“AYOS KA lang?”napatingin ako kay Bree nang kulbitin n’ya ako.
“I’m fine”ngiti ko at tumingin sa unahan.Kinasal na si Cierra and I’m so happy for her,finally she already have an happy ending with her husband matapos nang lahat nang pinagdaanan n’ya sa mga nakalipas na taon.
Tapos na ang seremonya at ngayon ay nasa reception na kami pero doon pa rin sa tabing dagat kung saan sila kinasal.Katabi ko sila Bree at may ibang p’westo ang mga boys.
Pero kahit anong tuon ko sa atens’yon ko sa ibang bagay ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Ashton,hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi n’ya na hindi kasal ang kapatid n’ya o baka ginagawa lang n’ya iyon para ipakilala ko si Aster sa ama n’ya.
Tumingin ako kay Bree na kunot-noong nakatingin sa akin “I have a question”I said.S’ya lang ang taong mapagtatanungan ko nito dahil alam kong alam n’ya lahat nang nangyayari dito mas lalo na ang tungkol kila Asher dahil kaibigan iyon nang asawa n’ya.
“Shoot”she shrugged.
“Kinasal ba si Asher kay Ayeisha?”tanong ko kaya mataman n’ya akong tinignan na para bang inaarok ang isip ko kung bakit ko iyon tinatanong.
Instead of answering me she gave me a question also “why?”tanong n’ya.”Ipapakilala mo si Aster sa kan’ya kapag hindi s’ya kasal kay Aye?”tanong nito kaya umiling ako.
“No,kasal man s’ya o hindi.Hindi ko ipapakilala sa kan’ya ang anak ko”sagot ko at totoo iyon,buo ang desisyon ko sa bagay na iyon.Walanv karapatan o hindi karapatan ni Asher na malaman ang tungkol kay Aster.
“Honestly…”she sighed “Asher didn’t get married to Aye”sagot nito kaya mahina akong napasinghap dahil sa gulat.Totoo nga ang sinasabi ni Ashton,hindi n’ya pinagtatakpan ang kapatid n’ya.
“Really?”gulat na tanong ko.
“Yep,Maximo told me that Asher and Aye called the wedding off.Walang nakakaalam nang dahilan kung bakit nila kinansela ang kasal nila kahit sila Maximo.And they called their wedding off the day before their wedding kaya nagulat kami”mahabang lintaya ni Bree “pero ang sabi kaya nila kinansela iyon dahil may isa sa kanilang nag-cheat”dugtong pa nito.Iyon din ang sinabing dahilan sa akin ni Ashton,pero bakit naman ikakansela nila ang kasal nila kung nagmamahalan sila at bakit sila magche-cheat kung mahal na mahal talaga nila ang isa’t-isa.
“Restroom lang ako”sambit ko at agad na tumayo,kasama ko si Aster ngayon pero nasa room lang s’ya dahil baka kapag sinama ko pa s’ya dito sa baba ay makita s’ya ni Asher,hindi pa ako handa sa gano’ng tagpo at hindi kailanman.
Agad na akong naglakad para pumunta nang banyo ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong ko si Asher.
“Uuwi ka na?”tanong n’ya at tumingin sa akin ang mapungay n’yang mga mata.Hindi s’ya lasing pero base sa pungay nang mata n’ya ay may tama na s’ya.
“No,I will just go to the bathroom”sambit ko at pasimpleng tumingin sa mga daliri n’ya,baka sakaling masagot no’n ang tanong sa isip ko kung totoo bang hindi sila kasal ni Ayeisha.At wala akong nakitang anumang singsing doon.
“You want me to accompany you?”tanong n’ya kaya hindi ko maiwasang hindi magtaas nang kilay “don’t get me wrong,gusto lang kitang samahan dahil baka may makasalubong kang loloko-loko dito…hindi lang tayo ang tao dito”agad na paliwanag n’ya nang makita siguro ang itsura ko.And his right,hindi kasi exclusive sa amin ang resort na ito.Meron pa ding mga turista dito,gusto sanang ipasara ni Kade ang resort pero ayaw ni Cierra dahil trip lang n’ya.
“No thanks,I can handle myself”sagot ko at hindi na hinintay ang sagot n’ya.Agad akong umalis doon at nagtungo sa banyo.
Sakto namang nakapasok ako sa loob nang biglang mag-ring ang phone ko,agad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag.
