Chapter 29

10.7K 191 11
                                    

Unti-unting nagising ang aking diwa ngunit papikit-pikit pa akong nagbaba nang may maramdamang galamay na nakapulupot sa aking bewang.

Kinagat ko ang labi ko bago 'to dahan-dahang alisin ngunit mariin akong napapikit nang hilahin niya ang katawan ko palapit sa kaniya.

Muntik pa akong mapahigop sa hangin nang maramdaman ang bukol sa aking likod.

"Sorry, morning erection.." Namamaos niyang saad. Halos mapaiktad ako nang maramdaman ang pagtama ng kaniyang ilong sa aking leeg.

Napabuga ako sa hangin. "Let go of me, Silãs." Nagbabanta kong saad ngunit sa halip na bitawan ay narinig ko ang nakakaloko niyang tawa.

"Silãs won't allow that, he wants more hug." Muntik pa akong mapamura roon kaya inis ko siyang hinarap, bahagya akong napaatras nang muntik pang magtama ang labi namin dahil sa lapit ng kaniyang mukha.

Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mata dahilan para tuluyang magtama ang paningin naming dalawa.

God! Paano nakalikha ang Diyos ng ganitong kagwapong nilalang?

"Stop staring, it makes me want to kiss you." Namamaos niya pa ring usal ngunit unti-unti kong nakita ang multo ng ngiti sa kaniyang labi, bago pa man ako makapagsalita ay mabilis niya akong siniil ng halik dahilan para maiwang nakaawang ang aking labi. "Too late, isipin mo na lang na reward mo 'yan sa pag-aalaga sa akin."

Humiwalay na siya sa akin habang bahagyang humahalakhak. Inis ko siyang tiningnan na ngayon ay nakaalis na sa kama habang hinuhubad ang sandong suot dahilan para bumalandra sa harapan ko ang makisig niyang likuran.

Nag-iwas ako ng tingin. "Magaling ka na kaya makakaalis ka na." Masungit kong bwelta bago umalis din sa kama.

Sinikop ko ang aking buhok bago 'yon itali. Naramdaman ko naman ang presensya niya sa aking likuran ngunit naabutan ko ang kaniyang paningin na ngayon ay nasa boobs ko na.

Mabilis akong nagbaba ng tingin doon ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang makitang bakat na 'yon! Agad kong pinag-krus ang aking braso para takpan 'yon, dahilan non para muli kong marinig ang munti niyang halakhak.

"Bastos! Anong ginawa mo sa akin kagabi?! Tandang-tanda ko pa na may suot akong bra kagabi!" Bulyaw ko, hindi ko na napigilan ang inis ko dahil mabilis kong kinuha ang unan ko at mabilis 'yong pinanghampas sa kaniya na tatawa-tawa lamang niyang iniwasan.

Tatawa-tawang hinawakan ng loko ang kamay ko. "If you wear bra while sleeping, the hooks and straps may protrude into the skin. This may cause skin irritation!" Sagot niya rin sa akin dahilan para lalo akong makaramdam ng inis ngunit mas hindi ko inaasahan ang sumunod niyang sinabi. "Nakita ko naman 'yan, stop being shy Felicity."

"Manyak! Fuck you! Get out asshole!" Galit ko siyang initulak palabas. Humahangos akong tumigil nang tuluyan ko na siyang mapalabas ng kwarto.

Tumalikod ako ngunit bigla siyang kumatok. "Bumaba ka na diyan, para makapagbreakfast ka na." Muli siyang tumawa, normal na tawa lang naman 'yon ngunit pakiramdam ko ay may halo 'yong pang-aasar.

Inis kong nilingon ang pinto at doon napairap. Muli akong napabuga sa hangin bago lumakad paupo sa kama, nang makita ko ang bra kong nakasilip sa ilalim ng kaniyang unan ay mabilis ko 'yong kinuha.

Nakangiwi kong iniangat 'yon sa ere bago magsalita. "Sa ilalim mo pa talaga ng unan nilagay 'to? Doctor ka ngang talaga. Doctor pervert." Singhal ko pa bago 'yon suotin para makapag-ayos na rin ng sarili.

The Unwanted Love (Maid Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon