CHAPTER 21

4.1K 62 6
                                    

NANG MA-EXAMINE na nila Destinee at Desiree ang kidney donor ni Aster agad na nilang isinailalim si Aster para sa operasyon.

Laking pasasalamat ko nalang talaga doon sa donor dahil kahit hindi n’ya kilala si Aster ay tinulungan pa din n’ya ang anak ko.

Ngayon ang operasyon ni Aster,nasa loob na nang O.R ang anak ko kasama ang dalawang doktora at ang pinakamagagaling na surgeon dito sa hospital sa pangunguna na rin ni Xavier.

Ako naman ay nasa waiting area kasama si Cierra at Liyah,pinauwi ko na muna si Zoey sa mans’yon dahil baka nag-aalala na sa amin sila nanay.At sinabi ko munang ‘wag sasabihin sa kanila ang nangyari kay Aster dahil baka mag-alala pa sila at makarating iyon kila mommy,baka bigla pa iyong umuwi dito sa Pinas.

Si Asher naman ay lumabas muna at may bibilhin daw s’ya.’Yong mga kaibigan ko ay nanggaling na dito kasama ang mga asawa nila pero umuwi din agad dahil sa mga anak nila na hindi nila sinama dahil hindi naman p’wede ang bata dito sa loob nang ospital kahit pa kilala namin ang may-ari.Talagang sumaglit lang sila dito para kamustahin kaming dalawa ni Aster.

“Cams,stop crying na.Aster will be okay”pagpapatahan sa akin ni Cierra habang yakap ako mula sa gilid.Kahit sabihing ooperahan na si Aster at ayos na ang lahat ay hindi pa din ako mapakali at hindi mawala ang pag-aalala ko para sa anak ko.

“Hey,stop crying na.Sige ka malulungkot ‘yon kapag nalaman n’yang umiiyak ka”sambit ni Liyah na nakaupo sa tabi ko.

“But I’m still w-worried for my baby”naiiyak kong sambit.

Bumuntong-hininga naman si Cierra “Cams,Destinee and Desiree are doing all their best to save Aster,even Xavier was there to save their inaanak kaya tahan na,please”marahang sambit n’ya kaya tumango ako at pinunasan na ang mga luha.

Maya-maya ay dumating si Asher na may dalang paper bag galing sa kilalang restaurant.Umupo s’ya sa tabi ko dahil nag-banyo muna si Liyah.

“Here,kumain ka na.Baka mangayayat ka,magalit sa akin si Aster”sambit n’ya at hindi ko alam kung biro lang ba n’ya ang huling sinabi n’ya o ano.”Ikaw din Cierra,nakakahiya naman sa asawa mo kung gugutumin kita”sarkastikong sambit ni Asher sa kapatid kaya natawa ang huli.

“Hay kuya,kasal na kami at lahat-lahat pero ‘yong dugo mo sa asawa ko hindi pa din lumalamig”natatawang komento ni Cierra kaya napailing nalang ako at tinanggap na ang pagkaing inalok sa akin ni Asher.

“Cams”napatingin ako kay Liyah nang sumulpot ito.

“Yeah?”kunot-noong tanong ko.

“Ahm, kailangan ko nang umuwi.’Yong mama kasi nang fiancee ko nagde-demand nang presence ko doon sa family done nila”sambit n’ya.

“Gano’n?”sambit ko at tumayo.

“Yeah,but don’t worry.Babalik din naman ako after no’n”pampalubag loob n’ya kaya agad akong umiling.

“’Wag na,magpahinga ka nalang after no’n tsaka ka nalang bumalik dito.Isa pa,babalik din naman si Zoey dito pagkatapos n’yang kumuha nang gamit namin”sambit ko.Alam kong naaabala ko na sila dahil dito,isa pa may kasama naman ako sa hospital.

“Sige,but if I have a spare time I will ho back here”ngiti n’ya kaya ngumiti na din ako at niyakap s’ya.

“Thanks Liyah,hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo”sambit ko at naramdaman ko namang ginantihan n’ya ang yakap ko.

