CHAPTER 6

3.8K 58 6
                                    

A/N:DON'T READ THIS KUNG SISISIHIN N'YO AKO NA INUBOS KO ANG ORAS N'YO AT SASABIHIN N'YONG WALANG IMPROVEMENT ANG MGA LEADS KO😊

Dedicating this chapter to LourdesManansala1  for supporting this story😊thank you po sa pag-aabang ng updates ko😊

ONE WEEK,ITS been one week since that kissed happened at kahit anong gawin kong pagkalimot sa halik nangyari na iyon ay hindi ko magawa, pakiramdam ko nasa mga labi ko pa rin ang labi ni Asher.

Alam kong mali,pero anong gagawin ko?ginagawa ko naman ang kaya ko para kalimutan ang nangyaring iyon,but I can’t.Even I bang my head on the wall,my mind wouldn’t forget it.

“Tulala na naman”nabalik ako sa reyalidad ng magsalita ang katabi ko.Si Liyah “mukhang malalim ang iniisip mo,what is it?”tanong n’ya.

“Nothing”sagot ko,kahit naman kasi mga matatalik ko silang kaibigan ayaw kong sabihin sa kahit na sino sa kanila ang nangyari sa amin ni Asher.It was wrong,and it will not change.

“Cheers!”sabay naming kinuha ni Liyah ang mga baso namin ng marinig ko ang sigaw na iyon ni Cierra,we are in Kye’s bar dahil biglang nag-aya ang gagang Cierra na mag-inom.And as usual,dahil kasama namin sila Bree automatic na kasama din ang mga asawa nila.Kompleto din ang mga boys,even Asher was here at kanina pa ako naaalibadbaran dahil ramdam na ramdam ko ang tingin n’ya sa akin.

Nasa VIP room din kami dahil sabi ni Dexton ay baka daw maagaw ang mga asawa nila,parang baliw lang.Kanya-kanya kami ng tungga sa alak na nasa baso namin.

At ng maubos na ang alak sa mga baso namin ay nilagyan iyon ng panibago ni Dexton,pero kalahati lang ang nilagay n’ya sa mga baso namin,unlike them na halos umapaw na sa sobrang dami.

“Hey,bakit konti lang ‘to?”reklamo ni Cierra.

“Aba babae,baka nakakalimutan mo na mababa ang alcohol tolerance n'yo”sabat ni Asher.

“Oh”tango ni Cierra.Napailing nalang ako dahil doon,he was right,mabababa ang alcohol tolerance naming magkakaibigan.

Napatingin ako sa phone ko ng mag-vibrate iyon,tinignan ko kung sino ang nag-text.

From:Cole

Where are you?:)

Agad akong nag-tipa ng text ng makitang si Cole iyon.

To:Cole

In Kye’s bar,why?

From:Cole

Saan yan?pwede bang pumunta?

To:Cole

Yep,KVL Haven’s Bar sa may Makati banda

From:Cole

Okay,just wait me darling:)

“Sino ‘yon?”napatingin ako kay Kia ng magsalita s’ya.Katabi ko s’ya sa kabilang side ko,si Liyah kasi sa kanan.

“A friend”ngiti ko.

“Weh?”ingos nito kaya mahina akong natawa.

“Kaibigan nga,si Cole ‘yong kasama natin last week sa resort”sambit ko kaya napatango s’ya.

“P’re,nasaan si Ayeisha?”napatingin ako sa grupo ng kalalakihan ng tanungin iyon ni River kay Asher.

“Busy”walang ganang sagot ni Asher,at ng tignan ko ang mga mata n’ya may isang emosyon akong nakita doon na kahit anong gawin ko ay hindi ko mabasa.

Billionaire 6:Asher Antonio Where stories live. Discover now