CHAPTER 11

4.2K 54 8
                                    

“HMM,DID my baby Aster enjoy shopping with daddy Cole?”tanong ko sa anak ko ng makauwi s’ya pagkatapos igala ni Cole sa mall.Naghahapunan na kami ngayon ng anak ko,si Cole naman ay umuwi na agad pagkatapos ihatid si Aster dito dahil kinukulit na no'ng asawa n’ya na umuwi na s’ya.

I'm just happy that his wife is not jealous about us.Kasi kahit sino naman siguro ay magseselos kapag nalaman mo na ‘yong asawa mo ay may ibang taong pinupuntahan.But Cole’s wife was understanding,alam naman n’ya na hanggang pakiki-kaibigan lang talaga ang gusto ko kay Cole.

I like Cole,but as my friend.My feelings for him doesn’t involved romantic feelings.

“Yes po,mommy ko”ngiti ni Aster sa akin habang sinusubuan ko.Marunong naman na s’yang kumain mag-isa,sadyang sinumpong lang talaga s’ya ng katamaran.”Daddy and I played in the arcade po”pagku-k’wento nito kaya napangiti ako.

“Wow,that’s good”komento ko.

“Mommy?”tawag nito.

“Hmm?”

“Kailan po ako magso-school?gusto ko na pong pumasok sa school eh”tanong nito kaya napatitig ako sa kanya.She was already 4 years old,yet she didn’t get to school.

Noon kasing 3 years old s’ya ay gusto ko s’yang papasukin ng pre-school kaya lang baka hindi pa masyadong makapag-focus ang anak ko dahil masyadong pa s’yang bata,kaya ngayon ay naisipan kong papasukin na si Aster dahil 4 years old na s'ya.Baka naman mahuli na ang anak ko kung hihintayin ko pa s’yang mag-5 years old.

At si Aster na naman na din ang gustong mag-aral na,maybe she is so eager to meet a new friend.

“Hmm,maybe this year anak ko.Ii-enroll ka ni mommy this school year sa pre-school,how’s that?”ngiti ko sa kanya.

Lumawak naman ang ngiti ng anak ko at tumango “okay po,but mommy ko…”my daughter trailed “lola mommy said to me that the school in the Philippines was more pretty than here po”sambit nito at she was referring to my mother who is living here also in New York,pero hindi kami magkasama sa iisang bubong dahil simula ng pinanganak ko si Aster ay bumukod na ako.

Ayaw kong maging pabigat sa mga magulang ko lalo pa at may anak na ako,I want to stand on my own feet without the help of my parents,isa pa hindi na naman na bago ang bumukod ako.Bago pa ako magkaroon ng anak ay hindi na naman na talaga ako nakatira sa bahay ng mga magulang ko.

“You want to school in the Philippines?”I asked.Medyo kinabahan kapag pumayag ang anak ko,nasa Pilipinas ang ama nito at kahit sabihin kong malawak ang Pilipinas,imposibleng hindi magkita ang dalawang ito.

“Opo”ngiti nito.And now,by her answer.Masasabi kong tadhana na mismo ang gumagawa para magkita si Aster at Asher.But no,if Aster wants to school in Philippines,I will do everything para hindi magtagpo ang landas ng dalawa.Alam kong mali,pero ayaw kong masira ang buhay ni Asher.

‘Gaga,paano naman ang buhay ng anak mo?’natameme ako ng biglang pumasok ang tanong na iyon sa isip ko.Ayaw kong masira ang buhay ni Asher pero pakiramdam ko buhay naman ng anak ko ang sinisira ko,tinatanggalan ko s’ya ng karapatan para makita ang ama n’ya.

And speaking of his dad,wala na akong balita doon.Ang huling balita ko sa kan’ya ay noong pina-cancel ni Asher ang mga wedding gowns and everything na tungkol sa kasal nila Ayeisha.Hindi ko alam kung natuloy ‘yon o hindi dahil wala akong nakita sa mga internets o balita na natuloy ang kasal nila.

Pero sigurado akong natuloy iyon,mahal na mahal ni Asher si Ayeisha at alam kong gagawa at gagawa ng paraan si Asher na matuloy lang ang kasal nila.

“Baby,mommy will talk to lola mommy muna about your plan,okay?”ngiti ko,nakaka-intindi namang tumango ang anak ko.She always understand what was happening in her surroundings, masyadong matalino si Aster kaya mabilis ko lang napapa-intindi sa kanya ang ibang bagay.

Billionaire 6:Asher Antonio Where stories live. Discover now