“Welcome Cams,at isa pa kaibigan ka namin kaya sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din,tsaka parang anak na din namin ‘yan si Aster”sambit n’ya at nag-pasalamat muna ako sa kan’ya saglit bago s’ya tuluyang umalis.

“Ahm,ako…kailangan ko na ding umalis dahil hinaharot—este hinahanap na ako nang asawa ko”sambit ni Cierra maya-maya at natawa pa ako sa ‘hinaharot’ n’ya.”Andito naman si kuya para samahana ka,babalik din ako mamaya”muling dagdag n’ya kaya tumango ako at niyakap s’ya.

“Thanks din Cie ha?alam ko namang dapat nasa honeymoon kayo nang asawa mo pero nandito ka”sambit ko.

“Ano ka ba?mas importante si Aster kaysa doon sa honeymoon namin,tsaka p’wede namang i-schedule ‘yon”natatawang sambit n’ya kaya natawa ako at niyakap s’ya.

“Ayaw ko nang pamangkin”biglang sabat ni Asher kaya natatawa s’yang nilingon nang kapatid.

“Hah kuya,malay mo may pamangkin ka na…di mo lang sure”natatawang sambit ni Cierra bago nagpaalam umalis.Muli naman akong bumalik sa pagkaka-upo.

“Kumain ka na”sambit ni Asher kaya tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.Matapos naming kumain ay nilinis na n’ya ang mga pinagkainan namin at umupo s’yang muli sa tabi ko.”Why don’t you take a nap?”tanong n’ya.

Umiling naman ako bago bumuntong-hininga “hindi ako makakatulog dahil iniisipin ko lang ang kalagayan nang anak ko”sambit ko.At hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero naramdaman ko nalang ang ulo ko na nakapatong sa balikat n’ya,nagulat s’ya pero wala ding ginawa sa halip ay nilagay lang n’ya ang braso sa bewang ko at mas hinapit ako sa kan’ya.

Wala naman akong ginawa at mas umayos nalang nang p’westo sa balikat n’ya “nasaan ba kasi ang tatay ni Aster?nag-aagaw buhay na lahat-lahat ang anak n’ya pero wala s’ya dito.Gago ba s'ya?”tuloy -tuloy na sambit n’ya.

‘Gago ka nga,nasa harap mo na ang anak mo pero hindi mo pa din nakikilala’sambit ko sa isip ko at napailing nalang.Hanggang ngayon ay hindi pa din kilala ni Asher si Aster,at ewan ko ba kung tanga si Asher o ano,pero hindi n’ya pa din mamukhaan si Aster gayong magkamukha naman talaga silang dalawa.

“Busy mambabae”tipid ko nalang na sagot.Wala akong p’wedeng idahilan sa kan’ya na kung tutuusin ay hindi ko naman na kailangan magdahilan dahil katabi ko lang naman ang anak nang tatay ko,pero dahil tanga nga s’ya.Walang nangyayari.

“And you allowed him to do that while his daughter was fighting for her life?”rinig ko ang inis sa tono n’ya kaya mahina akong natawa at nagkibit-balikat.

“It his choice,isa pa hindi naman kami kasal”sagot ko.

“Pero—”

“Shh Asher,buhay n’ya iyon kahit magalit ka o ako walang mangyayari”sambit ko dahilan para tumahimik na s’ya,napipika na ako sa totoo lang.Ang tanga-tanga n’ya para hindi isiping kan’ya si Aster gayong sa mukha palang makikitaan mo nang Antonio ang bata.

Ilang minuto pa akong nagtagal sa p’westong iyon bago ko nakitang lumabas si Destinee,Desiree at Xavier agad akong tumayo at sinalubong s’ya.’Yong ibang mga kasama nila ay umalis na.

“Kamusta ang anak ko?”nag-aalala kong tanong.

Tinanggal naman n’ya ang suot n’yang mask at ngumiti sa akin “Aster was now fine”balita n’ya kaya napahinga ako nang malalim at umagos ang mga luha ko dahil sa saya,sa wakas ay makakahinga na ako nang mabuti dahil maayos na ang anak ko “but still,we need to make a blood transfusion”biglang dagdag n’ya.

“I’m willing to test my blood for her”sambit ko kaya tumango s’ya.

