry?" Tanong sa akin ni Silãs habang naglalakad kami palabas ng simbahan, hawak naman niya si Freya na pinagigitnaan naming dalawa.

Umiling ako. "Hindi pa naman, kakakain ko lang kanina."

Mabilis kaming natigilan nang may biglang lumapit kay Freya, mabilis ko 'tong nakilala nang makitang si Thad 'to.

"Thaddeus! Anak!"

Umangat ang paningin ko sa sumigaw, agad kong nakita si Chantria na ngayon ay palapit na sa gawi namin, kasunod niya si Theodore na siyang nakikipag-tanguan kay Silãs.

"Sasama ka Freya? Madami foods doon!" Sabay-sabay kaming nagbaba ng tingin sa mga bata.

Ngumiti si Freya. "Talaga? Pero ayoko kumain ng marami Thad, I don't want to be fat." Nguso ng anak ko dahilan para matawa ako ng bahagya bago muling mapatingin kay Chantria na natawa rin sa sinabi ng aking anak.

"Congratulations on your wedding, Chantria and Theodore." Nakangiti kong bati sa mag-asawa.

Muli akong humanga sa ganda ni Chantria lalo na ng ngitian niya ako.

"Thank you, Felicity. Kayo na sa susunod ni Mat." Ani naman ni Theodore na siyang nakaakbay na sa asawa.

Humalakhak si Silãs. "Si Lawrence na lang ang matitira ayaw pang kumilos eh." Pang-aasar niya pa sa kaibigan bago kaming magsimulang lumakad palabas ng simbahan.

"Nakalimutan mo na agad, nandiyan pa si Cameron." Rinig kong sabi ni Theodore ngunit ang paningin ko ay na kay Freya at Thad na patuloy sa pag-uusap.

Muling tumawa si Silãs. "Umasa ka pa sa kaniya? Halos pakasalan na niya 'yung trabaho niya, ni hindi ko nga nakita na may kasamang babae 'yon."

Nagpatuloy ang pag-uusap nilang dalawang magkaibigan hanggang sa tuluyan na silang magpaalam sa amin. Mabilis na rin naman kaming sumakay sa loob ng kotse para sumunod papuntang reception.

"Are you ready next month, love?" Nakangiting niya pang tanong sa akin.

"Of course, kasal na lang naman ang kailangan para maging pamilya na tayo, Silãs." Natatawa kong sagot sa kaniya ngunit mabilis nangunot ang noo nang biglang lumabas ang nakakalokong ngisi sa kaniyang labi.

"Eh sa pangalawang anak natin? Ready ka na ba? Dahil ready na ako, Felicity.'

God! Hindi pa nga nakakatung-tong ang Freya namin sa elementary may balak na niyang sundan! You really make me dizzy, love.

--------------------
Don't forget to vote!

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon