CHAPTER 28

3.4K 37 0
                                    

“YOU WANT to go home now?”napa-angat ako nang tingin nang maramdaman ko ang presens’ya ni Asher at marinig ko itong magtanong.

“Hmm,tapos ka na ba?”tanong ko at muling tumingin sa dagat.Namamangha talaga ako sa linaw nang dagat.Naramdaman ko s’yang umupo sa likod ko.

Napangiti nalang ako nang hatakin n’ya ako pasandal sa katawan n’ya at isandal sa dibdib n’ya.Ang mga binti n’ya ay nasa magkabilang tabi ko.

“I’m done here”sambit n’ya.

“Eh ‘di umuwi na tayo,hindi naman tayo p’wede magpagabi dito dahil madilim sa dadaanan natin,isa pa baka hanapin na tayo nang anak natin”sambit ko.Madilim kasi sa dadaanan namin palabas nang lugar na ‘to kaya natatakot akong bumyahe kami nang gabi dahil baka mapaano pa kami.

“Anak natin…”I heard him laugh and peck a kiss on my shoulder “I like it…parang gusto ko na agad sundan si Aster”sambit nito kaya natawa ako at hinampas ang braso n’ya na nakayakap sa bewang ko.

“Baliw,magfo-four palang si Aster nagbabalak ka nang sundan s’ya”sambit ko.Baka nga magtampo pa iyon kapag nalaman na may ibang baby kami maliban sa kan’ya.

“Eh ‘di maganda,para habang bata palang marunong na s’yang mag-alaga nang baby”sambit n’ya.

Marahan naman akong natawa at isinandal ang ulo sa balikat n’ya at tumingala sa kan’ya.

“Ayoko pa,parang hindi ko pa kayang merong ibang baby akong inaalagan maliban kay Aster.Gusto ko munang alalayan si Aster”sambit ko “but if we have a baby then,I will accept it because it was a blessing.But if not,that’s fine with me though”sambit ko.

“Hmm”ramdam ko ang pagtango n’ya.

“Nga pala,hindi pa tayo uuwi?maggagabi na”sambit ko.

“Yeah,we will go home now.Baka gabihin tayo sa daan”sambit n’ya at tumayo,inalalayan n’ya rin akong tumayo at sabay kaming naglakad patungo sa mga tao na nandito.

“Mga p’re,bukas n’yo na ituloy ‘yan at magsi-uwi na kayo.Baka gabihin pa kayo sa daan!”anuns’yo ni Asher sa mga tauhan n’ya.

“Sige po,engineer!”sabay-sabay na tugon nang mga kalalakihan.Nag-ayos muna sila saglit at matapos no’n ay sabay-sabay silang nagpaalam.Tinanong ko pa si Asher kung saan sila umuuwi para kahit papaano ay isasabay namin ang iba dahil parang secluded ang lugar na ito.

Parang walang mga sasakyan ang kayang um-access sa lugar na ito dahil kanina ay tanging sasakyan lang namin ang nakita ko at wala nang iba.

Ang sabi naman ni Asher ay nagpagawa s’ya nang bahay nang mga tauhan n’ya malapit lang dito para daw hindi na sila mapagod kung sakaling uuwi pa sila.

“’Tay,mauna na kami ni Camilla.Baka gabihin pa kami sa daan”paalam ni Asher kay tatay Julio.

“Sige,hijo.Mag-iingat kayo”sambit ni tatay.Niyakap naman namin ito ni Asher bago nag-paalam.Napangiti naman ako sa ginawa n’ya.

Hindi s’ya katulad no’ng ibang tao na nahihiya o nandidiri yumakap sa isang taong hindi n’ya kapantay ang estado.Natutuwa pa nga ako kapag umaasta s’yang parang hindi bilyonaryo at kilalang tao.

“Bye po”kaway ko kay tatay nang makasakay kami nang kotse.Ngumiti ito sa amin at kumaway rin bago paandarin ni Asher ang kotse.”Gusto kong bumalik dito”sambit ko nang makalabas na kami sa lugar na iyon at ngayon ay nasa kalsada na kami.

“Yeah,we will go there again.With Aster”ngiti n’ya ,at ewan ko ba.Pero parang iba ang pagkakahulugan ko sa sinabi n’ya,parang may iba.But maybe I’m just hallucinating.

Billionaire 6:Asher Antonio Where stories live. Discover now