“Sige,ite-test natin ang dugo mo mamaya”sambit n’ya kaya tumango s’ya.

“Can I see my daughter now?”tanong ko.Gusto ko nang makita ang anak ko dahil nag-aalala ako sa kalagayan n’ya,isa pa halos kalahating oras ko din s’yang hindi nakita.

Umiling sa akin si Destinee “hindi mo pa s’ya p’wedeng makita hangga’t hindi pa natatapos ang operasyon n’ya.But we will make it early to finish the operation so you can see her”sambit n’ya kaya tumango ako at nagpasalamat sa kan’ya.

Agad na nag-alpasan ang mga luha ko nang makaalis sila Destinee,dala iyon nang pag-aalala para sa anak ko at saya dahil sa wakas ay alam kong kahit papaano ay alam kong magaling na s’ya.

“Shh,you are crying again”sambit ni Asher at naramdaman kong niyakap n’ya ako.Gumanti ako doon at binaon ang mukha sa dibdib n’ya at patuloy na umiyak.

“I’m j-just happy for Aster”umiiyak kong sambit.

“Stop crying now please,Aster will not like it if she knew that you are crying”pagpapatahan n’ya sa akin.Ilang minuto n’ya pa ako pinatahan bago ako tuluyang nahinto sa pag-iyak.

“Kailangan ko nang ipa-test ang dugo ko para matapos na ang operas’yon ni Aster”sambit ko kaya tumango s’ya.

“I will go with you,come on”sambit n’ya.

TAHIMIK LANG akong nakaupo sa hospital bed dahil medyo nahihilo pa ako dahil katatapos lang akong kuhanan nang dugo para i-test kung magka-blood type kami ni Aster.And I’m so sure that we have a same blood type,I’m her mother, anyway.

“You okay?”tanong ni Asher,nakatayo s’ya sa tabi.Sinamahan n’ya talaga ako magpa-test at hanggang sa kinukahanan ako nang dugo ay kasa-kasama ko s’ya.

“Yeah,I’m just a little bit dizzy”sagot ko.

“Ahm ma’am,sir.Maiwan ko muna po kayo,ite-test lang po namin ‘yong dugo n’yo kung magka-blood type kayo ni Ms.Gomez”paalam nang nurse na kumuha nang dugo ko at umalis na.

Umupo naman sa kama ko si Asher “you sure you are okay?”muling tanong n’ya.

“Oo nga”napipika kong sagot.Kanina n’ya pa ako tinatanong n’yan simula nang matapos akong makuhanan nang dugo,at pang-ilan na n’ya ‘yon ngayon.

Pinikit ko ang mga mata ko at sumandal sa headboard,medyo nahihilo pa din kasi ako at hindi ako sanay kuhanan nang dugo kaya baka naninibago ang katawan ko dahil doon.

Pero agad akong napadilat nang may maramdaman akong hangin na tumatama sa mukha ko,gano’n nalang ang gulat ko nang bumungad sa akin si Asher at ilang dangkal nalang ang layo nang mukha n’ya sa akin.

“A-Asher”kinakabahan kong tawag sa kan’ya.Kinakabahan ako dahil baka magkamali na naman ako,alam kong sinabi na sa akin nila Bree na hindi pa kasal si Asher pero ayaw kong maniwala hangga’t hindi iyon nanggagaling sa kan’ya mismo.

“I want to kiss you”walang patumpik-tumpik na sambit n’ya kaya lihim akong napalunok.

“No”mariin kong sambit at kumurap.

“Why?”napapaos na tanong n’ya,ang paningin ay hindi pa rin maalis sa labi ko.

Umiwas ako nang tingin at tumikhim “stop Asher,you are already married.Ayaw kong makasira nang pamilya”sambit ko at tumingin sa kan’ya.His face was no longer closer to mine.

Tumingin s’ya sa mga mata ko “who told you I’m married?”nang-hahamon n’yang tanong.

“No one,but before I leave the country you are planning to get married to Ayeisha.At ilang taon na ang nakakaraan simula nang mangyari iyon,so I assumed you two are now married,so please…so stay away from me”mahabang lintaya ko.

