"Ang kulit mo, imbes na umalis ka na, naghintay ka pa rin doon." Inis kong saad sa kaniya habang minamaneho ang kaniyang kotse pauwi sa bahay ni Lola. "Paano kung mabinat ka? Doctor ka pa man din." Dagdag ko.
Napag-alaman ko kasing inaapoy pala siya ng lagnat. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis at nag-aalala sa kaniyang gayung hindi naman dapat.
Umubo siya ng bahagya. "You're hurting me, Fel..but at the same time you make my heart flutter." Nanghihina niya pang saad na muntik pang magpa-ikot sa aking mata.
Kahit papaano naman ay humina-hina na ang ulan kaya ambon na lang 'to.
"Bakit sa bahay ni Lola Fernanda tayo pupunta? Bakit hindi sa bahay ko?" Tanong niya ngunit nanatili ang tingin ko sa daan kahit pa nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang kaniyang paninitig.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Ayoko pumunta sa bahay mo, isa pa nandoon sila Cassandra. Hindi ko alam ang idadahilan ko kapag nagtanong sila kung bakit 'di na ako pumapasok sa trabaho." Untag ko sa kaniya.
Hindi na siya nagsalita matapos non hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa bahay ni Lola, pinasok ko sa loob ng gate ang kotse niya.
"Diyan ka lang, kukuha lang ako ng payong." Tinanggal ko ang seatbelt na nakakabit sa akin, asta na sana akong baba-ba ngunit nakita ko ang paglabas ni Lola na ngayon ay may dala ng payong.
Binuksan ko ang bintana ng kaniyang kotse. "La.."
"Bakit basa ka? Nagpaulan ba kayo?" Tanong niya nang tuluyan na kaming makita. Saglit akong lumingon kay Silãs bago unti-unting buksan ang pinto ng kotse kaya bahagyang umatras si Lola.
Mabilis akong pinayungan ni Lola hanggang sa makasilong ako, agad niya namang binalikan si Silãs kaya minabuti kong pumasok na sa loob.
"Oh? Ba't basa ka?" Natatawang salubong sa akin ni Scarlet na ngayon ay kakalabas lang ng kusina habang may hawak ng tasa ng kape.
Napairap ako. "Malamang umuulan sa labas."
"Eh 'yon nga, kitang umuulan sa labas 'di kayo gumamit ng payong." Tawa niya pa sabay lingon sa likuran ko dahil narinig ko na ang pagpasok nila Lola.
"Akyat na muna ako." Paalam ko sa kanila nang 'di man lang lumilingon. Mabilis akong naglakad paakyat sa hagdan dahil nararamdaman ko na nang paunti-unti ang lamig na bumabalot sa aking katawan.
Mabilis akong kumuha ng pamalit sa closet bago pumasok sa loob ng banyo, pagkapasok pa lang sa loob ay mabilis ko nang ginawa ang gagawin.
"Akala naman niya naawa ako sa kaniya, kinain lang ako ng konsensya ko na 'di ko rin alam kung saan nagmula." Mahinang bulong ko sa kalagitnaan ng pagsasabon.
Napabuntong hininga ako habang inaalala kung paano siya umiyak sa harapan ko na parang bata, animo'y takot na 'di balikan ng magulang.
Sa kalagitnaan ng pag-sshower ko ay bahagya akong napalingon nang may marinig na ring ngunit saglit ko 'tong ipinagsawalang bahala. Ilang segundo pa ay nawala ang ring ngunit maya-maya pa ay muli nanaman 'tong nagring ngunit mabilis nanamang nawala.
Napabuntong hininga ako, mabilis kong kinuha ang twalya na nakapatong sa sink bago 'to ibalot sa katawan kahit pa may sabon-sabon pa ang katawan ko.
"Yeah, she's taking a shower--Fel." Natigilan ako nang makita si Silãs na ngayon ay nakatingin na sa akin, nahuli ko pa ang pagbaba ng kaniyang paningin sa aking katawan bago napapanlunok na ibalik 'to sa aking mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/306440374-288-k497249.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unwanted Love (Maid Series #2)
RomanceMaid series #2: COMPLETED How can you forgive? That's Felicity's question in the long time that has passed since her ex-husband treated her badly. It is difficult for her because like her, she is also a victim. She did everything to soften the man's...