Zoey calling…
“Hey,what the matter?”I asked.
“Ahm,Cams…p’wede ka bang umakyat dito?”rinig ko ang pag-aalangan sa boses n’ya kaya napakunot ang noo ko.
“Why?umiiyak ba si Aster at hindi makatulog?”tanong ko.Wala naman akong maisip na p’wedeng dahilan n’ya para umakyat ako sa k’warto namin.
“Umiiyak si Aster,tinatanong ko s’ya kung bakit pero ayaw naman n’yang sabihin sa akin basta umiiyak lang s’ya.Nang hawakan ko s’ya inaapoy s’ya nang lagnat”sagot nito dahilan para mapasinghap ako.
“B-bakit s’ya nilalagnat?”natatarantang tanong ko at agad na lumabas nang banyo,halos takbuhin ko na ang distans’ya nang k’warto namin dahil sa pagmamadali ko.Sobra talaga akong nag-aalala kay Aster,simula kasi nang pinanganak ko s’ya ay hindi s’ya dinapuan nang kahit anong sakit,ngayon lang kaya sobra talaga akong nag-aalala sa kan’ya.
“Hindi ko din alam,Cams”natatarantang sagot ni Zoey at rinig ko sa linya n’ya ang pag-iyak ni Aster.Nag-aalala ako sa anak ko, paniguradong hindi s’ya sanay sa kung anumang sakit na nararamdaman n’ya ngayon.
Pinatay ko na ang tawag at habang tumatakbo ako ay nakasulubong ko si Aaliyah “hey,saan ka pupunta?”kunot-noong tanong n’ya.
“S-si Aster”hinihingal at nag-aalala kong tanong.
“What happened to Aster?”naguguluhang tanong n’ya.
“’Yong anak ko Liyah”agad na nangilid ang luha ko dahil doon,alam kong OA ako dahil sa simpleng bagay na iyon ay umiiyak na ako pero nag-aalala talaga ako para sa kalagayan ni Aster.
“Hey,ano bang nangyari?”nilapitan n’ya ako at inalo “kumalma ka nga…tell me,what happened to Aster?”malumanay na tanong n’ya at paulit-ulit akong inalo hanggang sa kumalma na ako at matigil ang mga luha ko.
“Si Aster,inaapoy nang lagnat”sagot ko kay Liyah.
“Ano?!”histerikal na tanong n’ya “bakit daw?”nag-aalalang tanong n’ya.
Umiling ako at napahilamos nang mukha “hindi ko alam”sagot ko “kailangan ko s’yang puntahan”sambit ko.
“C’mon,I will go with you”sambit n’ya at sabay na kaming nagtungo sa taas.Nang makarating sa k’warto ay agad ko nang pinuntahan si Aster.
Nakahiga s’ya sa kama at nakabalot sa kan’ya ang makapal na kumot,kitang-kita ko din na umiiyak si Aster si Zoey naman ay nasa tabi n’ya at pilit s’yang pinapatahan at tinatanong kung anong nararamdaman n’ya pero ayaw n’yang magsalita at patuloy s’yang umiiyak na para bang ang sakit-sakit nang nararamdaman n’ya.
Agad ko s’yang nilapitan at lumuhod ako sa tabi n’ya, hinawakan ko s’ya at agad akong nag-alala nang maramdamang sobrang init n’ya.
“Hey,baby this is mommy.Please,tell me what are you feeling right now?”mahinahon at nag-aalala kong tanong pero imbes na sagutin ako ay mas lalo s’yang umiyak,naaawa ako sa sitwasyon nang anak ko.Hindi ko s’ya kayang tignan nang gan’yan.”Baby please,tell me mommy what happened to you?”naiiyak na ring tanong ko.
“Hey,kumalma ka…walang mangyayari kung iiyak ka lang”alo sa akin ni Aaliyah at lumapit s’ya kay Aster “baby please,can you tell to tita Liyah what happened to you?”bakas sa tinig at itsura ni Liyah ang pag-alala pero tulad kanina ay hindi pa rin s'ya sinagot ni Aster at mas lalong umiyak.
“Hindi ba natin s’ya p’wedeng dalhin sa hospital?”nag-aalalang tanong ni Zoey.