Mahina s’yang natawa at umiling “so all this time you are thinking that I’m married?”manghang tanong n’ya kaya tinaliman ko s’yang nang tingin.

“Because you are!”singhal ko,hindi na mapigilan ang iritas’yon tungkol sa pinag-uusapan namin.

“Hey,why are you shouting?”natatawang tanong n’ya kaya mas lalo akong nairita.

“Because you are lying again!”muli kong singhal at kahit nahihilo pa ay pinaghahampas ko s’ya sa dibdib n’ya at hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang nangilid ang mga luha ko.

Pilit n’ya akong inaawat “hey,stop Cams.Baka mahimatay ka,katatapos mo lang kuhanan nang dugo”awat n’ya sa akin at nang maawat na ako nang tuluyan ay kinulong n’ya ako sa bisig n’ya and he was whispering sweet nothings to me.

“You are a liar,Asher”mahina kong bulong.

Hinalikan n’ya ang ulo ko “I’m not lying to you,Camilla.Alam mong hindi ko kayang magsinungaling sa’yo”sambit n’ya kaya napailing ako at napaiyak na sa dibdib n’ya.

Hindi ko alam kung bakit ang emosyonal ko,siguro ay dala na din nang nangyari kay Aster idagdag pa na iniisip ko ang totoo kung kinasal ba talaga si Ayeisha at Asher.

“You already did.Ang s-sabi mo s-sa akin noon a-ako lang ang p-papakasalan mo,b-but look at what y-you did.You p-propose to someone”umiiyak na sambit ko.

Inalayo n’ya ako sa yakap n’ya at pinakatitigan ako sa mga mata at pinunasan ang luha ko “can you blame me,Camilla?you leave me.What do you expect me to do,wait for you?even there’s no assurance that you will comeback “nasasaktang sambit n’ya kaya natameme ako.

It's my fault also,sinabihan n’ya ako noon na oras na bumalik ako sa kan’ya ay wala na akong babalikan.And I assumed that if I comeback here,he was still mine.But no,pagmamay-ari na s’ya nang iba at kasalanan ko iyon dahil iniwan ko s’ya.

“I leave you for your own sake”mahina kong sambit kaya mapakla s’yang natawa.

“No,you leave me for your own sake not mine.Sinabi ko na sayo noon,handa akong iwan ang lahat,ikaw lang ang kinakapitan ko nang mga oras na iyon Camilla.But you choose to leave me”sambit n’ya at nakita ko ang pangingilid nang mga luha n’ya kaya mas lalo akong nasaktan.

I used to see him as a tough man,but now.He was look like a lost kid trying to find his mother,his eyes was full of pain and sadness,and it was all because of me.

“Kinapitan ko ‘yong pangako mo na hindi mo ako iiwan.But what did you do?you leave me and choose to broke your own promise,so don’t blame me if I choose to love again.I just choose to be happy again”nasasaktang sambit n’ya at nakita ko ang pagpatak nang luha sa mga mata n’ya bago s’ya tumayo “maiwan na muna kita”paalam n’ya bago ako talikuran.

Nang makalabas s’ya nang k’warto ay tuloy-tuloy ang pag-agos nang luha sa mga mata ko.Nasasaktan ako sa kadahilanang nasaktan ko si Asher dahil sa nangyari noon.And he was crying now because of my stupid decisions in my past.

★★★★★

A/N:LAME BA?😅

AYAN,NAKAPAG-UPDATE NA ULIT.AGAIN FOR MEDICAL MATTERS IN THIS CHAPTER,I'M SORRY KUNG MAY MALI,HINDI NAMAN PO KASI AKO MASYADONG EXPERT SA GAN'YANG BAGAY KAYA 'WAG N'YO SANA AKONG I-BASH,SI GOOGLE LANG TALAGA ANG KINAPITAN KO NANG MGA ORAS NA 'YAN.

AND I DECIDED TO CHANGE THE BOOK COVER BECAUSE ALL OF THE BS ARE ALREADY REACHING THOUSANDS OF READERS KAYA SALAMAT SA INYO FAIRIES 🥰😭

SEE YOU ON MY NEXT UD,LOVE LOTS😘

Billionaire 6:Asher Antonio Where stories live. Discover now