“P’wede naman,but we need to comsult a doctor first.Malayo ang ospital dito,baka hindi p’wedeng ibyahe si Aster sa kalagayan n’ya ngayon”sagot ni Liyah “dito lang muna kayo.Hahanapin ko si Desiree”paalam ni Liyah at lumabas na nang k’warto.
Ako naman ay humiga sa tabi ni Aster at naaawang inalo s’ya,kung p’wede ko lang kunin ang sakit na nararamdaman ni Aster ay ginawa ko na,ayaw kong nakikita s’yang nahihirapan.
“Shhh,stop crying baby.You make mommy nervous and scared”sambit ko at mas lalong hinigpitan ang yakap ko sa kan’ya,wala na akong ibang p’wedeng gawin kundi ang aluin lang s’ya.
Maya-maya ay dumating si Liyah kasama si Desiree at Destinee,agad akong tumayo,s’ya namang paglapit nang dalawang doktora sa anak ko.
“What happened?”tanong ni Destinee.
“Papatulugin ko na sana si Aster kaya lang bigla s’yang umiyak,tinatanong ko s’ya kung bakit pero ayaw n’yang magsalita”sagot ni Zoey.
“Hey baby girl,can you tell to tita-doc where hurts?”tanong ni Desiree.Pero hindi sumagot si Aster at ang mga kamay ay nasa may puson n’ya banda.
Agad namang napansin iyon nang dalawa at chineck.”Hindi naman ito matitignan nang mabuti,bukod sa kulang kami sa kagamitan ay hindi ko masyadong gamay ang ganito”sambit ni Destinee.
“Eh anong gagawin ko?”tanong ko.
“Mas mabuting dalhin nalang s’ya sa ospital”sagot ni Destinee.
“Mga tatlong oras pa ang itatagal bago makarating sa ospital,ayos lang ba sa kalagayan n’ya iyon?”tanong ni Liyah.
“Wala tayong magagawa,kaysa naman dito lang s’ya baka mas lalo s’yang mahirapan”sagot ni Destinee.
“Okay,I will tell this to kuya”sambit ni Liyah.
“Sasama na ako,baka merong mas malapit na ospital dito sila Xander”sambit ni Desiree.
Umalis na silang lahat at naiwan na kami ulit tatlo nila Zoey at Aster.Si Aster naman ay nakatulog na dahil tinurukan muna s’ya ni Destinee nang pain killer bago sila umalis.
Maya-maya ay bumalik na si Liyah,pero ngayon si Desiree nalang ang kasama at si Xavier.Pero kita ko ang gulat sa mga mata ni Xavier nang makita si Aster.
Kila Bree ko lang pinakilala si Aster dahil alam kong kapag sinabi ko iyon sa mga kaibigan ni Asher ay may posibilidad na malaman n’ya iyon at ayaw kong malaman n’yang may anak kami.
Pero sa ngayon,wala akong ganang mag-explain kay Xavier,nag-aalala ako sa kalagayan nang anak ko at bahala na kung sabihin n’ya kay Asher iyon.Wala na akong pakialam doon,ang importante sa akin ngayon ay gumaling ang anak ko.
“W-what happened to her?”nang makabawi sa gulat ay iyon ang tinanong agad ni Xavier.
“We don’t know,hindi namin s’ya ma-check ni Destinee dahil kulang kami sa equipments”sagot ni Desiree.
“But you are a surgeon”sambit ni Xavier.
“Yes,but I can’t just give an any symptoms or medicine dahil nga kulang sa equipments,isa pa hindi ako p’wedeng basta nalang mag-bigay dahil baka mali ako”muling sambit ni Desiree.
“What should we do?”tanong ni Xavier.
“We need to bring her to the nearest hospital.Ang sabi ni Liyah three hours ang b’yahe papunta sa ospital”sagot ni Desiree.
“We have an nearest hospital here.But it will take one hour and a half,is it fine?”tanong ni Xavier.
“That’s fine,ang importante gumaling agad ang anak ko”agad na akong sumabat.Pakiramdam ko habang tumatagal ay mas lalong sumasakit ang nararamdaman ni Aster.
Agad na binuhat ni Xavier si Aster at sabay-sabay na kaming bumaba,pero gano’n nalang ang gulat ko nang sumalubong sa amin ang lahat nang mga kaibigan ko.Maging sila Cierra at ang asawa nito.
“What happened to Aster?”tanong ni Cierra,kita ko ang pag-aalala sa mga mata n’ya para sa pamangkin n’ya.
“Inaapoy s’ya nang lagnat.We need to bring her to the hospital so we check what happened to her”sagot ni Desiree.
Pero hindi doon natuon ang atens’yon ko,kundi kay Asher na nasa tabi ni Cierra at kunot-noong nakatingin kay Aster.Muli kong naramdaman ang kaba nang malaman ni Ashton ang tungkol kay Aster,pero ngayon mas malala ang kabang nararamdaman ko.
Dahil alam kong isang sulyap lang kay Aster ay masasabi mo nang isa s’yang Antonio,anak s’ya ni Asher dahil malaki talaga ang pagkakahawig nila.At paniguradong naramdaman ni Asher ang lukso nang dugo.
Mas lalo pa akong kinabahan nang lumapit si Asher kay Xavier “ako na ang bubuhat sa kan’ya”presinta nito.Sumulyap sa akin si Xavier,nanghihingi nang sagot kung papayag ba ako o hindi.At para hindi na humaba pa ay tumango nalang ako.
Marahang binigay ni Xavier si Aster kay Asher at kitang-kita ko ang maingat na pagbuhat n’ya sa bata.”Mamaya na ‘yan,kailangan na s’yang madala sa ospital”biglang sulpot ni Xander.
Agad naman kaming nagtungo sa parking lot,sila Zoey,Destinee,Desiree,Xander,Xavier,Asher,Aster at ako lang ang sumama patungo sa ospital.’Yong iba naiwan at sinabing susunod nalang.Mabuti nalang ay nagkas’ya kami sa sasakyan na dala nil Xander.
Nakahiga sa hita ko si Aster at katabi ko si Asher,pilit ko na lamang pinapalitan nang pag-aalala ang kabang nararamdaman ko,alam kong anumang oras ay tatanungin ako ni Asher nang tungkol kay Aster at oras na mangyari iyon ay paniguradong wala na akong takas.
Pero hinihiling ko nalang sana na hindi nahalata ni Asher ang pagkakahawig nila nang anak ko.Natatakot ako sa mga posibilidad na p’wedeng mangyari oras na malaman ni Asher ang totoo.
“M-mommy ko po”agad kong binaba ang tingin kay Aster nang magsalita ito.Agad na nag-alpasan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan dulot nang pag-aalala sa kalagayan n’ya.
“Baby,stay strong f-for mommy,hmm?you need to be better,I p-promise I will b-buy you a dozen o-of toys”naiiyak na pagka-usap ko sa kan’ya.
“I will po,mommy ko”ngiti n’ya kaya napangiti na din ako at niyakap s’ya.Pero agad akong napabitiw nang magsalita s’yang muli “daddy ko”she said and look at Asher and I look at him.He was shocked.
Even me,hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ni Aster.Ngayon n’ya lang iyon sinabi sa tanang buhay n’ya dahil never namin pinag-usapan ang daddy n’ya.And I wonder,did she already recognize Asher as her father?★★★★★
A/N:AYAN NASA EXCITING PART NA TAYO.AT ALAM N'YO GUSTO KONG TAPUSIN 'TONG STORY NA ITO NA MAY 25 CHAPTERS LANG TULAD NO'NG IBANG BS KAYA LANG KAPAG NAMAN GINAWA KO IYON MABIBILISAN 'YONG IBA SA INYO AT SASABIHIN N'YONG MARUPOK SI CAMS,EH KAILANGAN PA NATING PALUHAIN NANG DUGO SI ASHER KAYA AYUN.TIGNAN NATIN KUNG HANGGANG SAAN ANG KAYA NANG POWERS NANG ATE N'YONG TAMAD😂
AT SA TOTOO LANG,DAPAT NO'NG NAKARAAN PA ITO KAYA LANG NAGKASAKIT AKO,KAYA WALANG UPDATE LAST DAY.PERO NGAYON MERON NA.TIGNAN NATIN ULIT KUNG KAILAN ANG UPDATE😂
'YUN LANG FAIRIES,SEE YOU IN NEXT UD,LOVE LOTS😘
YOU ARE READING
Billionaire 6:Asher Antonio
RomanceWARNING:MATURED CONTENT | R-18 In the world full of couple's who are romantically inlove with each other or just lustfully loving each other.There is one man who is deeply and madly loving his long-time girlfriend,they are now seven years in a relat...